KENTAKI POV
"You're late." Bungad ni Queen of Purple.
Kadarating ko palamang sa tapat ng Celina mula sinakyang taxi nang abutan siyang nakasandal sa kulay purple niyang sasakyan habang pinapaikot-ikot sa daliri ang susi nito.
"Alam na alam mo talaga kung saan ako pupunta, ano?" Giit ko nalamang.
"Syempre. Ikaw ang subject sa research paper ko e!" Pagkasabi ay nagsimula siyang humakbang papalapit sa 'kin. "Actually, nabagalan ako sa andar nung taxi'ng sinasakyan mo kaya inunahan na kita. So, tara! Umakyat na tayo sa taas!" Walang anu-ano ay hinigit niya ang braso ko papasok sa loob ng building.
Ewan nga ba kung bakit ako pumayag magpatangay sa kanya. Basta namalayan ko nalang na nasa tapat na kami ng unit ko.
"Ano bang ginagawa mo?" Nakakunot-noo kong tanong sa kanya. Mabilis ko rin hinigit ang kamay mula sa pagkakahawak niya matapos matauhan.
"Edi inaalalayan ka." Napa-iling pa siya. "Tara pumasok na tayo sa loob. Kanina pa 'ko nagugutom e!"
"Ayos ka rin pala, 'no!" Napakuyom nalamang ako sa kamao saka kumilos para i-type ang password ng unit ko sa monitor. Ilang sandali pa'y bumukas iyon. Hahakbang na sana ako papasok pero daig pa niya ang may-ari ng condo sa pakikipag-unahan sa 'kin makapasok.
"We're ho—" Bigla siyang napatigil nang pagsasalita sa hindi malamang dahilan.
"Lumabas ka nga!" Daing ko nang sundan siya sa loob.
"Now you're here." Giit naman ng hindi ko ine-expect na bisita. May hawak itong wine glass at nakangiting lumapit sa 'kin para makahalik sa pisngi. "Nag-cutting classes ka na naman, ba?"
"B-bakit ka nandito?" Bahagya akong dumistanya rito at pabagsak na nilapag sa sofa ang bag. "Ang akala ko ba—"
"Well, nabalitaan ko kasi sa secretary ko na um-order ka raw ng piano kaya naman ako na mismo ang nakipag-deal sa supplier para sa magandang quality. Alam ko naman na ang mahalaga lang sa 'yo ay ang may magamit." Napa-ismid pa siya. "Mga tauhan ko na rin ang pu-mick up para personal na mag-deliver dito. Ayun nga't pinapwesto ko sa gawing computer table."
"Sana hindi ka na nag-abala." Napa-iling ako at bahagyang lumakad papunta sa kusina. "Kumain ka na ba?"
"Wag mo na 'kong alalahanin. Kayo ang kumain at mukhang kanina pa kayo nagugutom." Sunod nitong binaling ang tingin kay Queen of Purple. "Pasensya na nga pala't hindi ko ine-expect na magdadala ka ng bisita sa unit ngayon. O sya, maiwan ko na kayo."
"MOMMY!" Bigla akong napatakbo sa kinatatayuan nito para mapigilan sa paglabas. "NASAAN ANG APPLE PIE SA REF?"
"Aah, 'yon ba? Ayun, pinakain ko sa mga nag-deliver ng piano."
"Bakit yun pa? Kaya nga 'ko umuwi para kainin 'yon tas ipamimigay mo lang? Mommy naman!"
"Sus, ang anak kong 'to talaga. Hayaan mo na't makakakain ka pa non. Kung gusto mo ay si tita Celina mo pa mismo ang magbe-bake sa kitchen mo para sa 'yo."
"Pero mommy!"
"OMFG! Ang cute mo pala mag-tantrums!" Biglang sabat ni Queen of Purple.
"Pwede ba tumahimik ka dyan!" Baling ko sa kanya.
"Kahit na kailan ang cold mo talaga sa mga babae." Sabi pa ni mom. "By the way, is she's your—"
"Girlfriend." Duktong ni Queen of Purple saka mabilis na inabot ang kamay ni monmy para maka-shake hands. "I mean babaeng kaibigan." Muli siyang napakagat sa labi. "Nice to meet you po, Ma'am."
"You can call me tita Natalya." Pinaunlakan naman ni mommy ang pakikipagkamay na 'yon. "So, you are?"
"M-Maureen, Maureen Lincoln po."
"So, the daughter of President Lincoln ng Metrobank. It's so nice to see you here!" Matapos ay hinigit s'ya ni mom para mayakap at mahalikan sa pisngi.
"A, e. It's my pleasure po."
Matapos ang ilan segundong pagkakadikit ay dumistansya na rin si mom. "Parang kanina lang nang mag-deal kami ng daddy mo para sa isang napakalaking investment. Pero ngayon, heto't ikaw naman ang kasama ko. Kay liit talaga ng mundo!" Pagkasabi'y isang napakalakas na halakhak ang pinakawalan ni mommy.
"N-nakakatuwa naman pong marinig 'yon m-mula sa Chairwoman ng Apple Corporation. Sobra po akong na-o-overwhelm. Lalo na, super crush ko ang anak ninyo." Wari'y sinabayan niya ang malakas na halakhak ni mommy.
"Joker karin pala!"
"Hindi naman po masyado. Nake-carried away lang."
"Nakakatuwa kang bata ka." Matapos ay makahulugan siyang tinitigan ni mommy mula ulo hanggang paa na mukhang alam na alam ko na ang ibig sabihin. "I like the way you dressed up. Sinong designer?"
Sunod kong binaling ang tingin kay Queen of Purple. Hindi na pala siya nakasuot ng color purple ngayon dahil daig pa niya ang makikipag-giyera sa white armour at metal boots na suot. Bigla akong natawa pagka-realize na nagawa ko palang tiisin na makasama ang abnormal na tulad niya magmula pa kanina.
"For sure, napaka-galing n'yang napili mong designer."
Muling bumalik ang atensyon ko sa pagitan nila. "Mommy, ang akala ko ba aalis ka na?" Baling ko kay mom para tapusin na ang conversation'g namamagitan sa kanila. "Please lang, umalis ka na at isama mo narin si Queen of Purple. Iwan nyo na 'ko. Pwede ba!"
"Ang rude mo naman sa mommy mo!" Sabat ni Queen of Purple. "Kung ikaw kaya ang umalis para makapag-chicka-han pa kami ni tita Natalya ng matagal-tagal!"
"Ayos ka rin, 'no?" Napa-ismid nalamang ako.
"Pabayaan mo na iha. Ganyan talaga kapag hopeless."
"MOMMY, ANO BA?"
Ang totoo n'yan, hindi naman talaga ako kasing rude at cold gaya ng nagiging first impression sa 'kin ng lahat. Hindi ko kailangang magpakilala sa lahat lalo na't hindi ako pinalaki para bigyan ng explanation lahat ng bagay. Kumbaga sa music, masasabayan mo lang ang isang tono kapag inunawa mo ang bawat piyesa sa likod nito.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...