WATSONS MEDICAL HOSPITAL

23 5 0
                                    

SAMMARA KELLY POV

Gaya ng inaasahan, narito na naman ang mga empleyadong ina-assign sa pagbabantay sa 'kin. Dalawang personal nurse, dalawang personal maid at tag-limang bodyguard mapa-loob at labas nitong VIP suite kung saan ako mako-comfine. Kulay sky blue ang wardrobe ng mga pasyente sa hospital at gaya ng dati ay nakasuot na naman ako nito. Ganitong-ganito rin ang senaryo noong una at huling beses akong in-admit dito.

Ngayon nga'y naka-upo sa gilid ng kama si Clarck at hawak parin niya ang kamay ko. Mula naman sa di-kalayuan ay kausap ni daddy ang Cardiologist –si lola Heart. Si lola Heart ang pinakamagaling at pinakasikat na Cardiologist sa mundo. Bagamat matanda na ay hindi parin mababakas sa mukha nito ang edad dahil sa dami ng gamot na iniinom at sa madalas na pagpapa-derma. Ito nga pala ang mommy ni dad, which is my lola. Katulad ni lola ay nakasuot din si dad ng laboratory coat at may nakasakbit na stethoscope sa leeg. Seryoso ang pag-uusap nila at paminsan-minsa'y sumusulyap sa 'kin si dad. Samantalang hindi naman halos mapakali si mom sa pari't paritong paglalakad at mas abala siya sa hawak na cellphone.

"Nasan na ba ang batang 'yon? Naku naman!" Sabi pa ni mommy.

"Excuse me, Doc." Giit naman ng dumating na secretary. Bumaling ito kay dad. "Nasa laboratory na po ang mga bagong Apple machine. Nandoon rin po ang Brand Manager. Gusto kayong makausap."

"I see." Tanging nasabi ni dad, at pagkasabi non ay lumapit muna siya sa 'kin. Hinalikan ako sa noo. "Gagawin namin ang lahat para gumaling ka ka'gad." Hinaplos pa niya ang mga buhok ko.

Tumango lamang ako. Ilang sandali pa'y tuluyan ng nawala sa paningin ko si dad. I can't understand.

"Sammara, When did the last time you drink your medicines?.?" Narinig kong tanong ni lola, eventually.

"Y-yesterday —last night."

"Seriously?"  Bumaling ito sa nurse at may pina-take down notes na kung anu-anong terminology. Maya-maya ay tumingin uli ito sa 'kin. "I told you to drink your meds. twice a day, right? Bakit ka nag-skip kaninang umaga?"

"Ang akala ko po kasi, kaya ko na kahit wala 'yon." Bahagya akong umiwas nang tingin dito.

"Kaya ba binaliwala mo lamang ang pag-atake ng sakit mo last month, dahil akala mo normal na rin 'yon?"

Hindi na 'ko magtatakang alam na nila ang tungkol sa pag-atake ng sakit ko noong first day of school dahil malamang na lalabas naman iyon sa examination na ginawa nila kahit pa hindi ko aminin sa kanila.

"Anyway doc, paano po ba malalaman kung normal ang heartbeat?" Sabat naman ni Clarck.

"Siguro mas madali mong mauunawaan kung kukuha ka ng timer at hahawakan mo ang pulso mo kasabay ang pagbibilang sa bawat pagpintig ng 'yong dugo. Anyway, a normal resting heart rate is between 60 and 100 beats per minute.

Natawa si Clarck. "Kung ganon, kailangan ko rin pala magpatingin sa Cardiologist."

"But why, Mr. Ortega? Do you feel—"

"I feel like, my heart is beating 100 kilometre per second every time I'm with Sammara. Do you think it can be a sign of Pulmonary Heart Disease? Do I need to look for a second opinion?"

Bahagyang natawa si lola.

"Ano po bang gamot ang kailangan kong i-maintain?"

"Well, all you have to do is to keep your eyes on her." Maya-maya rin ay sandaling nagpaalam sa paglabas si lola.

Kasunod naman nang pag-alis ni lola ay ang pagdating ni kuya Neightan. "Sammara!" Kaagad siyang yumakap sa 'kin. Amoy alak siya.

"What do you think you're doing, Neightan?" Giit naman ni mommy. Lumapit ito sa 'min at pilit na hinila palayo si kuya. "Stay away from her. You're drunk, Neightan!"

Tumulong naman si Clarck para mailayo sa 'kin si kuya.

"Tang ina kasi Clarck, nasaan ka ba kanina? Bakit pinabayaan mo lang si Sammara?" Daing pa ni kuya. "Alam mo naman na bawal sya sa kahit na anong sports, diba?"

Napa-ismid lamang si Clarck.

"Teka ngang bata ka, ano bang nangyari sa 'yo? Bakit ngayon ka lang nagpakita? At anong nangyari d'yan sa mga galos at pasa sa mukha mo?" Sunud-sunod na tanong ni mommy.

"Ah, ito ba?" Napahawak si kuya sa noong puro sugat. "Gago kasing Brayan 'yon, e! Hindi manlang nag-give way sa kalsada! Ang akala siguro uurungan ko."

"E, nasan na si Brayan ngayon?" Tanong ni Clarck.

"Ayon, nasa police station! Iniwan ko pagkabasa nang text ni Lois. Sigurado naman na darating ang kuya n'yang attorney para aregluhin ang kaso." Kibit-balikat pang kwento niya. "Dito na ko dumiretso kasi ine-expect ko ng mangyayari 'to."

Samantalang lumapit naman sa kanya si mommy para tignan sa malapitan ang mga sugat at pasa sa mukha niya. "Dumugo ba 'to kanina?"

Umiling si Kuya. "Galos lang 'to mom. Malayo sa bituka."

"O sya, sumama ka sa'kin mamaya para makuhaan ka ng x-ray. Mahirap na magkaroon ng internal hemorage." Pagkasabi'y bumaling si mommy sa mga nurse. "Ano pang tinatayo ninyo d'yan? Kumuha na kayo ng first aid kit para magamot ang sir Neightan ninyo!"

Taranta namang nagsi-sunod ang mga nurse.

"Mga galos at pasa lang sabi 'to. Ang kulit!"

"Neightan, 'wag matigas ang ulo dahil hindi na uubra ang kaangasan na 'yan sa daddy mo! Gusto mo bang ma-grounded na naman?"

Napaismid nalamang si Kuya.

Nakakatawa lang isipin na gan'yan kung mag-alala si mommy sa kakapirasong galos at pasa sa mukha ni kuya samantalang ako na halos naka-comfine na lahat sa hospital ay dinadaan-daanan lang niya. Kung tutuusin, hindi naman ako dapat maingggit dahil nasa akin din naman ang buong atensyon ni daddy. Yun nga lang hindi kasi ganon kadali ang mag-adjust sa ganitong klaseng set up. Mula pagkabata ay kakambal ko na ang Pulmonary heart disease. Minsan na 'kong dumaan sa napaka-raming treatment at nag-maintain ng kung anu-anong gamot pero kahit pa lola ko ang pinakamagaling na Cardiologist sa mundo ay may mga bagay talaga na hindi ganon kadaling gawin.

"Oh, Louisa, akala ko umuwi kana?" Puna ni mommy pagkapasok ni tita Louisa sa pintuan.

Sunod na bumaling dito ang atensyon namin.

"Kung aabutan ng malas may humarang sa 'king baliw sa hallway!"

"Baliw?" Pagtataka ni kuya.

Pero sa halip na sumagot ay lumakad muna papalapit sa 'kin si tita. Naupo ito sa tabi ni Clarck. "Nagkita kami ng baliw na si Sharon." Sabi ni tita habang makahulugan akong tinitignan.

"Anu-anong kabaliwan nanaman ba ang kinwento nya?" Natatawa namang tanong ni mommy. "Sinabi na ba niya kung saan nya tinago ang singsing?"

Umiling ito.

"I see."

"Malakas ang kutob ko na isa si Natalya sa mga nasa likod nito." Sabi pa ni tita. "Mukhang hindi talaga s'ya titigil hangga't hindi ako nagagantihan."

"What do you mean, tita?" Pagtataka naman ni Clarck. "Who is Sharon, anyway?"

"Oh, nandito pala kayo!" Wari'y napakagat-labi ito saka binaling ang tingin sa paligid kung saan nakita sina Clarck at kuya Neightan kasama ang nurses, maids at security guards. "It's not so important anyway. Don't mind it."

Magsasalita pa sana si kuya subalit muling bumukas ang pintuan at dumating si dad.

"Now you're here." Bungad ni daddy pagkakita kay kuya. "So, where the hell do you came from?"

"Kalle, he's tired. Please let him fix his self, first." Sabat naman ni mom na pumagitna sa kanila.

"Tandaan mo Neightan, hindi kita in-enroll sa Camp Bridge para lang magbulakbol. Ikaw mismo ang mga mata namin sa kapatid mo kaya umayos ka!"

Napakuyom na lamang ng kamao si kuya.

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon