"Wow! Naka-touch naman! Gumawa pa talaga sya ng poem!" Kinikilig na komento ni nurse Ynah matapos basahin ang nasa tissue. "For sure, tuluyan ka nang hindi makakatulog n'yan!" Sabi pa nito.
Napangiti nalamang ako.
"Well, uunahan na kita sa pagtulog dahil walang gigising sa 'yo para pumasok sa school kapag pareho tayong napuyat!" Pagkasabi'y lumakad na ito palabas ng kitchen. "Good luck nalang sa lovelife mo."
Naiwan ako mag-isa. Speechless. Pabalik na rin sana ako sa kwarto nang marinig ko ang pagbusina sa labas kaya naman dali-dali ako naglakad papunta sa pintuan kung saan mula roon ay kitang-kita ang pagdating ng kotse ni daddy. Sasalubungin ko sana siya kaso napahinto ako pagkarinig sa conversation nila nang kausap niya sa cellphone.
"Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Sharon. Please huwag na natin' palakihin 'to." Pagsusumo pa ni daddy. "Promise, mas lalo ko pang hihigpitan ang security. Hinding-hindi na 'to mauulit... Sige, bye." Pagkasabi'y binulsa na niya ang cellphone at inabot sa sumalubong na maid ang bag na dala. Doon lang rin niya napansin ang presence ko. "—Sammara, kanina ka pa ba dyan?" Lumapit siya sa 'kin saka yumakap.
"Hindi po uli ako makatulog." Sabi ko naman saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanya.
"Gusto mo ba uli nang bedtime story?"
Tumango nalamang ako.
Bata palang ay si daddy na ang nagpapatulog sa 'kin kapag hindi ako makatulog sa gabi. Actually, memorize ko na nga halos lahat ng love story na involved sa Fairy tales dahil sa gabi-gabing bedtime story na kinu-kwento niya. Kaya dahil doon, I used to believe in fairytales. In magics. In happy endings. Even, in puppy love. Minsan nakakasawa na rin makinig. Ang hirap kasi maniwala na may true love.
"Paano po ba malalaman kung siya na?" Naitanong ko nalamang kay daddy na ang tinutukoy ay ang true love ayon sa kinukwento niyang Romeo and Juliet kania. Kasalukuyan kaming magkatabi sa kama habang inuunanan ko ang braso niya. "Nakahanda ka rin po ba mamatay para sa love?"
"Kahit sino. Basta para sa taong mahal nila." Naka-ngiti naman niyang sagot habang hinahaplos ang buhok ko.
Na-attract ako sa mga ngiti ni daddy at sa idea na wala talagang imposible para sa taong nagmamahal. Habang titignan ko siya sa mukha ay hindi ko mapigilang humanga sa kanya. Napaka-gentle ng paraan niya nang paghaplos sa buhok ko. Napaka-gaan ng kamay niya. Napaka-amo ng mga mata. Kung tutuusin ay katulad talaga niya ang ideal man ko. Indeed, parehong-pareho sila ni Clarck.
"Kapag nagmahal ka, huwag ka magdadalawang-isip na ibigay at gawin ang lahat. Hindi man maging kayo sa huli, ang mahalaga ay hindi ka nagkulang." Dagdag pa ni daddy.
"So, dapat po ba, iparamdam ko na sa kanya kung gaano ko s'ya kamahal?" Tanong ko naman. "Kapag ginawa ko po ba 'yon, mabawasan na ang what if's na nagpapabigat sa dibdib ko? Hindi po ba, ang ackward naman kung ako ang manliligaw."
Bigla naman siyang natawa sa mga sinabi ko. "So, desperada ka na nyan?"
"Dad, I'm serious kasi!"
"Well, maybe you deserve someone else better."
"Pero paano kung kumukuha lang s'ya ng tyempo?"
"Kung talagang mahal ka nya, siya mismo ang gagawa ng paraan para hindi ka tuluyang mawala sa kanya."
"Ang sakit naman nun." Nasabi ko nalamang.
"Masakit talaga. Kaso, wala ng mas sasakit pa kapag alam mong mahal na mahal ninyo ang isa't isa pero hindi pwede maging kayo."
"K-katulad po ba iyon ng nangyari sa kaibigan nyong si Ms. Dianne at sa boyfriend nya?" Tanong ko pa. Minsan na rin kasi niyang na-open ang tungkol sa lovestory ng ilan sa mga kaibigan niya− isa na nga doon ay ang kwento ni Ms. Dianne Forbes Hadjiali .
"Natatandaan mo pa pala."
"Syempre naman po." Pagmamalaki ko pa. "Hindi ko makakalimutan 'yon lalo na 'yong ginawa nilang pagpapa-ubaya sa isa't isa para lang mapanindigan ng boyfriend nya 'yong nabuntis nito, by accident. Feeling ko nga, na-set up lang sila at hindi talaga nito anak 'yong nasa sinapupunan nung third party."
"Sana nga." Napakibit-balikat pa si daddy. Napansin ko rin na bahagya siyang tumingin sa sofa kung saan nakalapag ang hinubad na coat. "Kaso, ano pang silbi ng katotohanan kung masyado ng huli ang lahat para sa kanila?"
Hay.
Napabuntong-hininga nalamang ako. Masyado na kasi kami nake-carried away sa kwentuhan. Nakalimutan ko tuloy na marami pa palang mas mabibigat na problema kumpara sa pino-problema kong set up namin ni Clarck. Masyado pa talalaga akong bata para sumabak sa real world. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...