KENTAKI POV
Pagka-alis ni Neigthan ay kaagad akong nagtungo sa kusina para gumawa ng pampalamig na maiinom. Naisipan kong i-activate lahat ng social media accounts ko nang sa ganon ay matawagan ko si DK para hindi na 'ko ma-confuse sa kung anong pangsa-psycho'ng ginawa sa 'kin ng paki-elamerong 'yon.
[Blending your favorite shake, again?] Komento ni DK mula sa monitor ng computer. Kasalukuyan kaming magka-video call sa YM na konektado sa amplifier kaya kahit nasa kusina ako ay nagkakarinigan parin kami. [Ano bang nangyari at ngayon mo lang in-activate 'tong YM mo? Hindi rin kita matawagan sa number mo. C' mon, Ken! Pinagtataguan mo ba 'ko? What's wrong?]
Matapos sa pagbe-blend ay sinalin ko ang apple shake sa wine glass saka sinimulang budburan ng assorted toppings. Sa huli ay binitbit ko ang baso pabalik sa computer table. Itinuloy ko ang pakikipag-video chat kay DK. Kulay green ang scarf na suot niya ngayon. Tulad ng nakasanayan, nakatakip ang mukha niya na tanging mga mata lang ang nakikita.
[Hey, Ken, kanina pa ako salita nang salita! Nakikinig ka ba?]
"O-o naman. Nga pala, kumain ka na ba? Mayron akong pork chop sa freezer, gusto mo ba?" Hindi ko nalamang pinansin ang mga una niyang sinabi.
[Insulting me, huh! As if we're eating meal, such as— baboy.]
"I see." Muli akong humigop ng shake. Nilagok ko iyon hanggang sa mangalahati.
[Iyan lang ba ang kakainin mo para sa lunch?] Nasa tono niya ang pangangaral katulad ni mommy.
"Tapos na 'ko kumain, no need to nag."
[Try to look at the monitor to figure out differences between the new you and the old Kentaki. PAT-PATin ka na Ken!]
"At least, you're mine."
[But you don't owe my heart. Oo fiance kita but it doesn't mean I do loving you. In the first place, alam mo namang arranged marriage lang ang lahat, diba?]
"Sana nga kaya ko rin angkinin pati puso mo."
[Hwag mong paikutin ang mundo mo sa 'kin. I mean, huwag mo 'kong mahalin ng sobra. Mga bata pa naman tayo, pwede kang mag-explore, makipag-date sa mga girls at mag-commit sa iba. At the end of the day, sa 'yo parin ako ikakasal.]
"Pero ang unfair kasi mahal na kita."
[Take your time, h'wag kang Atat!] Ngumiti pa s'ya. [Here oh, Nikki's new book, Naka-bili ako ng isa.] Saka niya pinakita ang kopya ng libro. Gaya ng nasabi ko kanina, isang freelance writer ang nakababata kong kapatid. Sa edad na dose ay nagkaroon na ito ng napakaraming readers at fans.
"Anyway, kailan ka ba mag-aaral sa Manila? Miss na kita maging sitmate" Pag-iiba ko nalamang sa topic dahil ayaw nya nang pag-usapan ang tungkol sa 'min. Medyo disappointed na naman ako.
[Sitmate o cheatmate? Well, to tell you frankly, wala sa plano ko ang mag-aral sa Manila especially at Camp Bridge Academy. You know, it reminds mom her unhappy days with Immortals.]
"So, hindi na talaga tayo makakabuo ng magagandang memories sa High school life?" Shit! Nagkamali yata ako nang sinabi. Sana hindi nalang pala ako nagsalita. "Never mind DK."
Bigla naman s'yang ngumiti pero halatang napipilitan. [I will try, Ken.]
Matapos ang usapang iyon ay naiwan na naman akong hopeless. Pilit ko mang balewalain ang mga sinabi ni Neigthan pero sa mga pinapakita ni DK ay parang siya na rin ang nagtutulak sa 'kin sa ganoong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...