First Aid

57 6 0
                                    

KENTAKI POV

Kung ganon ay ito na nga si Sammara Watsons. Kay liit talaga ng mundo at magiging kaklase ko pa ang maingay na babaeng nagpalayas sa 'kin sa inuupuan kong VIP area, sa airport noon. Kung mamalasin nga naman.

"Uy Kentarou,"

Kentarou, kasi? Napaka-ingay talaga ng babaeng 'to. Bobo na nga sa memorization pa-obvious pang interesado sa 'kin.  Ba-ka! Bulong ko nalang saka pinagpatuloy ang paglalakad sa kahabaan ng hallway, 66th floor.

"Bakit ka ba nakasunod?" Nakakunot-noo ko syang binalingan nang tingin pagkahinto sa tapat ng room 643 —iyon ang unit ko. Napansin kong makahulugan parin s'yang nakatingin sa 'kin kaya pinandilatan ko siya ng mata at sinenyasang umalis na. "Mag-e-enter ako ng passcode. Alis d'yan."

"Sorry ok? Sorry!" Dumistansya naman siya.

Nang bumukas ang pintuan ay hindi ko na siya nilingon pa. Nagsimula na 'kong humakbang papasok ngunit pinigilan nya nanaman ako't hinawakan na sa braso.

"Kentarou teka!"

"Bakit na naman?" Hinigit ko ang braso mula sa pagkakahawak niya.

"I never thought na isa kang Samson at may posibility na magkamag-anak kayo ni Clarck. S-sorry pala sa mga ginawa ng Kuya ko, lalo na sa pagsampal ko sa 'yo sa elevator. P-pwede bang kalimutan nalang natin ang mga nangyari at magsimula tayong muli?"

"Ang drama. Pumasok ka na nga!" Pagkasabi non ay ako na ang humawak sa kamay niya papasok sa loob ng unit ko.

Pagkapasok ay kaagad s'yang naupo sa sofa saka nilibot nang tingin ang paligid. Pansamantala naman akong pumunta sa kwarto para makapagpalit ng damit. Paglabas ko ay naka-boxer shorts nalang ako, ipinatong ko lang ang bathrobe sa balikat. May dala rin akong medicine kit.

"PERVERT!"

Ako ba ang tinawag niyang manyak? Isinarado ko ang bathrobe —hindi kasi sya halos makatingin sa 'kin. Naupo ako sa tabi nya. At umakto para unti-unting ilapit ang mukha sa kanya.

"Anong gagawin mo, ha? H-huwag mo na t-tangkain... Tatawag ako ng security!"

Napaismid ako. "Feeling mo naman type kita!" Biglang lumihis ang kamay ko para kunin ang remote ng casset sa tabi nya. Kasalanan ko bang magkakalapit ang mga mukha namin less than 3 inches? Nakakatawa sya!

"Pervert. Maniac. Bastos!"

"Aray, 'yong sugat ko h-hwag mong hampasin. Teka wag 'yan!" Ano bang mali sa sinabi ko? Over reacting naman ang babaeng 'to. "Naiirita na 'ko sayo, ha!"

Pagkarinig ay bigla itong tumahimik.

Good girl naman pala kahit annoying.

"A, e. K-Kentarou."

Bakit na naman? May ginawa ba 'ko?

"K-kentarou, g-gusto mo bang ako na gumamot n'yan?"

"Kentarou kasi, Kentaki pwede? Ambopols mo naman sa memorization!"

"What's ambopols? At saka sorry, Kentaki pala."

"O!" Inabot ko sa kanya ang medicine kit. Tumama iyon sa labi nya.

"Aray naman!" Nagmaktol muna siya bago inabot ang medicine kit. "Saan banda ba masakit?"

"Yung puso ko." Pilosopo kong sagot.

"Seryoso ka ba d'yan?" Bahagya siyang natawa pagkasabi non. "Medyo korny ka rin pala."

Umismid nalamang ako. Sinimulan naman niyang buhusan ng napaka-raming alcohol ang mga sugat sa braso ko kaya halos mapatalon ako sa hapdi. "Sinasadya mo ba?" Daing ko habang hinihipan ang mga sugat.

"Para ka namang hindi lalake!" Komento niya. "Alam ko namang masakit at mahapdi ang alcohol pero kailangan ko munang linisin ang sugat bago tapalan ng bond aid, baka kasi magkaroon ng infection. Mas dodoble ang sakit kapag nangyari 'yon."

"Mga babae nga naman!" Paismid nalamang akong bumalik sa kinauupuan.

Itinuloy niya ang paggagamot at pikit-mata kong tiniis ang sakit. May mga pagkakataon na napapatingin ako sa kanya pero hangga't maaari ay sinusubukan ko iyong bawiin. Kaya naman para basagin ang namamagitang katahimikan ay binuksan ko nalang ang cassette gamit ang remote.

Here we are,

In the best year of our lives...

Mabilis tumugtog ang prelude ng Moment of truth hanggang sa mga unang linya.

"Emo ka nga talaga, 'no."

Napaismid ako at pinatay nalang uli ang cassette.

"Bakit mo pinatay?"

"You're annoying." Sagot ko lang.

At aba hinablot ba naman sa 'kin yung remote saka muling binuksan.

"Ingay." Bulong ko nalamang.

"Kesa naman pareho tayong mabingi sa katahimikan. Emo ka kasi!"

Wala na nga akong nagawa kundi makinig sa kanta habang patuloy siya sa panggagamot ng mga sugat ko.

I used to know her brother

but I never knew I loved her,

'till the day she laid her

eyes on me.

Now I'm jumpin' up and down

She's the only one around,

and she means

Every little thing to me

Pinapakinggan ko na ang mga tugtog ng FM Static dati pa kaya wala akong ibang ibig sabihin sa mga lyrics na 'yan. Nagkataon lang. "Um-order na 'ko ng pagkain. Ide-deliver narin 'yon maya-maya." Nasabi ko nalang. "Pwede kang kumain dito, kung gusto mo."

"Salamat" Pagkasabi'y dinampian niya ng bulak na may betadine ang sugat sa gawing noo ko.

Napatingin ako sa kanya. Sobrang hinhin ng paraan niya nang panggagamot. Pero, hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya. Dumako ang tingin ko sa mga mata niya, malalim ang pagka-asul ng mga kulay non na bumagay naman sa mataray na hugis nito. Kung wala lamang siyang nunal sa kaliwang bahagi ng mata ay baka akalain kong si DK ang kaharap ko ngayon. Pareho rin kasi sila mayroong destructive na napakalapad na noo. "Sabihin mo nga pala sa boyfriend mo, bantayan ka n'yang maigi. Sa susunod na atakihin ka na naman, uumbagan ko na s'ya."

"Correction Clarck and I are just friends. But then, thank you for the care. Don't worry I'll watch your words." Tuwid na tuwid ang pagkakatingin niya sa 'kin. Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang hindi matulala sa mga mata niyang iyon. Sa tingin ko naman ay wala siyang nilagay na make-up sa mukha dahil sobrang natural ang ayos niya maliban sa kung anong makintab na likidong nakalagay sa manipis niyang labi.

"Nga pala," Mabilis ko rin binawi ang tingin sa kanya saka tumayo sa kinauupuan.

"T-teka hindi pa tapos."

"Pumasok ka nalang sa klase. May tatlong oras pa."

"I-ikaw?"

Napaismid lang ako.

"Makakahabol ka ba?"

"Boring ang first day ng High school life."

And here I am,

on the west coast of

American and I've been tryin' to think for weeks of

All the ways to ask you,

And now

I've brought you to the place,

Where I've poured my heart out,

a million times,

for a million reasons,

To offer it to you...

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon