LOIS POV
Natapos ang last subject na absent ang halos kalahati sa section namin. Lahat sila may kanya-kanyang dahilan. Si Sammara, nasa auditorium para sa Stage Rehearsal. Si Clark nasa Piano Lesson para sa sasalihang competition. Si Lee nasa Mall Show. Si Maureen nasa clinic daw masakit ang ulo. Samantalang sina Neightan at Kentaki ay paniguradong nag-cutting classes na naman. Ewan nga ba kung paano kami napunta sa section 1 gayong once in a blue moon lang makabuo ng perfect attendance ang bawat isa.
"Ang daya talaga ni Neightan! Magka-cutting pala hindi manlang nag-aya!" Daing ni Brayan pagkalabas na pagkalabas ng last teacher namin.
"Ok narin kung wala sila, at least walang maiingay. Saka mas madaling matuto kapag kakaunti." Nakangiting sabi ni Doreen.
"Basta ako, excited na para sa papalapit na Piano Tournament!" Giit ko naman habang abala sa paglalagay ng face powder. "Sana manalo si Clarck."
"Sus, ano namang alam ng Clarck na 'yon sa piano?" Komento ni Brayan. "Paniguradong sasali lang 'yon para magpasikat!"
"Masyado ka namang judgmental!" Daing ko.
"By the way, mauuna na pala ako sa inyo." Sabat ni Doreen saka binitbit ang bag. "May Taekwondo Lesson pa ako e. See yah!" Nakipag-beso muna siya bago tuluyang umalis.
"O sya, maghahanap nalang ako nang mapagti-trip-pan sa labas!" Giit naman ni Brayan.
Gaya nang inaasahan, naiwan akong mag-isa. Ayoko pa sanang umuwi kaso hindi ko naman alam kung saan pwedeng pumunta. Kung meron lang sanang lugar na walang nakakakilala sa 'kin. Kaso wala.
"Hi princess." Sabat ng kung sino mula sa di-kalayuan.
Mabilis ko namang nilingon ang pinanggalingan ng boses. "O Garry, kanina ka pa?" Nakatayo kasi siya mula sa pintuan. "Pasok ka."
Lumakad naman siya papasok sa loob ng classroom. Pagkapasok ay nanatili lamang siyang nakatayo sa tapat ng upuang inuupuan ko. "Uwi na tayo. Hatid kita."
"Ha?" Bigla akong na-speachless sa sinabi nyang 'yon.
"Day off ko kasi ngayon sa Restaurant, kaya bilang part time buddy mo, ikaw naman ang pagsisilbihan ko." Pagkasabi ay kumindat siya.
"P-pero, ayoko pa kasing umuwi."
"Edi sasamahan pa rin kita!" Bahagya siyang ngumiti. "Basta magka-cash advance ako mamaya."
"Aaah. Kaya pala." Napaismid ako.
"Saan mo ba gustong pumunta?" Wari'y nilahad niya ang isang kamay sa harap ko.
"Kahit saan." Napakibit-balikat nalamang ako. "Sa future... Sa panahon kung saan pwede kong i-fast forward ang lahat."
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...