Papunta sana si Dr. Kalle Watsons sa Incubator Area para silipin ang lagay ng mga premature na sanggol kung saan kabilang ang anak ng kaibigang si Maricar subalit kaagad siya napahinto sa paglalakad pagkakita kay Natalya na masinsinang nakikipag-usap sa isang binatilyo.
Mahigit limang minuto rin niyang inobserbahan ang mga ito mula sa di-kalayuan kaya nang magpasyang magpaalam ang binata ay walang kamuwang-muwang itong naglakad sa harap nang kinatatayuan niya. Kaagad nya rin naman itong namukhaan nang ma-realize ang pagkakaroon nito nang involvement sa nangyaring shoot out sa Forbes Supermall noong mallshow ni Rick Lee.
"Dr. Kalle!" Tawag ni Natalya pagkakita sa kanya.
"Isa rin ba iyon sa mga tauhan mo?" Tanong naman niya pagkalapit dito.
"Kalle huwag ka ngang paranoid! Nagkamustahan lang kami ng scholar ni mayor! Tauhan kaagad?"
"Hindi ba't lahat naman ng nagiging scholar ni Leslee ay sa 'yo rin bumabagsak."
"Well, wala rin namang mangyayari kung itatanggi ko 'yon." Napakibit-balikat na lamang ito saka itinuon ang atensyon sa loob ng incubator. "Kaawa-awang bata." Sabi pa nito habang nakatingin sa kulay pink na crave kung saan nakasulat ang pangalang Mikaela Yamamoto.
"Huwag kang mag-alala dahil ligtas na sa bingit ng kamatayan si Maricar at ang anak nya. Sadyang dead on arrival nga lang ang driver nila." Pagbabalita naman niya. "Nagsimula na rin mag-imbistiga ang mga pulis sa nangyaring car accident kaya iyon ang mas dapat mong ipag-alala sa ngayon."
"Iniisip mo ba talagang may kinalaman ako sa aksidente?" Nakakunot-noong tanong nito.
"Pinapaalalahanan lang kita." Sagot lamang niya.
"Kalle, huwag mo 'kong pagbantaan dahil hindi ako ang totoong kalaban dito."
"Kung ganon, huwag kang umarte na parang ikaw ang agrabyado sa inyong dalawa." Paglilinaw naman niya. "Hindi lang ikaw ang nawalan kaya huwag mong isisi sa lahat ang kapalaran mong ikaw naman mismo ang gumawa!"
"At sinong sisisihin ko? Ang Diyos?" Pagkasabi'y bahagya pa itong natawa. "Come on! Kalle, hindi totoong mayroong Diyos! Kasi kung may Diyos, hindi sana nito hinayaang magkanda-leche-leche ang buhay ko matapos umalis si Kentarou para sumama sa malanding kabet nya!"
"Nagbago ka na nga talaga."
"Hindi ako nagbago, sadyang natuto lang ako." Nakangiti pang sagot nito. "Kaya pakisabi nalang sa Diyos mo, salamat sa ginawa n'yang pagpapabaya sa 'kin. Dahil kasi doon, natutunan ko kung paano ang maging mas matapang. At labis kong ipinagpapasalamat ang bagay na 'yon."
Hindi naman niya napigilang humalakhak sa mga sinabi nito. "Kung sa tingin mo ay basehan na nang katapangan ang paglalagay ng makapal na make up para pagtakpan ang mukha mong pinaglipasan na ng panahon at ang pagtatago sa likod ng mga tauhan mo gamit ang makabagong teknolohiya, ay nagkakamali ka. Hindi masusukat nang paghihiganti ang tunay na kaligayahan kaya huwag mong idepende sa galit ang karapatan mo maging maligaya." Wari'y napailing pa siya. "Hindi ka nga pala nagbago, sadyang naduduwag ka lang."
Mabilis namang lumapat ang palad nito sa kaliwang pisngi niya. Sa sobrang lakas ng sampal ay halos mag-echo ang lagapak nito sa kahabaan ng napakatahimik na hallway. Hindi na rin nito napigilan ang magtaas ng kilay.
"Sino ka para sabihin sa 'kin ang mga bagay na 'yan? Diba pareho lang naman tayo naging talunan? Diba, ikaw 'tong natakot makipaglaban kaya sa umpisa palang nang laro ay umatras ka na kaagad? Diba ikaw nga 'tong napilitang umako sa anak ng iba at nagmagandang-loob na mag-ampon para lang may matawag kang sariling pamilya? Umpisa palang alam mo nang mahina ka, malaking duwag, walang paninindigan at isang sunud-sunuran. Kaya ngayon mo sa 'kin sabihin ang tunay na kahulugan ng pagiging matapang!"
Hindi na nga nakapag-salita si Dr. Kalle. Bagamat alam niya kung paano idedepensa ang sagot ay mas pinili nalamang niya ang tumahik pansamantala upang hindi na humaba ang kanilang pagtatalo. Lalo na nga't ang kaharap niya ngayon ay ang kanilang Valedictorian na walang ibang ginawa kundi ang humanap ng butas sa lahat ng sagot.
Sa sobrang tinik nito mag-isip ay kahit na nga ang iniisip ng iba ay nagagawa rin nitong basahin. Hindi na nakapagtataka 'yon dahil ito naman ang chairwoman ng Apple Corporation. Subalit ang hindi niya lubos akalain ay nang halungakatin nito ang tungkol sa tunay na pinagmulan ng mga anak niya.
"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Sabi pa nito habang pinapakiramdaman siya. "Alam kong nasa iyo ang Emerald at alam kong buhay si baby Katrina kaya walang dahilan para kalabanin mo 'ko. Sinabi na sa 'kin ni Sharon ang lahat kaya wala kang choice kundi ang makipagtulungan sa 'kin."
"Bina-blockmail mo ba 'ko?"
"Paglilinaw ang tawag, don."
****
SUSUNOD❣️
"Ako gawa sakit. Ikaw, gawa gamot sakit... Kapag binili at ginamit mo ang Revlor Lipstick hindi ka na tatanda. Kailangan mo lang i-maintain ang gamit para manatili ang kabataan. Pero bawal ma-overdose dahil kabaliktaran no'n ang magiging resulta."Sa pagbubukas ng panibagong school year ay masasangkot sa mand-made pandemic si Princess Lois. Ngunit paano niya masusugpo ang pandemya kung mga respetadong pulitiko at naglalakihang korporasyon ang nasa likod nito? Matutulungan kaya siya ni agent Garry? Paano na ang ugnayan ng Pilipinas at London? Magkakaroon pa kaya ng next school year sa Camp Bridge?
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...