GARRY POV
Matapos ang duty sa restaurant ay dumiretso ako sa NS Bar and BistroGrills para mag-enjoy at takasan ang napakagulong mundo. Kabilang sa high class bars ang lugar na 'to lalo na't pagmamay-ari ng mga Watsons kaya kahit saan ibaling ang paningin ay mga nagso-sosyalang gimikero't gimikera ang makikita. Sa open field ay may mga bamboo cattege na pinapagitnaan ng malaking swimming pool. Para itong bar na may pool. Meron rin stage kung saan tumutugtog ang mga bigating performer. Ngunit sa halip na makihalubilo sa kaingayan ng mga party goers ay um-order nalamang ako ng isang bucket ng beer para magpaka-lunod sa alak. Gusto kong makalimutan ang prinsesa... Gusto kong makalimutan ang paraan kung paano siya tumingin at kung paano siya magbigay ng special treatment... Inis na inis ako kung bakit kailangan ko pang humantong sa ganito... Pero mas naiinis ako dahil hindi ko nasagot ang mga tanong niya... Ang totoo kasi nyan, kahit ako ay hindi ko talaga kilala ang sarili ko.
Sa dami nang bumabagabag sa 'kin ay hindi ko namalayang nakatatlong bote na pala ako. Kaya naman itinigil ko ang sunud-sunod na paglagok ng alak at pilit na inalis ang mga gumugulo sa isipan. Sinubukan kong pakiramdaman ang kapaligiran hanggang sa isang humaharurot na sasakyan ang pumarada sa parking lot. Mula roon ay narinig ko ang mga papalapit yabag papunta sa 'kin. Napakapamilyar nang yabag na iyon kaya gamit ang Hearing Device na nakakabit sa 'king tainga ay naging malinaw na galing ang yabag na iyon mula sa mga paa ni Agent Samson.
Ano kayang ginagawa niya dito?
Tatayo na sana ako para salubungin siya subalit bigla kong naramdaman ang pagliko niya sa gawing kaliwa ng hallway at mag-isang nilakad ang tahimik na kahabaan nito papunta sa isang pribadong cottage. Kaya sa halip na tumayo ay napabalik ako sa kinauupuan dahil hindi naman pala ako ang pakay niya.
Nakapagtataka lamang isipin na narito siya sa dis-oras ng gabi at mag-isang dumiretso sa pribadong silid. Dulot ng curiosity ay pinili kong panghimasukan ang silid na kinaroroonan niya. Susubukan kong pakinggan maiigi ang transaksyong mamamagitan sa kanila ng kung sinumang katatagpuin niya sa private cottage na 'yon.
"Natalya, nandyan ka na pala! Tara inom ka." Giit ng kung sinumang kaharap ni agent Samson at nasa tono nito ang kalasingan. Pamilyar ang boses nito pero hindi ko maalala kung saan ko huling narinig.
"Kaya mo ba ako pinapunta rito para lang yayaing uminom?"
"Mamaya parating na rin ang paborito mong Margaritha. Naubusan kasi ng stocks sa wine shelves kaya nagpa-deliver pa 'ko."
"Marami akong Margaritha sa office ko kaya huwag ka nang mag-abala pa. Hindi ko kailangang mauhaw at magpakalunod sa alak gaya n'yang ginagawa mo ngayon. Tandaan mo, hinding-hindi na babalik sa lugar na 'to si Dianne kahit gabi-gabi ka pang maghintay at magpakalasing dahil sa kanya!"
"Alam ko."
"C'mon, Kalle, she's happily married now!"
"Alam ko."
"Alam mo naman pala! Kaya bakit kailangan mo parin maging ganyan?"
"Dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko parin sya. Alam kong masakit pero wala akong magagawa kundi ang makinig at manood sa bawat success na nababalitaan ko tungkol sa kanya. Ang sakit isipin na, sana ako 'yong nasa tabi nya. Na sana, apilyido ko ang dala-dala niya. Kaso, hindi. Hanggang dito nalang talaga."
"Kung ako sa 'yo, ibenta mo nalang sa 'kin ang property na 'to dahil mukhang hindi na interesadong makipag-negotiate sa 'yo 'yang business partner mo! Paniguradong mapalago ko pa 'to para gawing extension ng Apple o kaya ng Restaurant o pwede rin ng A3. Malay mo."
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
"Ikaw, m-mahal mo pa ba si Kentarou?" Maya-maya ay naitanong nang kausap niya. Subalit nabasag ang katahimikan sa paghalakhak niya bilang sagot. "Pareho lang pala tayo." Pabuntong-hiningang kongklusyon nito.
"Magkaiba tayo." Sagot naman niya. "Duwag ka... Di-hamak na mas malalim ang pagmamahal ko para sa kanya kumpara sa 'yo... Hindi ako sumuko para magpatalo. Infact, ngayon palamang magsisimula ang tunay na laban. At naniniwala akong babalik rin sya sa 'kin."
"Hindi na 'ko nagtatakang ganyan ka-desperada ang Chairwoman ng Apple Corporation. Nagbago ka na nga, Natalya."
"Hindi ako nagbago. Natuto lang. Hindi kasi pwedeng, tanga ako habang-buhay."
Hindi na 'ko magugulat kung ang Kalle na kausap ni Agent Samson ay ang Dr. Kalle Watsons na may-ari nitong NS Bar and Bistro Grills at siyang tatay nina Neightan at Sammara. Pero ang ikinagugulat ko ay ang ganitong tipo ng usapan na madalas ko lang mapanood sa mga telenovela. Kung tutuusin ay kulang pa nga talaga ang mga nalalaman ko tungkol sa tunay na kadramahan ng buhay ng bigboss ko. Hindi ko alam kung ano ba ang totoo n'yang intensyon sa pagtulong sa 'kin. Hindi ko alam kung sadyang mabait talaga sya o mabait lang kasi kailangan nya 'ko. Sa bagay, bakit pa nga ba ako mag-aabalang kilalanin ang pagkatao niya kung mismong sarili ko nga aay hindi ko naman kilala.
Pero, sino nga ba ang tunay na kalaban?
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Fiksi RemajaSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...