SAMMARA KELLY POV
Pagkarating sa convention area ng Camp Bridge ay mala-hunted house ang bumungad sa 'min. Bawat isa ay hindi nagpatalo sa outfit at kahit saan ay kanya-kanyang gimmick ng pananakot. Naroon ang fraternity ni kuya Neightan na nag-ala-zombie sa galing ng prosthetic. Naroon rin si Doreen na white lady ang outfit. At si Rick Lee na all in black. Gaya nang nasabi ni Lois ay witchcraft ang costume niya. Sa dami ng naka-horror costume ay hindi ko na halos makilala ang iba sa galing ng pag-i-impresonate nila sa character na pino-portrait. Kulang na nga lang ang maka-patay sila sa takot sa sobrang lakas ng pangti-trip nila. Mabuti nalang si Clarck ang escort ko, dahilan para maging safe ako sa panggu-good time ng iba.
"Ok, rin 'tong event na 'to, 'no!" Giit ni Doreen. "Hindi talaga ako nagsisising dito 'ko nag-aral. Promise!"
"As usual, nasa Camp Bridge ba naman ang international cosplayer na nag-organize nito!" Sagot ni Lois. "Hindi na nga 'ko makapaghintay sa awardings."
"Speaking of Maureen nasaan na kaya s'ya? Kanina pa nag-start ang event pero hindi ko parin siya nakikita." Pagtataka ni Rick Lee.
"Baka nasa dressing room lang. Tara puntahan natin!" Pag-aaya ni Clarck.
Matapos magkayayaan ay dumiretso na nga kami sa dressing room. Kami na ni Lois ang sumundo kay Maureen samantalang nagpa-iwan nalamang sa table ang iba.
"Nandito ba talaga si Maureen? Kanina pa 'ko kumakatok pero wala namang nagbubukas ng pinto!" Maktol ni Lois makalipas ang ilang ulit na pagkatok sa pintuan.
"Let me try nga," Sabi ko saka umakto nang pagkatok at pagpihit sa doorknob. "Oh, hindi naman pala naka-lock e!" Anunsyo ko pagbukas ng pinto. "Tara pasukin na natin!"
Wala na ngang nakapigil sa ginawa naming pagpasok sa dressing room. Dumiretso kami sa kaloob-looban hanggang marating ang kinauupuan ni Maureen. Doo'y nadatnan namin itong umiiyak sa harap ng malaking salamin.
"Girl, ok ka lang?" Tanong ni Lois.
"Bakit hindi ka pa nakabihis?" Duktong ko pa, habang tinitignan ang suot nitong skinny jeans at purple blouse. "Kanina pa nag-start ang event. Bakit nagkukulong ka lang dito?"
"Nawawala 'yong costume ko." Pahagulgol niyang sabi. "Basta hina-nger ko lang 'yon kanina sa closet bago ako nag-cr tapos pagbalik ko wala na. Hindi ako makapagpakita sa inyo kasi ang panget-panget ko." Maiyak-iyak niyang kwento habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin. "Wala akong make up. Wala akong costume. Napaka-pangit ko! Wala akong mukhang maihaharap sa buong Camp Bridge!"
"Ang OA mo naman girl!" Giit ni Lois. "As if you can't live without make up, talaga!"
"Yes, I can't live without make up naman talaga, e! I can't woke up like this! And I guess this is the most embarrassing moment I've ever encountered!"
"Hello, hindi lang sa make up nagpa-function ang buong Circulatory system mo!" Dagdag ko naman.
Grabe na kasi 'tong si Maureen, napaka-OA mag-react! Hindi na 'ko magtataka kung bakit napakaraming nawi-weird-duhan sa kanya.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...