GARRY POV
GMA FLASH REPORT : NARITO AKO SA BACLARAN KUNG SAAN ISINASAGAWA ANG TAUNANG RADE OPERATION NG NBI. ILAN SA MGA NAKUMPISKA AY ANG TAGDADALAWANG DAANG KAHON NG PROBIHITED FIRE ARMS, EXPIRED BEAUTY PRODUCTS, PIRATED DVD'S AT IMMITATED EYEGLASSES...
ABS-CBN RATED K: ISA SA KINAHIHILIGAN NG MGA KABATAAN NGAYONG AY ANG PAGSUSUOT NG FANCY EYEGLASSES. BUKOD SA FASHIONABLE NA, MAGMUMUKHA KA PANG INSTANT GENIUS!
KNOWLEDGE TV: DID YOU KNOW THAT WEARING FANCY EYEGLASSES CAN LEADS YOU INTO BLIND?
IG NEWSCAST: NAGSALITA NA ANG WATSONS' MEDICAL HOSPITAL HINGGIL SA EPEKTONG DULOT SA MATA NG MADALAS NA PAGSUSUOT NG FANCY EYEGLASS. AYON PA KAY OPTICAL HEAD DEPARTMENT, IRIS WATSONS,
"I FIND IT CUTE BUT NOT ADVISABLE ANG PAGSUSUOT NG MGA SALAMING NABIBILI SA BANGKETA BILANG SUBSTITUTE SA MALABONG MATA O SA PAGPI-FEELING GENIUS. THEY NEED TO UNDERGO A PROPER EYE CHECK UP THAT IS BEING DONE BY AN OPTOMETRIST, FIRST. OTHERWISE, PWEDE SILANG MABULAG O MAGKAROON NG KATARATA KUNG HINDI NILA BIBIGYANG HALAGA ANG MGA MATA."
"So, what's the point?" Nakakunot-noo namang tanong ni Doreen matapos alisin ang tingin sa TV.
Pinalipat-lipat kasi ni Agent Samson sa iba't ibang istasyon ang TV. Kaso, iisa lamang ang pinag-uusapan sa bawat palabas at lahat ng iyon ay tungkol sa Fancy Eyeglasses. Ang masaklap pa'y isa ang Apple Corporation sa pinaghihinalaang promotor dahil makikita sa lahat ng salamin ang logo nito na may kinagatang apple katulad ng nasa Eyescanner na suot namin. Kaya naman hindi na 'ko naghihinala sa pagkatao nang naka-engkwentrong si Andrew Suarez dahil malamang na isa lamang imitation ang pagmamay-ari nitong salamin. Narito nga pala kami sa bahay ng mga Yamamoto para dumalaw dahil nabalitaang mayroong trangkaso si agent Samson.
"What's wrong with that imitation of eyeglasses ba kasi?" Pagtataka pa ni Doreen. "As if naman' kaya rin nito maka-trace ng personal background at makabasa ng point of views!"
Habang sila ay nag-uusap, itinuon ko naman ang atensyon sa ibang bagay. Kung tutuusin ay ito ang pangalawang beses na nakapasok ako sa mansion ng pamilya Yamamoto. Kung noon ay halos mapuno ang bahay na ito ng masayang halakhakan at makukulay na dekorasyon, ngayo'y daig pa nito ang Hunted house sa dami ng alikabok at sapot ng Gagamba. Mahigit walong taon na rin yatang hindi nauupuan ang mga sofa at nahihigaan ang mga kama. Wala manlang nagalaw sa mga kagamitang nasa kusina o nabawas maging sa mga pagkaing nabubulok sa ref. Tuwing kailan nga kaya dumadalaw ang care taker sa mansion na 'to? Naaasikaso pa nga kaya nila ang mga bills na dumarating kada-buwan? Hindi na rin nakapagtataka kung bakit mas pinili ni Kentaki ang mamalagi sa condo unit nito sa Eastwood, sa halip na tumira sa bahay nilang tila pinaglipasan na ng panahon.
"Paano ka ba naman kasi hindi tatamaan ng karamdaman kung ganito ang naka-paligid sa 'yo?" Nasabi ko nalamang kay agent Samson. "Kung hindi pa 'ko nagtangkang pumunta rito, malalaman ba namin' tatlong araw ka nang nakaratay sa kama?"
"Garry, umayos ka nga nang pakikipag-usap mo kay tita Natalya. Tandaan mong boss pa rin natin sya!" Pagpa-paalala naman ni Doreen.
"Bakit kasi napakahilig n'ya magtapang-tapangan, e napakahina nya naman talaga?" Sabi ko pa. "Tingnan mo nga ang nagyayari ngayon sa A3. Mismong mga agents pa natin ang nagpaplanong bumaliktad sa kanya!"
"I think, you're just being over reacting." Sagot ni Doreen. "I confirmed that, what you heard last time is all just a threat. I can surely say that, china-challenge tayo nina Dr. Neil at Mayor Tiamzon kung hanggang saan ang loyalty natin sa A3."
"Talaga ba?" Napaismid na lamang ako.
"Pumanig man kayo sa 'kin o hindi, sa huli ay ako pa rin naman ang masusunod sa A3." Sabat ni agent Samson. Wari'y napa-ubo pa siya kaya hindi na naituloy ang mga sasabihin. Basta nagpatuloy lamang sa pagpapalipat-lipat ang istasyon ng TV hanggang huminto iyon sa isang talk show kung saan mayroong guest na sikat sa Fashion industry. Kitang-kita naman namin kung paano nanlisik ang nananamlay na mga mata ni Agent Samson, pagkakita kay Maricar Depensor sa screen.
MARICAR: WHEN IT COMES INTO TECHNOLOGY, I SALUTE TALAGA SA APPLE CORPORATION. FROM APPLIANCES TO MOBILE PHONES, EVEN AT THE MODERN-TYPE EYEGLASS OF THIS GENERATION. THEY ALL LOOKS UNIQUE AND VERY HELPFUL IN TERMS OF MAKING OUR HABITS EASIER THAN BEFORE.
HOST: BY MEANS OF MODERN-TYPE EYEGLASS, DO YOU MEAN –ITO 'YONG MGA FANCY EYEGLASSES NA NABIBILI SA BANGKETA?
MARICAR: I GUESS SO. KAAGAD KASI NAUBOS 'YONG STOCKS NILA NG 4D EYEGLASS KAYA SIGURO MARAMING IMITATORS ANG NAKA-ISIP NA MAG-IMITATE NG PRODUCT. BUT THEN, I STILL FIND IT COOL.
"Sino nga kaya ang pesteng Imitator na 'to?" Sabi pa ni Doreen habang pinapaikot-ikot sa daliri ang hinubad na salamin. "Paano nito nalaman ang tungkol sa naimbentong 4D Eyeglasses ng Apple, e hindi naman ito binenta sa market? Parang may mali."
"Talagang may mali dahil sa tono palang nang pagsasalita ni Maricar ay halata na gusto niyang ipagdiinan ang Apple Corporation upang halungkatin pa lalo ng media ang tungkol sa tunay na pinagmulan ng Fancy Eyeglasses. Malamang, may kinalaman rin siya sa mga Imitator." Sagot ko naman.
"Pero paano? Bakit? Anong intensyon nya?"
"Ang pabagsakin ako." Giit ni agent Samson saka pinindot ang remote para patayin ang TV.
Kahit nananamlay ang mga mata ay kaagad kong napansin ang biglaang pagsigla ng mapait niyang ngiti na tila nabuhayan gawa ng mabilis na pagdaloy ng dugo mula sa pagnanais na hindi magpatalo sa labang ideneklara ng karibal.
"Tignan lang natin kung magtatagumpay ang pagtutulungan nila ni Louisa." Sabi pa niya. Wari'y umakto pa siya nang pagtayo papunta sa lamesa kung saan naroon ang paborito niyang wine. Nagsalin siya sa tatlong kopita at inabutan kami ni Doreen ng tag-isa. "Makikita, natin."
"Sa tingin ko, mas dapat ka namin makitang nakahiga." Kongklusyon naman ni Doreen matapos inumin ang wine. "Hinding-hindi mo maipapanalo ang laban kung haharapin mo sila sa ganyang kalagayan. Magpahinga ka at magpalakas. After that, saka natin planuhin ang susunod na mission."
Napasang-ayon naman ako sa sinabi nito.
"For now, tatawagan ko si tito Kalle para tignan ang kondisyon mo at nang maresetahan ka na ng gamot. Papupuntahin ko na rin si Kentaki para may magbantay sa 'yo." Sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...