Hindi na ako crush ng crush ko

17 5 0
                                    

SAMMARA KELLY POV

Nasa bahay ngayon ang buong section 1 para practice-sin ang gagawin naming intermission dance number para sa nalalapit na Piano Tournament. Siyempre hiningi ko muna ang permission ng daddy kong doctor para payagan akong sumali sa performance and luckily pumayag naman si dad sa kondisyong sa bahay na lang namin gawin ang practice para mabantayan ako ng mga hi-nire niyang bodyguard.

Crazy frog dance ang pinaka-trend na sayaw ngayon kaya iyon ang napili namin at hindi naman iyon magiging intermission kung kami lang ang mag-cho-choreo sa sayaw. Kaya naman nag-hire kami ng pinakasikat at pinaka-magaling na choreographer gamit ang connections ng parents namin. Oha, ang lakas maka-competitive! As if dance contest ang sasalihan namin.

"Pahinga muna tayo guys!" Hinihingal na sabi ni Lois. Nakasuot lamang ito ng kulay itim na leggings, puting V-neck at may nakasabit na red and white checkered long sleeve sa baiwang.

"Sana kasi, kumanta nalang tayo." Komento naman ni Doreen. "Willing naman ako mag-volunteer para sa section natin! Hindi 'yong nagpapakahirap tayong lahat sa kaka-memorize ng napakaraming steps!" Sabi pa nito habang inaayos ang pagkakatali sa buhaghag na buhok. Tagaktak na rin kasi ang pawis nito na bumabakat sa color grey na blouse.

"Kung makapag-presinta ka naman, as if ka-sounds familiar mo si Ms. Regine Velasquez!" Sabat ni Rick Lee mula sa di-kalayuan habang pinipigaan ang hinubad na sandong puti na puno ng pawis. Wala itong suot na pang-itaas maliban sa maluwag na jogger pants.

"Ito suotin mo muna!" Wari'y hinagis naman dito ni kuya Neightan ang extra'ng sando para ipahiram. "Labhan mo 'yan, ha!"

"Thanks, papa Neight'!" Sinadya pa s'yang lambingin ni Rick Lee.

Matapos magkasundo sa pagpapahinga ay kina-usap ni Kentaki ang choreographer gamit ang japanese language since Japanese ito at sila lang naman ang fluent sa ganoong language.

"Tamang-tama luto na 'yong main dish. Tara sa dinning area, mag-lunch muna tayo! Kanina pa kasi kumakalam yung sikmura ko e." Pag-aaya ko na lamang pagkakita sa sign language ng mga cook mula sa kusina.

"Mabuti pa nga." Pagsang-ayon ni Brayan.


Mula sa activity area ng mansion ay nag-unahan kami papunta sa dinning room at nag-agawan sa mauupuan dahil pang-apatan lang ang long dining table namin, since apat lang naman talaga kami sa bahay— ako, si kuya, pati sina mom and dad.

"Ako 'yong nauna d'yan!" Sabi ni Doreen habang nagpupumilit maka-upo sa upuang inuupuan ni Brayan.

"Anong ikaw? Kita mo ngang naka-upo na 'ko!"

Bale sina Brayan, Rick Lee, Clarck at kuya Neightan lang kasi ang merong mauupuan. The rest ay nakatayo lang.

"Ah, dito ka na maupo Maureen." Mayamaya ay sabi ni Clarck nang mapansing isa si Maureen sa mga walang mauupuan. Umakto ito sa pagtayo.

"No thanks. I'm ok here." Ngumiti naman si Maureen saka humawak sa kamay ng katabing si Kentaki.

Napa-iwas na lamang ako nang tingin sa senaryong 'yon.

"O sya, Sammara dito ka na maupo!" Naiinis namang sabi ni kuya Neightan. "Tatawagin ko lang 'yong maids para magdala ng mga upuan." Tumayo ito saka padabog na binagsak ang pintuan.

"Anyare?" Pagtataka ni Rick Lee.

"Kuya mo, may— mens." Sabat naman ni Lois.


Maya-maya rin ay bumalik si kuya kasama ang maids at may dala silang mga upuan. Habang kumakain ay hindi parin paawat sa kadaldalan at kayabangan itong si Brayan. Kung anu-ano na naman kasi ang ibinida nito sa choreographer. Masaya na sana ang lahat. Ngunit sa kalagitnaan ng kasiyahan ay bigla iyong napalitan ng intensity.

"TANG-INA MO CLARCK, ANO BA'NG PROBLEMA MO, HA?" Nanggigigil na tumayo sa kinauupuan si kuya. Paano kasi ay kanina pa niya nakikitang nakatingin ako kay Clarck, ngunit parang hindi nito napapansin ang presence ko dahil naka-focus lang ito kina Maureen at Kentaki na sobrang sweet habang kumakain.

"I'm sorry, magsi-CR lang ako." Out of nowhere namang sagot ni Clarck. Tumayo ito sa kinauupuan at umakto sa paglabas para makatakas kay kuya.

"Tapos na kami kumain." Mayamaya ay sabi ni Maureen. "Excuse me guys, magpapahangin lang kami sa labas." Pagkasabi'y tumayo ito sa kinauupuan saka sunod na lumabas kasama si Kentaki.


Matapos ang senaryong iyon ay nawalan na rin nang gana kumain ang iba. Kaya naman nagpahinga lang kami saglit saka muling bumalik sa pagpa-practice. Hindi kasama sa intermission number si Clarck dahil ito ang class representative namin sa tournament na 'yon. Kaya naman nasa bench lang ito habang pinapanood kaming sumayaw.

"Ayoko na." Nasabi ko nalamang saka umalis sa formation.

Napatingin naman sa 'kin ang lahat.

"Napapagod na 'ko." Duktong ko pa habang pinupunasan ng face towel ang pawis sa mukha. "Sabi ni dad, huwag ko raw pagurin ang sarili ko. Kaya magpapahinga lang muna 'ko sa kwarto. Sorry guys, I'll try nalang na humabol sa ibang steps bukas."

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon