KENTAKI POV
Matapos ang semestrial break ay balik sa eskwela na uli kami. Paalis na sana ako sa building ni tita Celina para pumasok sa Camp Bridge ngunit si Maureen ang biglang bumungad sa 'kin pagkalabas na pagkalabas ko palamang sa main gate. Naka-sandal siya sa kulay purple nyang kotse habang hawak ang susi nito. Labis ko rin ikinagulat nang makita siya na nakasuot ng school uniform sa unang pagkakataon.
"Good morning, babe!" bati niya sa 'kin.
Lumapit naman ako sa kanya. "Mas bagay sa 'yo 'yan." Nakangiti kong sagot na ang tinutukoy ay 'yong suot nyang uniform.
"Actually, matagal ko rin pinag-isipan kung susuutin ko ba 'to or what. Pero nung naisip kita, I'd rather to wear this instead of anything. Kasi sa suot na 'to lang ako magmumukhang bagay sa 'yo."
"Ang dami mong sinabi!" Tinapik ko siya sa noo saka nilagpasan. "Tara sa school, baka ma-late tayo gawa ng traffic. Ako na ang magda-drive." Pagkasabi'y sumakay ako sa driving seat.
"Marunong ka?" Nagtataka syang sumunod at sumakay sa passenger seat.
"Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?"
"Wow, ang sarap namang i-claim, as in— BOYFRIEND KO TALAGA!"
Napa-ismid lang ako.
Sandali ko syang sinulyapan sa rear view mirror at kitang-kita ko ang pagba-blush niya. Sisimulan ko na sana ang pagpapaandar sa kotse ngunit napansin kong hindi pa siya naka-suot ng seat belt kaya umakto ako para isuot 'yon sa kanya.
"Mula ngayon, masanay ka na dapat magsuot ng seat belt."
Hindi naman siya tumutol nang ayusin ko iyon para sa kanya. Pinanood nya lamang ako sa ginagawa pero kahit nananahimik siya'y alam kong kinikilig sya sa mga nangyayari. Paano'y sobra siyang nagba-blush.
"Hanggang ngayon ba, nai-starstruck ka parin sa 'kin?" Pagsisimula ko ng bagong usapan habang minamaneho ko ang sasakyan papunta sa Camp Bridge.
"Uy, hindi na 'no! Lakas ng self confidence mo, ah!"
Natawa naman ako sa reaksyon niya.
Ito ang unang araw na papasok kami sa school bilang magkasintahan kaya tama lang na sa ganitong paraan namin simulan ang araw na 'to. Pagkarating sa parking lot ay ipinagbukas ko ng pintuan ng kotse si Maureen at inalalayan siya sa pagbaba. Hinawakan ko ang kamay niya magpahanggang sa hallway kung saan napakaraming estudyante ang sumalubong sa 'min. Posibleng nagtataka sila kung bakit kami magkahawak-kamay ngunit taas-noo namin silang nilagpasan na hindi nagbibigay ng kahit na anong paliwanag. Pagkarating sa building ng mga first year ay binitawan ko na ang kamay niya at nagpa-alam papunta sa Leisure Room para mag-practice ng piano. Pumayag naman siya.
BINABASA MO ANG
CAMP BRIDGE: Class of 2007
Teen FictionSa utos ng Apple Corporation ay makikipag-unahan si Agent Garry (Lee Min Ho) sa First Lady ng Forbes Corporation para mahanap ang nawawalang 'engagement ring' na nagkakahalagang $10B. Upang ma-destruct ang First Lady ay kailangan niyang mag-enroll...