The story of us

20 2 0
                                    

GARRY POV

"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Dianne para pumayag makipag-merge ang HADJIALI Power Plant sa MERALCO." Giit ni agent Samson mula sa harap ng projector.

Narito kami ni Doreen sa headquarters ng A3 para sa biglaang pagpapatawag nito. Ngayon nga'y nasa visual room kami kaharap ang 3D projector kung saan ka-video meeting si Dr. Neil mula sa New York para sa isang secret transaction.

"Doreen, sa 'yo ko na ipapaubaya ang pagmamatyag kay Dianne Forbes." Deklara ni Agent Samson. "Siya ang pinakamatalik kong kaibigan kaya huwag mong hayaan na may mangyaring masama sa kanya habang narito siya at ang mga anak niya. Proteksyunan mo sila laban sa asawa ni Dr. Kalle Watsons."

Napatango naman si Doreen. "Pero, paano ang paghahanap namin sa Emerald?"

"Si Agent Garry na ang bahala doon." Sagot naman ni Dr. Neil. "Hindi nga ba't nakakuha na siya ng hint kung paano mapagsasalita ang baliw na si Sharon Ferrari."

"Tama ka doc. Sa ngayon ang kailangan ko nalang gawin ay ang gumawa ng paraan para makalapit uli sa kanya." Sagot ko.

"Siguro naman ay hindi tayo aabutin ng tatlong taon para lamang mapagsalita siya." Paniniyak pa ni agent Samson.

"Sisiguraduhin ko pong hindi."

"Mabuti kung ganun." Sabi pa ni Dr. Neil.

"Magkasama ngayon sina mayor Tiamzon at George Forbes para sa isang Public Service Campaign sa India." Panibagong topic naman ni Agent Samson. "Bukod pa don ay naroon ito para higit na mas mapalawak ang pagkakaroon natin ng koneksyon sa ibang bansa bilang preperasyon sa gagawin nitong pagtakbo ngayong darating na eleksyon."

"Kailangan ba talaga natin panghimasukan pati ang gobyerno ng Pilipinas?" Pag-aalala naman ni Doreen. "Ang akala ko ba, we're all into Louisa Forbes and Amanda Watsons lang? Hindi ba't it's all about Emerald lang naman, at first."

"Agent Doreen, masyado ka pa talagang bata." Komento ni Dr. Neil. "Kung natatakot ka na, puwedeng-puwede ka naman umatras."

Napatiim-bagang nalamang si Doreen sa mga narinig.

"Honestly, Amanda and Louisa are also a part of it. It's just that, they're actually planning to launch an anti-aging pills to control the marketing stocks of the Philippines. At hindi naman natin pwede pabayaang mangyari iyon. That's why, we will be needing Mayor Tiamzon's political power."

Anti-Aging Pills? Mukhang ngayon ko lang nalaman na may plano pala sila magkalat ng Immortality sa bansa. Paano 'yon? Wala nang tatanda? Wala nang mamamatay? Posible ba 'yon?

Nang matapos ang meeting ay nagkanya-kanya na kaming misyon. Tulad ng dati ay dumiretso ako sa tapat ng headquarters ng mga MC Bridge para manmanan ang mga nangyayari sa loob at labas nito. Matagal na rin mula ng huli kong makausap ang prinsesa kaya hindi ko alam kung may galit pa rin ba siya sa 'kin o ibinaon nya nalamang iyon sa limot. Isa pa'y hindi na naman siya tumawag magmula nang i-deposite niya sa bangko ang lahat ng sahod ko.

Mabuti na rin siguro 'yon.

Aakto sana ako nang pagpuslit sa loob ngunit isang kulay pulang Porsche na may bahid pa ng putik ang mga gulong at mukhang kagagaling lamang sa pakikipag-karerehan— ang humaharurot na pumarada sa tapat ng malaking gate nito. Kaya naman napahinto ako sa plano at mabilis na nagtago sa likod ng malalaking puno.

Maya-maya ay bumukas ang sky deck na pintuan sa gawi ng driver seat at lumabas ang may-ari ng sasakyan. Naka-suot ito ng leather jacket at konyo shorts na tinernuhan ng Adidas na itim. Bagamat nakasuot ito ng sunglasses sa kabila ng papalubog na araw ay kaagad ko parin itong nakilala dahil sa mayabang na tindig at pag-ihip ng sigarilyo. Humangin ng malakas kaya humawi ang tayo-tayo nitong buhok na kahit lamok ay matatakot dumapo. Napansin ko na inubos muna nito ang isang stick ng sigarilyo bago bumalik sa sasakyan kung saan kinuha ang isang bouquet ng pulang rosas.

"Uy, Brayan! Anong ginagawa mo dito?" Noon ko lang napansin ang paglabas ni princess Lois. "Wow, mukhang aakyat ka nang ligaw, ha. Para kanino 'yang roses?"

"Para sa 'yo." Pagkasabi'y inabot nito sa prinsesa ang bulaklak.

"Para sa'kin?" Nagtataka pa niya naman iyong inabot. "Bakit? I mean, anong okasyon?"

"New year?" Nakakalokong sagot nito.

"Baliw ka talaga. Syempre naman alam ko 'yon!" Wari'y binatukan nya pa ito. "Ano nga kasi ang pinunta mo dito at para saan 'to? Dalian mo ang pagsagot dahil may pupuntahan pa 'ko." Natatawa niyang sabi.

Sa bihis palamang ng prinsesa ay mukha ngang aalis siya't may importanteng lakad. Paano ba naman kasi'y naka-suot siya ng mala-balat ng teddy bear na jacket at sumbrelo at tila daig pa ang nasa Switzerland kung lamigin. May bitbit rin siyang balbuning clutch bag na terno sa kulay pula niyang 5 inches na sandals. Sa malayuan ay para siya giant teddy bear o nakatayong tupa na hindi ko malaman.

"Uy, Brayan, ano na?"

"A, e, paano ko ba 'to sisimulan? Kinakabahan kasi ako e."

"Wow! Kailan pa napunta sa vocabulary ng certified Casanova ng Camp Bridge ang salitang 'kaba'?" Napa-ismid siya. "Diretsuhin mo na nga 'ko! Bilisan mo na kasi kanina pa naghihintay sa 'kin sila Maureen!"

"A, e, ganito nalang— ako na ang maghahatid sa 'yo para mas mahaba-haba 'yong pag-uusap natin."

"Ayos ha!" Napa-iling nalamang ang prinsesa at wari'y binaling ang tingin sa bumukas na malaking gate ng headquarters kung saan lumabas ang sasakyan niyang Mercedes-Benz. "Sorry, may sarili akong driver. O sya, next time nalang natin pag-usapan 'yang mga sasabihin mo. Mas importante kasi 'tong pupuntahan ko e. By the way, thanks sa flowers." Pagkasabi'y humakbang siya para lumapit sa sasakyan at pinagbuksan siya ng empleyado nila.

"I LIKE YOU, LOIS!" Sigaw ni Brayan.

Napatigil naman sa pagsakay ang prinsesa. "Anong sabi mo?" Binalingan nya ito nang tingin.

"Gusto kita. P-pwede ba kitang ligawan?"

Napatawa nalamang ang prinsesa sa narinig na 'yon.

Grabe! Totoo ba 'to? Si Brayan Depensor, manliligaw sa prinsesa ng London? Astig!

"Anong nakakatawa don?" Naka-kunot noong tanong ni Brayan mula sa kinatatayuan.

"Syempre, first time kong ligawan tapos 'yong katulad mo pa. Paano mo ba ako gustong mag-react? Maiyak sa tuwa o matawa sa joke mo? C' mon Brayan, don't me!"

"Seryoso ako."

"Magkano pustahan ninyo ni Neightan?"

"Anong pustahan?"

"Sus! Style n'yo bulok!" Pagkasabi'y lumakad siya papalapit dito at pahampas na binalik ang bulaklak. "Sa 'yo na 'yan!"

"Seryoso ako sa 'yo. Bakit ba ayaw mong maniwala? Kung gusto mo magpa-lie detector test pa tayo, e!" Wari'y napakamot nalamangito sa ulo.

Napa-ismid naman ang prinsesa. "Kung ganon, habulin mo 'ko. Pag nahabol mo 'ko, baka pag-isipan ko pa!" Pakasabi'y kumindat siya at lumakad papunta sa sasakyan saka sumakay. "Ako na ang magda-drive." Baling niya sa driver at tinulak ito palabas ng sasakyan saka mabilis na pinaharurot ang sinasakyan.

"Kamahalan, wala ka pang lisensya!" Habol naman ng driver.

Napakagat naman sa labi si Brayan. "Exciting 'to." Matapos non ay sunod nitong pinaharurot ang sasakyan para habulin ang prinsesa.

Magkakarerahan ba sila?

CAMP BRIDGE: Class of 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon