*Rooftop Kiss*

643 46 14
                                    

.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Maaari bang sumama ka sa akin?"Tanong ni braile kay secret, si secret naman nakakunot noo lang habang tinitingnan niya si braile, lumuhod kasi si braile sa harapan niya. Tumingin siya kina tyrone at saf."Ate pumayag ka na"sabi ni saf. Iniabot naman ni secret ang kanyang kamay sa kamay ni braile tapos ngumiti lang ito sa kanya.

"Saan mo ba ako dadalhin?"Tanong ni secret."Basta sumama ka na lang sa akin"sabi ni braile. Naglalakad sila patungo sa rooftop. Nang marating nila ang rooftop namangha si secret sa sobrang ganda."Bakit may mga nakasabit, tapos may balloons, may mga petals pa nang roses sa sahig. Ano to?"

"Ginawa ko to lahat para sayo, diba hindi mo ako maalala, kaya gumawa ako nang paraan upang maalala ko ako, halika may tingnan mo ang picture na to"sabi ni braile. Tiningnan naman ni secret ang picture."Diba yan yung time na nakasakay tayo sa air balloon, tapos niyayakap kita habang nakatalikod ka, at pinagmamasdan natin nang sabay ang buong view nang manila"sabi ni braile.

"At ito naman yung day na sinagot mo ako, yung nasa dakak tayo, ikaw pa nga ang gumawa nang surprise sa akin noon eh. Alam mo ba na sobrang napakasaya ko sa araw na yun"kwento ni braile. Si secret naman hindi niya alam kung sasabihin ba niya kay braile na naalala niya ang lahat, kasi sa tingin pa lang niya kay braile nahihirapan na ito.

"Wifey please subukan mong alalahanin ang lahat, pangako pag bumalik na ang alaala mo hinding hindi na talaga ako magsisiungaling sayo Pangako wifey"sabi ni braile tapos hinawakan niya ang dalawang kamay ni secret."So totoo nga na may tinatago pala siya sa akin"sabi ni secret sa kanyang isipan.

"Susubukan ko,  pero kung hindi ko talaga kaya, hinding hindi ko na pipilitin ang utak ko na alalahanin ka pa"sabi ni secret at hindi siya makatingin nang diretsuhan kay braile.  Nsiinis si secret nang malaman niya na may nililihim pala si braile sa kanya.

"Wifey hinding hindi ako susuko na ipaalala sa iyo ang lahat"sabi ni braile tapos niyakap niya si secret, gustuhan man niyang yakapin din si braile ngunit hindi niya magawa. May namumuo nang luha sa mga mata ni braile, nagsituluan ito habang kayakap niya si secret.

"Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang pagsubok natin, Secret sobrang napakahalaga mo para sa akin, hindi ko kakayanin kapag mawala ka pa, ikakamatay ko pa yun."Hindi nagsalita si secret dahil tumulo na rin ang luha niya sa mga sinasabi ni braile. Para siyang sinaksak at binuhusan nang asido.

"Sabi nga niya sa oras na bumalik na ang alaala ko ay sasabihin niya ang lahat. I hope na kung ano man yung sasabihin niya sa akin sana bibigyan ako nang Diyos nang pag unawa, sana hinding hindi ako magpapadala sa galit, sana maintindihan ko siya."sabi ni secret sa kanyang isipan."Ipagtatapat ko sa kanya pag makalabas na kami nang hospital. Hindi mo na sa ngayon"sabi ni secret sa kanyang isipan.

Kumalas si secret sa yakap ni braile at tinalikuran niya ito, pero hinawakan ni braile ang kanyang isang kamay tapos pinaharap siya nito saka siya binigyan nang matamis na halik sa labi. Unti-unti siyang napapikit sa bawat halik na pinapakawalan ni braile, mas lumalim pa ang halik ni braile sa labi niya.

Hindi niya mapigilan ang sarili niya kaya nadala siya sa agos nang labi nito at sumabay na rin siya. Ngunit biglang kumalas si braile at tiningnan siya sa mata."B-bakit sinasabayan mo ang bawat halik ko?"Tanong ni braile, natahimik naman si secret. Nginitian lamang siya ni braile tapos inilapit muli ang kanyang mukha sa mukha si secret tapos dinampi ulit niya ang labi niya kay secret.

Nilalasap lamang ni secret ang tamis nang kanilang halik, patindi nang patindi ang halikan nila, sa halik na pinapakawalan ni braile ay para itong nangungulila, at matagal niyang natikman ang labi ni secret sa bawat halik na pinapakawalan nito. Gumalaw na ang dila nilang dalawa. Hinabol na sila nang kanilang hininga ngunit hindi pa rin sila tumigil, patagal nang patagal ay palalim nang palalim ang halikan na pinakawalan nila sa isat isa.

Unti unti nang lakabay ang halik ni braile patungo sa tenga niya kaya naitulak niya si braile."I-im sorry, nadala lang ako"sabi ni braile."_Itigil na natin to, mabuti pa bumalik na tayo sa room 214"sabi ni secret At umuna nang nilisan ang Rooftop.

Si braile naman nakangiti lang siya, dahil hindi niya akalain nagagantihan pala ni secret ang halik niya. Pagkatapos saka niya nilisan ang rooftop at sinundan si secret.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Please vote and comment

ANG PUSONG NASAKTANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon