"Secreeeeeetttttt ano ba bakit ang tagal mo!!!!"sigaw ni natalia na nasa tapat nang pinto sa room ni secret."Mom just a minute"sigaw din ni secret na nasa loob nang kanyang kwarto."Bilisan mo dahil may naghihintay sayo sa baba"pasigaw na sabi nang ina."Ok mom"sabi ni secret, nilisan ni natalia ang 3rd floor at bumaba nang hagdanan.
Lumipas ang ilang minuto tapos nang naghanda si secret, lumabas siya nang kanyang kwarto na suot ang white short niya at black V-Neck t-shirt. Tapos hindi na niya tinalian ang kanyang buhok, at syempre hindi niya kinalimutan suotin ang sunglass niya at naka sandals lang siya.
Bumaba siya nang hagdanan at nagtungo sa living room kung saan naghihintay ang lahat, nakita niya si braile sinalubong siya nito nang yakap at halik sa noo."Mabuti naman at hindi na kasing tigas nang bato yang ulo mo"saway ni braile.
"Ewan ko sayo!!"pagtataray nito.
"Anak mabuti pa tayo na sa labas upang maaga tayong makarating sa kaarawan nang lola mo, mahaba haba pa naman din ang biyahe natin"sabi ni natalia. Umuna silang lumabas kasama sina alexander, natalia, at saf at huli namang lumabas si secret at braile.
"Bakit hindi mo sinama si tyrone para naman makasama lang niya si saf"sabi ni secret.
"Ewan ko ba sa lalaking yun, may topak yata, pinilit ko siyang sumama pero ayaw niya eh kasi may gagawin daw siya"sabi ni braile.
"May gagawin o baka naman nilalayuan lamang niya ang pinsan ko"
"ganun din ang hinala ko eh, siguro nasasaktan siya dahil alam niyang aalis na si saf"sabi ni braile.
"Secret, braile ano ba kayo papasok kayo o iiwan na lang namin kayo!!!"sabi ni alexander.
"Eto namang si dad napaka.............."
"ANO!!!!"
"Gwapo"pagbibiro ni secret sa kanyang ama, pinauna siyang pinapasok ni braile sa loob nang van bago siya. Si saf naman nang tiningnan siya ni secret ay sobrang tahimik at ang lalim nang iniisip. Ang ama ni secret ang nagdrive sa van at nasa passenger seat ang kanyang ina, si saf naman siya lamang mag isa ang umupo sa dalawang upuan at sina braile at secret nasa pinakalikod na upuan at nag uusap.
"Hubby im so worried with my cousin, naapektuhan din ako sa sitwasyon nila ni tyrone, at kung may labis na nahihirapan dito si tyrone yun"sabi ni secret.
"kaya nga papayagan kitang sumama sa kanya papuntang britain diba upang ma settle mo ang problema, Wifey mahalaga ka sa akin, pati na rin si saf kasi girlfriend siya nang kapatid ko, kaya hindi kita mapipigilan kung ano man ang decision mo para lang sa ikabubuti nang relasyon nila"
"Hubby what if malaman ni tyrone na aalis siya dahil sa isang engagement, hubby kailangan sabihin mo kay tyrone ang totoo"
"Wifey hindi ko dapat pinangungunahan si saf sa problema niya dahil baka magalit siya"
"Anong gusto niya!!! Na malaman ni tyrone na kaya siya aalis dahil sa engagement ay kapag aalis na siya at babalik na sita nang britain"Sabi ni secret, bigla naman silang natahimik dahil biglang nagsalita si alexander.
"Saf tumawag ang mom mo sa akin, ang sabi niya pababalikin ka na daw sa britain"sabi ni alexander.
"Sinabihan na po ako ni mom about that tito, at babalik po ako nang britain next week"
"Saf may problema ba? Bakit yata napapansin ko na kanina ka pa walang kibo"tanong ni natalia. Napatingin naman si saf kina braile at secret sa likod Tapos balik nang tingin kay natalia.
"W-wala p-po tita"pautal utal na sabi ni saf.
"Saf kung may problema ka wag kang mahihiyang magsabi sa amin nang tito mo ok"sabi ni natalia at tumango na lamang si saf.
BINABASA MO ANG
ANG PUSONG NASAKTAN
FanfictionPaano pag ginamit ka lang nang taong mahal mo upang mapalapit sa kaibigan mo. "DALAWANG MAGKAKAIBIGAN NGUNIT IISANG LALAKI ANG NAPUPUSUAN".y