*Dan's burial*

698 33 18
                                    

Nasa Manila Memorial ang lahat nang dumalo sa libing ni Danielle Xiamara Rosales, labis ang pagdadalamhati ng kanyang magulang sa huling pagkakataon na makita nila ang kanilang kaisa isang anak.

Braile

Secret

Lizzy

Arianne

Maxine

Lexi

Saffiarah

Tyrone

Red

Gray

Xian

Tyler

Zane

Zaiden

Mr. Zhin

Ms. Venica

Mr. Alex

Ms. Natalia

Sila ang mga karaniwang tao ang dumalo sa libing ni dan.

Dumalo rin ang ibang estudyante sa libing ni dan pati ang iba pa niyang mga kaklase ay dumalo rin.

Pagkatapos ng misahan ay oras na upang ibaba ang kabaong nk dan sa lupa.  Unang lumapit ang ama at ina niya."Dannnnnnnnnnnn anakkkikkkkkk b-bakit m-mo k-kami i-iniwannnnnnnnnn"sigaw ng ina ni dan habang umiiyak."anak labis kitang mamimiss, ang yakap at halik mo at higit sa lahat ang pagmamahal mo, anak lagi mong tatandaan na lage kang mananatili sa puso namin ng dad mo at hindi ka namin makakalimutan".sabi nito.

"D-dan a-anak p-paalam sayo, hintayin mo na lang yung araw na magkapiling muli tayo, anak mahal na mahal kita PAALAM"sabi ni mr. Rosales saka nila sabay hinulog ang puting bulaklak. Ang sunod namang lumapit ay sina Mr. Zhin, Ms. Venica, Ms. Natalia, at Mr. Alexander.

"Iha Nawa'y masaya ka na kong nasaan ka man ngayon, nagpapasalamat kami ng tito mo sa labis napagmamahal mo sa anak namin na si braile, salamat dahil iniligtas mo ang buhay niya sa kapahamakan, alam ko isa kang mabuting bata nadala ka lamang sa galit, selos, at paghihigante mo at higit sa lahat dahil na rin sa matinding obssession mo sa anak ko. Pero naiintindihan kita iha dahil nagmahal ka lang, ganun talaga kapag labis mong mahal ang isang tao gagawin mo ang lahat upang maibalik mo siya ulit. Pero sana tanggapin mo na lang na may iba na talagang mahal ang anak ko."sambit ni venica.

"Alam mo ba na ang sama ng tingin ko sayo dahil sa pananakit na ginawa mo sa anak ko, pero sa kabila ng lahat nauunawaan kita alam kong ginawa mo lang yun dahil mahal na mahal mo si braile pero mali pa rin yun eh dahil kapag mahal mo ang isang tao dapat marunong kang magparaya at tanggapin mo na lang kong saan siya maging masaya. Diba sacrifice is the best language of love, kaya ka nagsakripisyo ay dahil mahal mo si braile kaya isa kang mabuting bata kasi ginawa mo kong ano yung tama".sabi ni natalia.

"Danielle nawa'y manahimik ka na at sana masaya ka na sa kabilang buhay, naging magkaibigan kayo ng anak ko kahit na nagtraydor ka sa kanya pero naiintindihan kita alam namin lahat na nadala ka lang sa galit diyan sa puso mo KAYA DANIELLE PAALAM HANGGANG SA MULI NATING PAGKIKITA"sabi ni alexander.

"Danielle iha utang ko ang buhay ko sa pagligtas mo sa anak ko labis akong nagpapasalamat dahil sa kabila ng lahat ay mas umiiral pa rin ang pagmamahal mo sa anak ko kaya sana masaya ka na PAALAM"sabi ni zhin at sabay nilang hinagis ang puting bulaklak. Ang sunod naman na lumapit ay ang mga member ng IG na nakasuot lahat ng sunglass. Hindi sila nagbitaw ng salita hinagis lamang nila ang bulaklak At saka bumalik sa pwesto nila.

Ang sunod na lumapit naman ay sina max, lex, saf, at tyrone at ganun din ang ginawa nila hinagis lamang nila ang puting bulaklak saka bumalik sa pwesto nila. Ang sunod na lumapit ay ang dalawang kaibigan ni dan na sina lizzy at arianne Na labis din ang kalungkutan sa pagkawala ng kaibigan nila.

ANG PUSONG NASAKTANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon