*Thanksgiving party*

525 48 6
                                    

Fast forward
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa kabila nang tatlong araw na nagdaan medyo gumagaling na ang karamdaman nina secret at braile, ngunit bago pa man ang basketball game ay meron mo nang party ang magaganap sa EHUC, nais nang pamilya Lee at pamilya Smith na maghanda nang kasiyahan at sa mismong paaralan gaganapin.

Nagdaraos sila nang kasiyahan ay upang magpasalamat dahil nakaligtas ang mga anak nila sa isang aksidente. At kasalukuyang naghahanda si secret sa kanyang silid, inaayos niyang mabuti ang kanyang sarili, ngunit sa kabila nang pag aayos niya ay napahinto siya sa kanyang ginagawa dahil may sumagip sa kanyang isipan.

Unti unti siyang nakaramdam nang kaba."Tatlong araw na ang nagdaan secret kaya kailangan mo nang ipagtapat kay braile na wala ka talagang amnesia"kausap nito ang kanyang sarili habang nakaharap sa malaking salamin. Bumunot siya nang malalim na hininga upang gumaan naman nang kanyang pakiramdam.

Lumipas ang isang oras tapos na niyang inayos ang kanyang sarili, nakasuot lamang siya nang black evening dress and black heels.



mas lalong nakikita ang kanyang kagandahan at kaputian dahil sa kanyang kasuotan, tapos dinampot niya ang white imported wallet niya. Saka siya tuluyang lumabas nang kanyang silid. Nakatagpo niya si saffirah na nakasuot din nang white dress and black high heels.

"Ate pinsan ang ganda mo today ah"nakangiting puri nito sa pinsan niya. Sa halip na ngumiti si secret ay inikotan lamang niya nang mata ang kanyang pinsan Then she smirk."Taray!"Parinig ni saf ngunit hindi na lamang ito pinapansin ni secret.

Nasa EHUC na ang mag asawang Smith kaya sina secret at saf na lamang ang magkasamang pumunta doon. Habang nasa biyahe ang dalawa ay tahimik lamang si secret na nakatingin sa labas nang bintana nang kotse habang dinaramdam ang simoy nang hangin na dumadapo sa kanyang mukha.

Hindi nakayanan ni saf ang katahimikan kaya nagsalita siya."Ate naalala mo na ba si braile?"Tanong ni saf kaya napatingin si secret sa kanya na nakakunot noo."Why do you ask?"Nakataas kilay na tanong nito."Wala! aaahhhmmm hindi ba sumasakit ang ulo mo? wala ka ba talagang naalala sa kanya kahit konti?"

"Sometime sumasakit ang ulo ko, may pumapasok sa aking isipan na isang lalaki, mahal daw niya ako ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha, masyado itong blurd"pagsisinungaling niya.

"Ate what if iuntog natin yang ulo mo upang makaalala ka na, diba ganun naman kapag magka amnesia"

"Kung ikaw kaya ang ihulog ko sa kotse at papasagasaan ko?!"pagtataray nito.

"Eto naman si ate hindi mabiro, pero ate subukan mong aninagin ang mukha nang lalaking nasa isip mo"sabi ni saf. Lumipas ang isang oras nang pagbiyahe nakarating na sila sa EHUC, pinark mo na nang driver ang kotse saka ito umunang bumaba at pagbuksan nang pintuan sina saf at secret.

"Ate i think marami nang bisita sa loob nang school"sabi ni saf.

"pwede ba tumahimik ka na lang?!" pumasok sila sa kaloob looban nang school, pagpasok nila sobrang namangha sila sa kagandahan nang buong ground, marami itong lights tapos may mga nakasabit na chinise lanterns, malakas na music ang kanilang maririnig, tapos may disco lights pa, may mga tables and chairs na naka skirting.

"Nasaan na ba ang baby ko"sabi ni saf sabay hanap kay tyrone. Napaikot na lamang si secret sa kanyang mga mata dahil sa ka O.Ahan nang pinsan niya."Ate doon tayo sa stage dahil alam kung hinahanap na tayo nina tita at tito, pati mom and dad ni braile upang simulan na ang party"sabi ni saf tapos hinila niya ang pinsan niya patungo sa stage.

"Anak nandito ka na pala, Mr. And Mrs Lee simulan na natin ang kasiyahan since nandito ang mga anak natin"sabi ni alexander. Umakyat sila nang stage kasama ang pamilya lee.

ANG PUSONG NASAKTANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon