Sa sobrang asar ko kay Red, hindi kaagad ako umuwi matapos kong bumili ng mga pasalubong. Hinabilin ko muna yun sa shop na kahuli-hulihan kong binilhan. Naglibot-libot muna ako sa buong resort. Wala din naman akong kasama sa cottage house.
"Yuri!"
Napairap kaagad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Lumingon ako sa kanya nang seryoso ang mukha. Humalukipkip ako. Naglakad siya palapit sa akin. Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya, taas-kilay.
"Saan ka galing?" He asked.
Tinalikuran ko siya. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinigit ako. "Ano ba? Masakit ah!"
"Bakit hindi mo ako pinapansin?"
"Ewan ko sa'yo. Magsama kayo ng haliparot na yun!" Maglalakad na sana uli ako pero inakbayan naman niya ako. "Aray ko, Red!" Tiningnan ko siya ng masama pero nakangisi lang siya. Shet, ang guwapo! "Bakit ka nakangisi?"
"Selos ang asawa ko." Nang-aasar pang sabi niya.
Aba. Tanga ba siya? "Tanga ka ba?" Hinawi ko ang braso niya. "Ang bigat ng braso mo." Inirapan ko siya. "Kapal ng mukha ng batang yun ah!" Napanguso ako. Impit na napatili ako ng pisilin niya ang pisngi ko. "Kanina ka pa!" Sabi ko, sabay hampas sa braso niya.
"Wag ka na magalit. Sa'yo lang naman ako. Iniwan ko na."
Inirapan ko uli siya. "Dapat lang."
Inakbayan niya uli ako. "Saan mga binili mo?"
"Pinahabilin ko saglit. Ang bigat kasi." Hindi ko din naman siya matiis. Hindi naman ako galit. Selos lang talaga ako. Pero nandito na siya. Alam ko naman na mahal niya ako, e. Suntok na sa akin ang babaeng yun 'pag um-epal pa siya. Tumingin ako sa kanya. "Kukunin na ba natin?"
Nang tumango siya, naglakad na kami patungo sa last shop na binilhan ko. "Kuya, kukunin ko na po yung mga pina —" kaagad naman na inabot sa akin nung lalaki yung mga paper bags. Napakunot-noo ako. Nakangiti kasi siya sa akin. "B-bakit?"
Ngumiti din siya sa akin. "Kanina ko pa nga po kayo hinihintay."
Sakto namang pumasok sa shop si Red. "Sino ang kanina mo pa hinihintay? Ako ba?"
Siniko ko si Red at nahihiyang ngumiti dun sa lalaki. "A-ah, s-sige kuya. Salamat." Kaagad na hinigit ko si Red paalis dun sa shop kasi ang lalim ng titig niya dun sa lalaki. Parang susuntukin niya yun anytime. "Ano ka ba? Natakot sa'yo yung lalaki."
"Siraulo 'yun. Suntukin ko, gusto mo?" Nanlalaking mata na sabi niya.
Inirapan ko siya pero deep inside, kinikilig talaga ako. Halata naman kasi na nagseselos siya dun sa lalaki. Lihim na napangiti ako. "Sus. Selos ka din, eh."
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?