HCHM 19

6.2K 119 13
                                    

**** 

BORACAY! Sabik na bumaba si Twinkle ng bus. Alas-sais na ng umaga sila nakarating sa Boracay. Dahil na rin sa traffic. Isinakbit niya iyong malaking bagpack niya na kulay pink. Patakbong tinungo niya iyong dalampasigan. Woooo! Ang ganda-ganda! 

OMG! White beaches, caves, water sports, island hopping, moutain hiking, sailing, diving, windsurfing, flora and fauna. Magagawa ko kaya lahat kayo? Hayyyy! Super excited na talaga siya! 

Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag first time lang nakapunta sa ganoong kagandang lugar. Hayy! She really wants to swim. Hindi lang siya marunong. 

Ang sabi naman sa kanila ng teachers nang nasa bus sila. Hindi naman daw sila aalis kung nasaan sila. Doon lang daw sila sa Station 2. Hindi daw iyong sasakay pa sila ng bangka para makarating sa ibang parts ng boracay. Kung nasaan daw sila, doon lang sila. 

Kung sasakay daw sila ng bangka or whatsoever, be sure daw na para lamang pasyalin iyong beach. Iyon ang sabi sa kanila. 

Iniwan ni Red iyong kotse nito sa parking lot ng school nila. 

"Twinky!" 

Napalingon siya. Si Singkit iyon. "Oh?" 

"Tara na daw sa hotel." 

Tumango siya. Sabay na silang naglakad. Luminga siya. Nasaan kaya si Pula? Hindi na niya ito nakita nang makababa siya sa bus. Hmp! 

Bago sila pumasok sa hotel ay may binibigay sa kanila na room number. Ang number niya ay 354. Si Singkit naman ay katabi lamang ng room niya. 355 ito. 

Sino kaya ang kasama niya sa room? Sabi kasi sa kanila ay dalawa sila sa isang room. Girls to girls daw at boys to boys. 

Nang makarating siya sa room niya ay pumasok na kaagad siya doon. Laking gulat niya nang makita si Bella sa loob. Kasama pala ito? Bakit ngayon lang niya ito nakita? Ay sinabi nga pala sa akin ni Pula na ito ang nagyaya na sumama siya. Tsss! 

Umangat kaagad ang kilay nito nang makita siya. "Yuck. Bakit isang muchacha pa ang ka-room mate ko?" 

"Yuck. Bakit isang mayaman pa ang naka-room mate ko." She rolled her eyes. 

"Don't talk to me." Maarteng sabi nito. 

"Do you think I want to talk to you? Duh." Inilagay niya iyong bag niya sa loob ng aparador na naroon. Dalawa ang aparador doon. 

Superior room lang ang tinutuluyan nila. Superior rooms are Residencia Boracay's most affordable and cheap accomodation with clean air-conditioned rooms, their own bathrooms and drying area for their wet clothes. The superior rooms are located behind Recidencia's main building. These rooms are good for two. Obvious naman 'di ba? Epal ang kasama niya.

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon