HCHM 27

5.9K 107 7
                                    

~~~

 "TWINKYBABY! Are you okay na ba? Saan ka pumunta noong pinauna mo akong umuwi ha? I'm so worried about you!" Naiiyak na sabi ni Shine kay Twinkle. 

Nasa Mall sila nito. She texted her na magkita daw sila sa mall. May ikukuwento daw kasi ito sa kanya. Pinayagan naman siya ng ina ni Red. Wala naman kasi si Red sa bahay. Hindi niya alam kung saan ito pumunta. Siguro, magkasama na naman sila ni Bella. Hayy. As always naman! 

Tumingin siya sa kaibigan. "Bakit ang OA mo? Nagpunta ako sa banyo 'non. Kinuha ko pa kasi 'yong tshirt ko sa locker kaya natagalan ako sa school 'non. Ayun lang." 

Huminga ito ng malalim. "Hmp! Okay! Oh, I forgot! Siyanga pala, binigyan ako ni Dad ng money ngayon. So, Ibibili kita ng dress, okay? Anyway, nasaan na ang suweldo mo?" 

Suweldo niya? Tinago niya iyon sa hiding box niya. Doon niya inilagay. Actually, 15thousand pa iyon, e. Sa Boracay lang naman niya nagastos iyong iba. Kumain siya ng kumain doon. Nag-iipon siya para kapag aalis na siya sa bahay nina Pula. May pera siya para sa sarili niya. 

"Tinago ko. Malay mo, umalis din ako sa bahay nina Pula. Para may pera ako sa sarili ko. Puwede naman akong tumira sa inyo 'di ba?" 

Tumango ito. "Of course! Pero tingin ko naman, hindi ka na papaalisin don ng mommy ni Red, e. She really likes you." 

She pouted. "Sus. Oo, like ako ng mommy ni Pula. Pero, 'yong amo ko 'di ako gusto." Medyo malungkot na saad niya rito. Nang hindi magsalita si Shine ay tumingin na siya rito. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Maging siya ay napakunot ang noo dahil sa reaksiyon ng mukha nito. "Bakit ganiyan ang ----" 

"Don't tell me that you like your boss?!" 

Tinakpan niya ang bibig nito. Napalakas kasi ang pagkakasabi nito. Napatingin ang ibang tao sa kanila. Sa hiya niya ay hinigit niya si Shine at pumasok sila sa Koffee Klatch. Itinulak niya ito paupo. Siya naman, ay naupo sa harap nito. 

Asar na tiningnan niya si Shine. "Ano ka ba?! Nasa mall tayo. Bakit ba sumigaw ka? Pektusan kita diyan, e." 

"Pero... 'di nga? Totoo? May gusto ka na sa boss mo?" Pumitik ito sa ere. "Sabi ko na ---" 

"May sinabi ba akong meron?" 

Ibinaba nito ang kamay nito. "Wala. Oa ko kasi. H-hehe." 

Inirapan niya ito. "Iyon naman pala, e." She sighed. "Pero, sige. Best friend naman kita, sasabihin ko na." Tumango siya. "Oo, may gusto na ako sa boss ko. Pero, hindi ko naman kasi alam kung bakit, e. Kaya pala, nagseselos ako kapag kasama niya si Bella. 'Tapos ang bilis ng heartbeat ko kapag kasama ko siya. Ganon pala 'yon." 

Natutop nito iyong sariling bibig. "OmyG! In love na ang bestfriend ko!" 

"Hayy! Oy, Shine. Huwag kang maingay, okay? Si Blake nga alam na rin, e. Ang astig ng gagong 'yon, e. Nahuli ako." 

Naalala niya bigla iyong gabi sa sa bar noon. Na sinabi nito na gusto nitong malaman kung  bakit. Sa park sila nag-usap noon. 

"So, sabihin mo na sa akin. Behave lang naman ako. Di ko sasabihin kahit kanino. Halata naman kasi sa'yo." Sabi ni Blake sa kanya nang marating nila ang park. 

Naupo siya sa bench. "Ewan ko, Blake. Hindi ko nga alam na in love na pala ako sa monster na 'yon, e. Basta ang alam ko, nagseselos ako kapag kasama niya si Bella. 'Tapos nong nag-usap kami sa boracay. Ah, basta! Wag ka na lang maingay." 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon