~*~
Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi pa din ako maka-get over na tumawag sa akin ang tita ko. Oo, yung tita ko ang tumawag sa akin. Nagulat ako dahil bigla siyang tumawag. Hindi ko inaasahan yun!
"Hello? Sino ---"
"Twinkle...."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko yung boses nung nasa kabilang linya. Alam na alam ko ang boses niya. Pero, bakit siya tumawag? Ano ang kailangan niya?
"T-tita?"
"A-ako nga 'to, Twinkle. K-kumusta ka na? Miss na miss na kita, pamangkin ko." Sabi niya sa kabilang linya. Ramdam ko na naiyak siya. Napatingin ako sa nakakunot na si Red na nasa harap ko. Nagsenyas ako sa kanya ng 'wait lang'
"A-ano pong kailangan niyo?" Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko sa kanya. Kahit tita ko lang siya, mahal na mahal ko pa rin siya dahil siya ang nag-alaga sa akin nang mawala ang parents ko. Pero, iniwan din niya ako diba? Nung time na walang-wala ako.
"B-binalikan kita..." Sabi niya.
"Para saan po?"
"Saka na tayo mag-usap kapag nagkita na tayo. Masaya ako dahil nakausap na kita. I really want to see you, Twinkle. Miss na miss na kita. Magpapaliwanag ako kapag nagkita na tayo. Sorry sa lahat. Alam kong maiintindihan mo ako." The call ended.
Nang matapos ang usap namin ng Tita Mira ko. Natahimik ako bigla. Ni hindi ko na nga nakausap ng masiyado si Red nun. Kahit yung tinanong niya ako kung sino ang kausap ko, hindi ko na siya nasagot. Dahil sa sobrang unexpected ng nangyari, hindi ako nakatulog nang gabing yun.
These past few weeks, tahimik lang ako. Iniisip ko pa din ang tita ko. Kailan siya magpapakita? Oo, miss na miss ko na siya pero hindi ko maiwasan na maramdaman yung galit sa pag-iwan niya sa akin, eh. Kasi, siya na lang naman ang aasahan ko diba? Siya na lang yung bukod tanging pamilya ko pero, iniwan din niya ako.
Napabuntong-hininga ako.
"Are you okay?"
Tumingin ako kay Red. Kasama ko siya at nandito kami sa mall. Nagbili kasi siya ng damit niya. Hindi ko naman alam kung saan niya susuotin yun.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Yes, okay lang ako."
"Iniisip mo pa din ba yung pagtawag ng tita mo sa'yo?" I nodded. "Tumawag pa uli sayo after that?" Umiling ako. "See? Baka naman nagparamdam lang."
Nakuwento ko na din kasi sa kanya yung nang medyo mahimasmasan ako kakaisip sa pagtawag ng tita ko sa akin. "M-multo lang ang ---"
"Redbaby! Finally! Nakita na kita." Napatingin kami ni Red kay Mae. Bigla na lang siyang sumulpot sa kung saan. Inirapan lang niya ako. "Red? Let's go? Male-late tayo sa meeting."
"M-meeting?" Nagtatanong ang mukha ko nang humarap ako kay Red.
Magsasalita sana si Red kaso naunahan siya ni Mae. "Oo, meeting. Hindi mo narinig? Para sa activity namin uli yun. Partners kami lagi diba? Kami daw kasi ang bagay sabi nung prof namin. So, alis na kami, ha? Hihiramin ko muna ang boyfriend mo."
Nakatingin lang ako kay Red. Hindi niya ito sinabi sa akin. Pati, paano nalaman ng Mae na yun na nandito kami sa mall? Stalker na malandi na ba siya ngayon? Buwisit talaga!
![](https://img.wattpad.com/cover/6240919-288-k981114.jpg)
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomansaWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?