(Shine at the multimedia.)
***
"OMO! Really?" Bulalas ni Shine nang malaman nitong madalas si Twinkle naglilinis sa condo ni Pula naglilinis. Ang saya-saya nito nang malaman nito iyon. Baliw na yata to.
Kumunot ang noo niya. "Bakit parang tuwang-tuwa ka? Gusto mo ikaw na lang?" Sabi niya, sabay inirapan ito. Kung alam lang niya na patay na patay ito kay Pula, eh di sana ito na lang ang pinag-apply niya pero sa kanya ang bagsak ng sweldo. Hihih. Biro lang.
Napairap din ito. "Hmp! Gugustuhin ko siyempre! Nakoooo! Guwapo kaya ni Red 'no! Hindi mo man lang ba nakikita sa kanya 'yon, ha, Twinkybaby?" Nangangarap na bumuntong hininga ito. "Hayyy! Sana balang araw, mapansin din ako ng Red na 'yon."
Binatukan ko ito. "Tell me, patay na patay ka ba talaga sa lalaking iyon, 'ha? Nakakadiri ka! Parang napakadesperada mo kung titingnan ang itsura mo ngayon!" Binato ko ito ng tissue. "Shine, umayos ka kung ayaw mong itapon kita sa bangin." Seryosong sabi niya dito.
Nag-pout ito. "Joke lang iyon 'no. Don't worry. 'Di ko gusto si Red. Binibiro lang naman kita. And hello? Do you want me to die? Alam mo naman na ayaw ni Dads na may lalaki kaagad sa buhay ko."
Sumubo siya ng fries. "I know that. Kaya nga umayos ka 'di ba?"
"Oo na po! Aayos na po ako! Pero sana si Red na ang prince charming ng buhay mo kasi I think his mother likes you."
Napangiwi siya. "Duh? Gusto lang ako ng mama ni Red kasi kaya kong sagutin si Red. Iyon lang. That's all. And please? Di ko type si Red." Napairap siya.
Magsasalita sana si Shine nang biglang tumunog ang cellphone nito. "Hello? 'Pa, ikaw .. Ay, oo. Sige po 'Pa. Uuwi na po ako. Bye." Pagkatapos nitong makipag-usap ay tumingin ito sa kanya. "I need to go, Twinky. Ingat ka ha? Alis na ako." She kissed me on the cheek.
Nag-wave na lang siya rito. Nangalumbaba siya. Hayy! Tinatamad pa siyang umuwi. Panigurado, uutusan na naman siya ng amo niyang bakulaw na si pula! Hmp! Mabubuwisit na naman siya! Urgh. Pero walang magagawa. Katulong lang ako. Tiningnan niya ang relo niya na matagal na sa kanya. Bigay pa yata sa kanya iyon ng tita niyang hindi na nagparamdam. 5:30pm na. 7:30pm ang usually na labas niya.
Tatayo na sana siya kaso biglang sumulpot si Blake kaya muli siyang napaupo.
"Hi cute maid," Bati nito sa kanya at bahagya pang kumaway. Naupo ito sa tapat niya kung saan nakaupo si Shine kanina.
Awtomatikong umangat ang kilay niya. "Ano na naman ang kailangan mo?"
"Gusto lang sana kitang yayain na kumain sa labas. Wala kasi akong ginagawa ngayon. Bored din these days, 'di ba?" He said while smirking. Hahaplusin sana nito ang pisngi niya pero kaagad niya namang iniwas ang mukha niya. "Woah. Ayaw mo ba talaga o pakipot ka lang?"

BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?