~~~
NAPABALIKWAS ako ng bangon ng makarinig ako ng malakas na katok mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Sino naman 'yun? Tumingin ako sa relos, sa bedside table ko. 1pm na? Asar na napakamot ako sa ulo ako. Sino naman kaya ang lintek na yun?
Bumangon ako mula sa kama ko at pupungas-pungas na naglakad ako patungo sa pinto at binuksan ko yun. Napaurong na lang ako nang makita ko si Pula. Ang lalim na naman ng kunot sa noo niya. Problema na naman kaya niya? Hay.
"Oh? Natutulog pa ako, e." Inirapan ko siya.
"Anong oras na?" Seryosong tanong niya sa akin.
Kahit nagtataka ako, sinagot ko naman siya. "1pm pa lang naman. Bakit?"
"May pupuntahan tayo 'di ba? Bakit hanggang ngayon tulog ka pa?" Ayy? May pupuntahan ba kami?
Biglang naalala ko yung pinag-usapan namin kagabi. Nahihiyang ngumiti ako, sabay inayos ko ang buhok ko. "A-ayy? O-oo nga pala!" I pouted. "Sorry, Pula! Sige, liligo na ako 'tapos ---"
"Make it faster."
Napakunot-noo ako. "3pm pa naman 'di ba?"
"Bakit mas marunong ka pa sa akin? Basta, maligo ka na. Mag-ayos ka! Bilisan mo na nga! Buwisit." Inismiran muna niya ako at umalis na siya.
Napairap na lang ako at pabagsak na isinara ko yung pinto ng kuwarto ko. Pagkatapos nun, naligo na ako ng mabilisan. Bakit nga ba ako napuyat?
Kakaisip sa Let's have a date tomorrow. Owemjeee! May date nga ba kami ngayon? Was it true? Saan naman kaya? Magiging masaya ba ako ngayong linggo? Omo! Sana nga, happy ang mangyayari mamaya! Shocks! Excited na meee!
Pagkatapos ko maligo, nagbihis na kaagad ako. As usual, naka-dress na naman ako at rubber shoes. Yun lang naman ang gusto kong suotin lagi e. Hoy, pero iba-iba ang dresses ko 'no. Yung mga binibili sa akin ni Shine ay sinusuot ko na.
Inipit ko na lang ang bangs ko habang nakalugay namana ng buhok ko. Naglakad ako patungo sa whole mirror. Napangiti ako. Ang cute ko kaya!
Isang light pink na floral dress ang suot ko at white Keds. Hindi lalampas ng tuhod ang suot ko na dress. Naglagay ako ng lipgloss at nag-pulbo na din ako. Pagkatapos niyon, lumabas na ako ng kuwarto ko at pumunta na ako sa ibaba.
Naabutan ko si Pula na nakaupo sa sofa habang nagbabasa siya ng diyaryo. Tila naramdaman niya na narito na ako kaya lumingon siya sa akin. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Nailang naman ako kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Let's go, Yuri."
Nang bumalik ang tingin ko sa kanya, nakatayo na siya. Nakangiting tumango lang ako sa kanya. Pagkatapos niyon, lumabas na kami sa bahay. Wala daw kasi dun si Tita, magpapa-alam sana ako. Hindi ko na nakakausap si Tita these past few days. Busy na yata siya masiyado.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?