HCHM 23

6.3K 118 12
                                    

 ***

LAST DAY! Ngayon na ang huling araw nila sa Boracay. Kasalukuyang nasa hotel room lang si Twinkle. Hindi siya makalabas dahil na rin sa naging usapan nila ni Pula kagabi. Nagpa-deliver na lamang siya ng pagkain. Sa Aria pa din siya um-order. 

Bigla niyang naalala iyong nangyari kagabi. 

"Do you like Justine?" 

Hindi siya makapagsalita nang dahil sa tanong nito. Gusto nga ba niya si Justine? Yes, she likes him. Pero bilang kaibigan lang naman. Nothing more. 

"H-he's my friend.." Sabi na niya lang. Ganoon pa din ang posisyon nila. Habang patagal ng patagal. Lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. 

"I know he's your friend. I am asking you. Do you like him, Yuri?" Inilapit pa nito lalo ang mukha nito sa mukha niya. "More than friends?" 

"W-what do you mean, Pula?" Hindi niya kasi maintindihan ang gusto nitong palabasin. Oo, kinikilig siya pero iba pa rin kapag sinabi nito ang dahilan kung bakit nito tinatanong iyon. 

"Just answer me, Yuri." 

"No. He is just my friend. That's all." 

Humiwalay na ito sa kanya. But now, nakangiti na ito. "Good to know that." 

Kumunot-noo siya. "Why are you asking, anyway?" 

He shrugged his shoulders. "I just want to know." Tumalikod na ito.

She's not satisfied to his answer. 

"Red." 

Muli itong tumigil. Naglakad muli ito palapit sa kanya. Ngumiti ito. Gawdd! Ito na yata ang pinakamagandang ngiti na nakita niya kay Pula. "You will know it. But not now." 

Mas lalong ikinagulat niya nang bigla siya nitong halikan sa pisngi niya. Goddamn it! 

Pabagsak siyang nahiga sa kama niya. Bakit ang tagal naman yata ng pagkain niya? Kaya ayaw niyang lumabas, ay dahil nahihiya siya. Iyon ang rason. Baka kapag nakita niya si Pula, kiligin na naman siya. 

Nabangon siya nang biglang may kumatok. Sino kaya 'yon? Baka si Pula. Ugh! Ayoko, ayoko, ayoko, ayo ----" 

"Mam, narito na po ang order ninyong pagkain." 

Ayy? Akala ko naman si Pula. Hmp! Huminga muna siya ng malalim bago naglakad patungo sa pinto at buksan iyon. Lalaking waiter ang nabungaran niya. 

Ngumiti ito nang makita siya. "Good morning po. Sorry po at natagalan ang order niyo. Marami po kasing nakain sa ----" 

She smiled. "Its okay. Salamat." aniya. Kinuha na niya iyong pina-deliver niyang pagkain dito. "Makaka-alis ka na." 

Nag-bow muna ito sa kanya bago ito umalis. Isasara na sana niya iyong pinto nang biglang may malakas na tumulak niyon, dahilan para malaglag iyong mga pagkain na ipina-deliver niya. Sinulyapan muna niya iyong pagkain na nagkalat sa sahig bago niya tiningnan kung sinong epal iyong nagtulak ng pinto. 

Awtomatikong napataas ang kilay niya nang makitang si Bella iyon. Tuloy-tuloy lang itong pumasok sa hotel room nila, na parang walang nangyari. Nakatingin lang siya sa bawat galaw nito. She's waiting her to say sorry, dahil kung hindi, babatukan niya talaga ito. Ano akala niya sa akin?! Duwag?! Neknek niya! 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon