*
Shine's.
Nasaan na kaya si Harold? Gabi na e! Kanina pa ako dito sa restaurant na 'to! Sabi niya, male-late siya pero bakit sobrang tagal naman yata? Tiningnan ko yung relo ko. Dalawang oras na ako dito! Nalalasing na ako sa wine na binibigay sa akin nung waiter. Tinanong ko kung oorder na daw ba ako, ang sinasagot ko, may hinihintay lang ako.
"Miss, hindi po ba ----"
"Maghintay po, puwede? May hinihintay nga ako diba? Pang-ilang beses ko na bang sinabi sa'yo, kuya?" Sa waiter ko na pati nababaling ang asar ko! Napabuntong-hininga ako habang nakatingin dun sa waiter. "S-sorry. Mamaya po." Tumango naman yung waiter.
Harold, nasaan ka na?! Hanggang anong oras ako maghihintay dito? Ilang beses na ba tong nagawa ni Harold sa akin? Katulad noon, ilang oras din akong naghintay sa kanya. Yung time na niyaya ako ni Twinky na puntahan si Red. Halos mahimatay na ako kahihintay sa kanya dahil gutom na gutom na ako. Mahal ko siya kaya ko ginagawa ang lahat ng yun. Pero bakit ganito pa din? Bakit pinaghihintay niya ako palagi sa wala? Nasasawa na talaga ako, eh. Ni-busted niya ako noon, nag-iwasan kami, tapos pinapansin niya ako ngayon tapos paghihintayin ako ng ganito. Tama ba ang ginagawa niya?!
Mahal ko siya kaya hinihintay ko siya ng ganitong katagal. Kapag nalaman to ni Twinkle, magagalit sa akin yun at aawayin pa niya si Harold. Buwisit! Tawagan ko na lang kaya si Twinkle? Nang abutin na ako ng tatlong oras sa Italian Restaurant, hindi ko na natiis. Tumayo na ako at lumabas na ako. Shit. Nagpaganda pa ako para sa kanya tapos hindi niya ako sisiputin?! Anong klaseng lalaki siya? Last na 'to!
Napaluha ako habang naglalakad. Buwisit. Bakit ganito? Mali ba ang taong minahal ko? Actually, na-inlove ako sa kanya dahil mabait siya sa akin noon. Tapos ngayong year na to, sinabi niya na ibalik daw namin ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit nagulat ako sa sinabi niya, napaisip din ako dun. Why not diba? Mahal ko pa naman talaga siya, eh. Napasinghot ako. Pero bakit ganito? Pinagbigyan ko naman siya pati ang sarili ko pero bakit nasasaktan pa din ako? Bakit kasi minahal ko siya sa isang napakaliit na dahilan? Naging mabait lang, nagustuhan ko na? Hindi ko lang basta nagustuhan! Minahal ko pa!
Napatigil ako nang may madaanan akong bar. Tiningnan ko yung pangalan --- Max Bar. So, dito pala sila siguro nag-iinom tuwing fridays. Ma-try ko kaya? Para makalimutan ko yung Harold na yun. Letse siya. Minamahal ko siya tapos ganito lang ang ginagawa niya sa akin? Ilang beses na niya akong pinaghintay sa wala pero hindi pa din ako nagagalit kasi nga mahal ko siya. Nakakasawa na eh. Itigil ko na dapat 'to.
Ganoon ba talaga kapag crush? Mas lumalalim pa ang nararamdaman? Crush ko lang talaga siya dati! Pero nung first year college, naging close kami. Libre dito, libre dun. Nakuwento ko na diba? Ugh. Ayun, na-in love ako. Nag-confess ako. Na-busted ako. Umiwas siya, umiwas din ako.
Ngayon naman, pinansin na niya ako, pinansin ko din. Naging malapit uli kami sa isa't-isa. Pero, ganito naman ang nagyayari. Ah, grabe na to. Ayoko na! Papasok na sana ako nang Max Bar nang matigilan ako.
Si Harold, may kasamang babae na nakaupo sa lap niya habang hinahalikan siya. What the? Nakatingin lang ako sa kanila. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya ako sinipot?! Eh bakit ba niya ako niyaya ng date kahapon kung hindi niya ako sisiputin?! Gago niya talaga! Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Don't cry, Shine. Let him see you.
![](https://img.wattpad.com/cover/6240919-288-k981114.jpg)
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?