~~
Twinkle's.
HINDI ako makapagsalita nang dahil sa sinabi niya. Mahal daw niya ako? Nagbibiro ba siya? Tumitig ako sa mata niya. Nakikita ko ang sincerity niya. Pero... paano kung masaktan na naman ako? Paano kung hindi na naman pala siya sigurado?
"Yuri."
Napakurap ako. "H-ha?"
"I said, I love you. Ano bang iniisip mo? Iniisip mo ba na hindi totoo ang sinasabi ko?"
Umiling ako. "H-hindi naman. H-hindi lang ako... makapaniwala. Baka kasi h-hindi ka sigurado sa nararamdaman mo, eh. Baka nasabi mo lang 'yan kasi ----"
"Yuri. Kapag sinabi kong mahal kita, mahal kita. Totoo ang sinasabi ko. You just have to believe me. Hindi mo kailangan mag-isip ng kung ano-ano. Oo, highschool pa lang tayo. Pero, anong magagawa ko? Mahal kita, eh." Maingat niyang pinisil ang pisngi ko. "My crazy hired maid."
Napalunok ako. "Hindi ka ba talaga nagbibiro? Mahal mo ba talaga ako? Baka kasi naaawa ka lang sa akin kaya mo nasabi yan, eh. Pero.... hindi nga? Mahal mo ako? Di mo ako ginu-good time?" Mabilis na sabi ko sa kanya.
He smiled. "Of course not. I love you, okay? Kahit hindi ako sanay na mag- I love you sa babae, I love you pa din." Pinisil niya ang pisngi ko.
Shocks! Mahal daw niya ako! Ako na yata yung pinakamasayang babae sa buong... Pilipinas lang muna! Ahhh! Mahal niya ako! Alam niyo yung feeling na mahal ka din ng taong mahal mo? Ugh. Kinikilig ako. Sana kami pa din kapag college na kami.
Satisfied na ngumiti ako sa kanya. Oo, masaya ako. Mahal niya ako, eh. Ang tanga ko na lang kapag hindi ako naging masaya. Paano si Sheena? Tanong naman ng isip ko. Bahala na siya! Ako ang mahal ni Red, eh. I will just go with the flow. Lalabanan ko na siya.
"Bakit, Yuri? Hindi mo ba ako mahal?"
Gulat na napatingin ako kay Red. Gago ba siya? Iiyakan ko ba siya kung hindi ko siya mahal? Nang dahil sa asar ko, sinapok ko siya. "Gago ka ba?! Iiyak ba ako kung hindi kita mahal? Ang tanga ng tanong mo."
Napangiti siya. "Hindi ka na galit sa akin?"
Inirapan ko siya, sabay ngumuso ako. "Hmmm, hindi na! Hehe. Mahal mo naman pala ako, eh."
"Sorry at hindi ko kaagad nasabi sayo. Natakot kasi ako sa puwedeng gawin ni Sheena, eh. Hindi ako duwag, Yuri. I was just scared."
"Takot ka kay Sheena?"
He shook his head. "Of course not! Takot ako kasi baka saktan ka niya pero ngayong akin ka na, hindi ko hahayaan na saktan ka niya. Lagi akong nasa tabi mo."
I rolled my eyes. "Duh. Ang bata pa natin pero ang landi na natin."
"So? Wala naman tayong ginagawang masama, ah."
Tumango na lang ako. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya at nagtatakang tumingin siya sa akin. "Red! Hindi nga? Mahal mo ako?" Magagawa niyo? Kinikilig ako, eh.
He held my hand and then he smiled at me. "How many times do I have to tell you that I love you?"
I smiled. "Assurance lang!"
Inakbayan niya ako. Napahawak ako sa pisngi ko nang kintilan niya ako ng halik dun. "I missed you, crazy maid. Bumalik ka na sa bahay, please?"
Ayy, oo nga ano? Umiling ako. "Wag na Red. Hindi mo na naman ako maid, eh. Mas maayos na din na kina Shine na muna ako titira. Magkikita naman tayo sa school, eh. Nakakahiya na pati kay tita."
Tumigil siya sa paglalakad at pumunta siya sa harap ko. "Please?" Napalunok ako. Hindi dahil sa kinakabahan ako, dahil parang ibang Red ang nakikita ko. Hindi yung Red na masungit, yung akala mo'y monster. Sweet na Red ang nakikita ko.
"E-eh kasi...."
"Please?"
"Pula naman, eh! Sinabi't ----"
"Please, Yuri? Miss ko na kasi ang sigaw mo, eh. Miss ko na din ang kaingayan mo. Alam mo bang lagi akong napunta sa kuwarto mo para isipin na nandun ka?"
Nanlaki bigla ang mata ko. Seriously?! Ginagawa niya ang mga bagay na yun? God! Hindi ako sanay na ganito ang amo ko!
Napakamot ako sa ulo ko. "Oo na!" Hindi din ako nakatiis! Miss ko na din siya, eh! Hahaha. "So, maid mo na uli ako?" Ano naman ang masama? Kaya lang naman ako nag-resign kasi broken-hearted ako.
"No."
"Eh, bakit pababalikin mo pa ako dun kung hindi mo na ako maid? Yung totoo? Slave na?"
"No. You're now my girlfriend."
Holy beverly! "E-eh?"
**
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?