*
NAPAMULAT ako ng mata nang marinig kong nag-ring ang cellphone ko. Kaagad na bumangon ako at kinuha ko yung phone sa paahan ko. As expected si Red ang nagtext. Nakakapagtaka lang dahil palagi siyang ginagabi ng umuwi. Katulad ngayon, 9:30pm na. Saan naman kaya galing ang isang yun?
Siguro kasama niya si Mae! Putek.
From: Tangkad.
Hoy, asan ka? Punta ka dito sa bahay. Nandito na ako.Napa-angat ang kilay ko. Aba?
To: Tangkad.
Ayoko. Tinatamad ako. Ikaw na lang ang pumunta dito. Masakit ang ulo ko.Yun lang ang reply ko at nahiga na uli ako sa kama. Aba! Bahala siya sa buhay niya. Magsama sila ng Mae niya. Pangit nila parehas! Buwisit.
After 10minutes, wala akong na-receive na reply mula sa kanya. Mas lalo akong naasar! Letse talaga ang lalaking yun! Buwisit, buwisit, buwisit! Ugh! Sinipa ko yun unan na nasa paahan ko. Asar na bumangon ako at nagtungo ako sa kusina ko.
"So, what's your problem?"
Bigla akong nadulas nang marinig ko yung tinig na yun. "Araaaaaaaaay ko!" Kaagad na tiningnan ko ang pinang-galingan ng boses na yun. Hindi nga ako nagkamali. Si Red nga! Nakasandal siya sa likod ng pinto habang nasa bulsa ng pants niya yung mga kamay niya. "Anong problema mo?!" Sigaw ko sa kanya. Asar na tumayo ako.
"What the hell is your problem?" Kunot-noong tanong niya habang nakatitig sa akin. "Bakit ganiyan ang mukha mo?"
Hindi ko siya pinansin. Naglakad na lang uli ako papunta sa kusina. Buwisit na yun! Kaya pala hindi nareply, nandito na sa bahay! Hinaplos ko yung puwet ko. Shit. Napalakas yata ang bagsak ko. Sakit e.
Kumuha ako ng tubig at nilagyan ko na yung basong hawak ko.
"Hoy Yuri!"
Iinumin ko na sana yung tubig ngunit nabitawan ko nang marinig ko na naman ang boses ni Red sa likod ko. "Araaaaaaaaaaay!" Napatingin ako paa ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong doon bumagsak yung baso. "Shit...." Sambit ko. Medyo kinabahan ko nang makakita ako ng kaunting dugo.
Kaagad na lumapit sa akin si Red. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin at dalhin sa kuwarto ko. Ibinaba niya ako sa kama ko. Kaagad na lumuhod si Red sa harapan ko at inilagay niya yung panyong hawak niya sa paa ko.
Yan si Red. Palagi siyang may dalang panyo. Yun ang hindi mawawala sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya yung tali niya sa paa ko.
Medyo gumaan ang loob ko sa ginawa niya. Medyo nawala din ang tampo ko. Pero, kapag pumapasok sa utak ko na ngayon lang siya nakauwi, naaasar ako!
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?