~~
Twinkle's.
"HOY, BABAE! Saan ka nanggaling kagabi ha? Nakatulog na ako't lahat, hindi ka pa din umuuwi. Where have you been?" Tanong ni Shine nang pumasok siya sa guest room.
Napatigil ako sa pag-iipit ng buhok ko. "Ha? Naglakad-lakad lang ako tapos kumain ng fishball. Yun lang. Bakit?"
Umiling siya. "Hmm, wala naman. Bilisan mo na at papasok na tayo. Hintayin na lang kita sa kotse ko. K?"
Tumango na lang ako. Lumabas na siya ng guest room. Ako naman, inayos ko yung buhok ko. Inipit ko yun ng pigtails at inilawit ko lang ang full bangs ko. Lagi ko kasi itong iniipit noon, eh. Nong birthday ko lang ito ginamit. Lol.
Pagkatapos nun, sumunod na ako kay Shine.
Nang nasa school na kami, nagtaka pa ako nang makababa ako ng kotse, madaming tao sa tapat ng main campus, sa stage. Ano naman ang meron dun?
"Anong meron dun?" Tanong ni Shine nang bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.
"Shunga ka te? Kadadating lang natin diba? Mukha bang alam ko?" Inirapan ko siya. Ako pa ang tinanong! Shunga, e.
Iningusan lang niya ako. "Jeez. The old Twinkle." Sabi niya, saka tumawa.
Pabirong sinabunutan ko lang siya. Inayos ko yung straps ng bag ko at naglakad kami palapit sa main stage ng campus at tiningnan namin kung ano yun.
Napa-angat ang kilay ko nang makita ko Sheena sa stage. What the hell is she doing? Ngumisi siya nang makita ako. Kinuha niya yung michropone.
"Hi, Twinkle. Good you're here today." Sabi niya mula sa michrophone.
Lahat ng tao dun, nagtapon ng tingin sa akin. Ako naman, nakatulala lang at nakatingin kay Sheena. Ano na naman ba ang balak ng babaeng to? Shit lang ha. Wala na akong ginagawa. Buwisit.
"Schoolmates! Kilala niyo ba ang babaeng 'yan?" Sabi ni Sheena at itinuro ako. Kanina pa ako kinukulbit ni Shine sa tabi ko pero hindi ko siya pinapansin. Hinihintay ko ang sasabihin ng babaeng ito. Ramdam ko na tumingin na naman sa akin ang mga ka-schoolmates ko. Nakatingin lang kasi ako sa gagawin ni Sheena, eh. "Siya yung maid ni Red. Yung malanding maid ni Red. Alam niyo ba? Inaagaw niya sa akin si Red. Hindi naman sila bagay 'di ba? At ang kapal ng mukha niya. Ni ----" Hindi niya naituloy yung sasabihin niya nang bigla na lamang dumating sa stage si Bella at agawin kay Sheena yung michrophone. Hinila ni Bella si Sheena paibaba ng stage.
Namuo ang luha sa mata ko nang magsimula na naman ang bulungan doon. Ang landi ko daw pala! Maid lang daw ako ni Red? Excuse me. Ex maid. Tapos, malandi daw ako? Inisip ba muna niya yun bago niya sabihin? Duh. Mas malandi pa siya sa akin. And excuse me! Hindi ako malandi! Maganda ako!
Napasinghot ako at tumakbo na ako. Wala akong ginagawa pero ako yung mali? Ako nga yung pinaasa at nasaktan, eh! Tapos ako pa ---- "Aray ko!" Natumba ako sa sahig. Nang mapatingala ako, laking gulat ko nang makita ko si Red. Inalalayan niya akong makatayo.
"What happened?"
Tiningnan ko siya ng masama. "I hate you! Don't talk to me!" Pagkasabi ko niyon, itinulak ko siya at tumakbo na uli ako. Ngunit hindi pa ako nakakalabas ng school, naramdaman ko bigla ang isang kamay na biglang humigit sa braso ko. Napapihit ako paharap. Si Red yun. "What?!" Asik ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/6240919-288-k981114.jpg)
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?