HCHM 44

4.8K 83 5
                                    

~~~

Twinkle's

LETSE NAMAN! Kailangan ko ba talaga aminin na nagselos ako? At bakit naman niya natanong kung nagseselos ako?! Ugh! 

"Are you mad at ---" 

"No," 

"You're mad." 

"I'm not."

"You are." 

"I'm not." 

"You're mad." 

"I said, I am not." 

"You're jealous." 

"Yes, I am." 

Ano ba yan! Bakit ba kasi ganon? Buwisit! Dapat hindi ko na lang talaga siya pinansin! Napahawak ako sa noo ko nang biglang kumirot iyon. Aray ko. Sino kaya ang tumulak sa akin? At bakit naman niya ako itutulak? 

Hindi pa ako nakakahiga sa kama ko nang biglang may kumatok mula sa labas ng kuwarto ko. Eh sino ba naman ang kakatok ng ganitong oras? Si Red lang naman! Hmp! 

Asar na tumayo ako at binuksan ko yung pinto. I lazily look at him. "Bakit?" Masama pa din ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko kasi, may nangyari pa bukod sa nakita ko kanina sa school. Ewan ko! 

"Samahan mo ako." Sabi niya sa akin. 

"Saan naman?" 

"Kahit saan. Hindi ka pa naman tutulog 'di ba?" 

Tinitigan ko lang siya. Hay! Why so guwapo, Red? Totoo ba ang mga sinasabi mo sa akin? Na, liligawan mo ako? Na ginagawa mo ang best mo? O baka aasa lang ako? 

Napakurap ako sabay umiling. "Hindi pa. Wait lang. Magpapalit lang ako ng damit." Pagkasabi ko niyon, tinalikuran ko na siya at sinara ko na ang pinto. Huminga ako ng malalim. Bakit parang feeling ko, may mangyayaring hindi ko gusto? Napailing ako. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko! Tsk. 

Nag-shorts lang ako at nag-tshirt. Pagkatapos, lumabas na ako ng kuwarto ko at nagtungo na ako sa ibaba. Naabutan ko si Pula na nakaupo at mukhang hinihintay ako. Nang makita niya ako ay kaagad siyang tumayo. 

And again, mabilis na naman ang tibok ng puso ko. Ano ba ang bago? Nong una, ayaw ko talagang ma-in love sa gagong to. Pero anong magagawa ko? It happened. Why do I have to think? Sheeez. 

"Let's go." 

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay. Napakunot-noo ako. Akala ko kasi sasakay kami sa kotse niya ngunit hindi pala. Dire-diretsyo siya palabas ng gate. "Hoy, saan ba tayo pupunta? Maglalakad lang ba tayo?" 

"Yes. Hindi naman malayo ang pupuntahan natin." Sagot niya sa akin. 

Naglakad na lang din ako palapit sa kanya. "Sigurado ka, Pula? Maglalakad tayo? Hindi ka mapapagod? Hindi ka mag ---" 

"Sinabi ko na 'di ba? Bakit ang daldal mo pa?" 

Nagsimula na kaming maglakad-lakad. Kahit, hindi ko alam ang pupuntahan namin, hindi na lang ako nagtanong. Masaya naman kasi ako pag kasama ko siya. Kahit, siya hindi. Hehehe. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon