***
NATAPOS ang activity nila nang hindi man lang sila nag-kausap ni Pula tungkol doon. Utos dito, utos doon. Iyon lang ang ginagawa nito. Kaya nang mag-submission, kung ano-ano na lang ang inilagay niya sa type writing.
Kung ano-ano lang naman ang inilagay niya doon, e.
Si Red Paulo Sydney?
Isa siyang diyablo, demonyo, masungit, laging nakasigaw, masama ang ugali, walang respeto at napaka-taray na lalaki. Oo, guwapo siya pero hindi ko siya gusto! Pangit niya.
Oh diba? Nice ng nilagay niya! Iyan lang talaga. Wala ng iba. Nagtaka pa nga ang guro niya kung bakit iyon lang ang inilagay nila. Ang sabi naman niya ay iyon talaga ang ugali ng Pula na iyon. Madudulas pa nga siya na isa siyang maid ni Red.
"Huy, nakatulala ka na naman diyan." Untag sa kanya ni Shine nang bigla na lamang itong sumulpot. Kasalukuyan silang nasa canteen ng mga oras na iyon. Two hours vacant sila. Naupo ito sa harap niya. "Anong problema mo?"
Umiling siya. "Wala akong problema. Siyanga pala, sweldo ko na next week. Excited na ako. Bibilhin ko lahat ng gusto ko. Hihi."
"Wow. E 'di masaya ka na?"
"Hindi. Malungkot ako! Kasi 'di ako mag-kakapera." Inirapan niya ito. Opkors, namilosopo ako.
"Ewan ko sa'yo, Twinky."
"E paano naman kasi, siyempre masaya ako, kasi sweldo ko. Non sense naman kasi ang tanong mo. Alam mo na ang sagot, itatanong mo pa. Shunga ka?"
Nag-pout ito. "Hmp! Oo na. Mali na ako." Inirapan siya nito.
Ngumiti siya at niyakap ito. "Joke lang, Shine! Ikaw naman!" Pinisil niya ang pisngi nito. "Ililibre kita ng Pizza!"
"Talaga? Ililibre mo 'ko?"
"Ilang beses mo pang ipapaulit sa'kin?"
"Ahh! Ewan ko sa'yo!" Asar na sabi nito at kinurot pa siya sa pisngi.
"Aray ko, Shine! Kukutusan kita diyan, e!" Reklamo niya habang hinihimas niya ang kanyang pisngi.
"Ang lakas mo kasi mang-asar, e."
Ngumiti siya. "Hihihi. Sorry na, best friend. Binibiro ka lang naman, e."
"Oo, alam ko! Pero, ililibre mo naman talaga ako next week, e. 'Pag hindi lang! Itatapon naman talaga kita sa bangin." Banta pa nito.
Nag-kunwari siyang matatakot. "Oh really? Gusto mo magsama pa kayo ni Pula? 'Tatapon daw niya ako sa bangin, e. Ni hindi naman natutuloy. Hinihintay ko kasi na gawin niya e," biro pa niya.
"Gusto mo bang ituloy ko?"
Napatingin siya sa kaibigan. Seryoso kasi ang tono nito. "Siraulo ka ba? Baka gusto mong ikaw 'tong itapon ko?"
"H-hehe. Biro lang, Twinky." Tumango ito sa kanya, sabay iwas ng tingin.
Napatawa na lang siya sa reaksiyon nito. Nang matapos matapos ang class hours ay nagpaalam na siya sa kaibigan niya. Maglilinis kasi siya ng condo ng amo niya. Hindi niya ito nakita buong mag-hapon sa school. Saan naman kaya napadpad ang ugok na 'yon?
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomansaWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?