Well, bago pa lang talaga ako dito so hindi pa din ako nage-expect na maganda nag story ko. Pero, sana may sumuporta din. Salamat.
- Kai
**
NAGISING si Twinkle dahil sa katok na nagmumula sa labas ng kuwarto niya. Sinilip niya ang relo sa bedside table niya. 3:30am in the morning?! Sino naman ang gigising sa kanya ng ganoong kaaga?
Asar na tinungo niya ang pinto at gigil na binuksan iyon. Napaurong siya ng bahagya nang makita ang amo niyang monster.
"Alam mo ba kung anong oras pa lang ha? Don't tell me na paglilinisin mo ako ng condo mo?" Taas kilay na sabi niya rito. Aba! Antok pa siya 'no! Inayos niya ang ipit ng buhok niya.
Hindi siya nito pinansin. Hindi kaya lasing ang isang 'to? Oh shit! Oo nga pala. Nag-inom nga pala ang magkakaibigan kagabi sa condo nito. Kaya pala amoy babae na naman ito!
"Who are you?" Pilit siyang inaanaw nito. Lasing nga ang gago. Naniningkit na ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hahawakan sana nito ang pisngi niya ngunit kaagad niyang pinalis ang kamay nito. Baka mamaya napahawak na sa ano 'yang ng.... Hmp! Censored. Ahe.
"Anong who are me? Ako 'yong maganda mong maid. 'Di mo ba ako kilala? Lasing ka kasi. Matulog ka na! Shuuu!" Sabi niya, sabay marahang tinulak ang dibdib nito. Napaigtad siya nang biglang hawakan nito ang palapulsuhan niya. Take note, mahigpit pa! "A-aray ko!" Pilit niyang inaagaw ang braso mula dito pero may sa kapre yata ang isang 'to e. Matangkad na, ang lakas pa.
"I am asking you, woman. Who are you?"
Infairness to him, hindi siya utal magsalita kapag lasing. Pero, ang pangit ng mukha niya! Parang tulog na nagsasalita! Hahahaha!
"I answered you. Ilang beses mo pa ba gusto? Ako si Yuri. Ang maganda mong maid. Nag-apply ako sa'yo.. Hmmm, matagal-tagal na din. Maliit ako, pero hindi naman ----- Ahhhhh!" Impit na napatili siya. Bigla na lang itong sumubsob sa may dibdib niya. Kaagad niyang itinulak ito. Ang bigat kaya! Ngunit natumba ito sa sahig. "Ayy, tanga ko!" Naaasar na nilapitan niya ito. Lumuhod siya sa tabi nito at hinawakan ang braso nito. Hinigit niya ito patayo. Pero dahil mabigat ang amo niya. Hindi niya ito mahigit. Naungol pa ito. "Letse ka! Maliit ako! Pero malakas ako, pero 'bat ganito? Hindi kita kaya!" Asar na sabi niya.
Nang maitayo niya ang amo niya ay nilagay niya ang braso nito sa balikat niya at hinawakan niya ang baiwang nito.
"Asdfghjkl." Ungol nito.
"Manahimik ka! Ang bigat mo! Buwisit ka! Broken-hearted ka ba at uminom ka ng sobra? Letse ka naman talaga ano?! Kung 'di lang talaga kita amo, naitapon na kita diyan sa... Ahh! Ewan ko! Basta."
Nang madala niya ito sa kuwarto nito ay inilapag na niya ito sa kama nito. Ngunit nadala siya nito. Nasa ibabaw siya ng amo niya. Napasubsob ang mukha niya sa leeg nito.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?