HCHM 80

3.2K 47 1
                                    

~*~

Mae's. 

Napangiti ako. See? Nakuha ko siya 'di ba? And now, fiance ko na siya. Shit. Finally! Nakuha ko na din siya sa Twinkle na yun! Yun lang naman pala ang kailangan kong gawin. So damn easy! Bakit ba hindi ko kaagad nalaman na magkakilala ang mommy ko at ang mommy ng taong gusto ko? Eh di sana, nakuha ko na siya matagal na! 

Nagkausap kasi kami ng mommy ko. Napag-usapan namin yung about sa taong gusto ko. And there it was! Tinanong niya yung apelyido ni Red tapos ayun. Kilala daw niya yun. Close daw sila ng mommy ni Red. So, nagkaroon kaagad ako ng idea. Mas mayaman ang company namin kaysa sa company nila. 

Suportado ni mommy ang kagagahan ko. Diba? Ang ganda ng kinalabasan! Naging fiance ko ang boyfriend ni Twinkle! Naagaw ko pa. Break na kaya sila? 

Nung bigla na lang akong sumulpot sa bahay nina Red, nag-usap kami ng mommy niya dun. Sinabi pa nga ni tita kay Red na puntahan muna sa garden si Twinkle para makapag-usap kami ng maayos. Pinalabas pa ni tita na tinarayan niya ako. Duh? Gagawin ko talaga ang lahat makuha ko lang ang Red na yun! 

"Mae." 

Napalingon ako sa likod ko. Ayun, si mommy lang pala. Mukhang kadadating lang niya mula sa trabaho. I smiled at her. "Yes, mom?" 

She walked towards me and she sat beside me. "Sigurado ka ba sa gagawin mo, 'nak? Why don't you think first?" 

"Nakapag-isip na ako, mommy. I want him so badly! At mas maganda ako sa girlfriend niya 'no, mommy! Gusto mo bang makita?" 

She shook his head. "No." Tumayo na siya. "I already saw her. Hindi ko gusto ang pinag-gagagawa mo. Pero, anak kita, eh." Maglalakad na sana siya ngunit nilingon niya ako sandali. "Yes, you're prettier than her. But I bet, mas mabait siya kaysa sa'yo." 

The fuck? Did I just hear it right? 

~*~ 

Twinkle's. 

TULALA. 

Yan lang ang gawain ko ngayong mga nakaraang araw. Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko. Wala akong pakialam. Mas mahalaga sa akin ang nararamdaman ko. Bakit ganito? Bakit sobrang sakit? Bakit hindi maalis ang sakit na nararamdaman ko? Bakit miss na miss ko na siya? Kahit nasaktan niya ako? Fiance? Kasal ang punta nun 'di ba? Eh paano ako? Paano yung feelings ko? 

"Magpakasal na kaya tayo?" 

 "Red, nababaliw ka na ba? Gutom lang yan!" 

"I am not hungry. Its just that... I am so in love with you." Naalala ko pa yung katangahang sinabi niya noon. Totoo kaya ang lahat ng yun?! Akala ko ba, mahal niya ako? Pero bakit malalaman ko na lang na engaged na siya? At dun pa sa Mae na yun? Sobrang sakit. Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Kaya ba palagi silang magkasama? 

"Yuri, please take care of yourself, okay? What If I won't be able to be your side always?" Parang may tumusok sa puso ko nang maalala ko yung sinabi niyang yun. Yung time na nadapa ako dahil hinahabol niya ako. 

Nandito lang ako sa bahay. Bakit nga ba hindi ako pumasok? Siguro, dahil sa kakaiyak ko? Hay naku. Ito na ba yung ganti sa akin ni Mae? Yung mga sinasabi niyang 'we're not finish yet?' Yung mga kaepalan niyang yun?! Kaya ba hindi kami masiyado nagkakasama ni Red dahil engaged sila? Grabe! 

Napaluha na naman ako. 

Tumayo ako mula sa kama ko at pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig. Naupo ako sa dining area. Pagod na pagod na ako sa pag-iyak. Magdamag akong naiyak nitong mga nakaraang araw nang dahil lang sa mga nalaman ko. Hindi ko ma-take ang nangyayari. Sobrang nasasaktan ako. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon