~~
Twinkle's.
ISANG LINGGO. Yes! One week na ang relationship namin ni Pula. And guess what? Ang saya-saya ko talaga! Ang sweet-sweet niya kasi. Parang hindi siya yung Pula na nakilala ko noong una. Yung time na maid pa lang niya ako. Masungit at laging nakasigaw yun dati, eh.
Sa school naman, hindi ko alam kung alam na nila na may relasiyon na kami ni Pula. Ang may alam lang naman ay yung lima, eh. Yung mga kaibigan ni Pula, tapos si Shine at si Singkit. Hindi ko alam kung alam na ni Bella at ni Sheena yun. Medyo kinakabahan pa din ako kapag nalaman ni Sheena ang tungkol dun. Pero kay Bella, hindi na. Pakiramdam ko, hindi na galit sa akin ang isang yun eh. Si Sheena na lang yata ang malaki ang galit sa akin. May sira yata yung babaeng yun.
"Huy, tulala ka na naman diyan. Hindi ka pa din ba makapaniwala na boyfriend mo na si Red? Aba! One week na kayo tapos hindi ka pa ---"
Hinampas ko si Shine ng unan sa mukha. Nasa bahay nila ako. Dinalaw ko siya kasi hindi siya pumasok. Akala ko may sakit. Sinapian lang pala ni katamaran. "Sira ka! Iniisip ko lang ang magiging reaksiyon ni Sheena kapag nalaman niyang boyfriend ko na ang sinasabi niyang boyfriend niya."
"Paano kapag binugbog ka ng babaeng yun?"
Bigla akong kinabahan. "H-hindi naman siguro, 'no. Para na siyang baliw kapag binugbog niya ako. Bakit niya ipagpipilitan ang sarili niya sa taong hindi siya mahal? Duh."
"Asus!" Hinampas niya ako sa balikat. "May pinanghahawakan na ang kaibigan ko! Hahahaha! Edi ikaw na ang girlfriend ng guwapong Red Paulo Sydney."
"Talaga lang!" Pagmamalaki ko. "Pula is mine."
Shine just rolled her eyes.
~~
Red's.
"SHEENA." Narito kami sa rooftop ng school. Tinawagan ko siya para mag-usap kami at ayusin na ang dapat ayusin. Napangiti siya nang makita ako. Hahalikan sana niya ako sa labi pero nag-iwas ako. Kumunot-bigla ang noo niya.
"W-what babe? Akala ko ba mag-uusap tayo? Pinatatawad na kita kahit nitong mga nakaraang araw ay hindi mo ako pinapansin at hindi mo ako sinisipot sa usapan natin." Lalapit sana siya sa akin pero bahagya akong umurong. "What is it Red?! Bakit ka ba layo ng layo? Akala ko ba mag-uusap tayo?!" Medyo tumaas na yung tono ng boses niya.
"Sheena. Let's stop this."
"S-stop what?"
"I don't love you, Sheena. I love Yuri."
Umayos siya ng tayo. Humalukipkip siya habang nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay niya. "So what do you mean by that? You're breaking up with me?"
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?