*****
"PULA!" Sigaw ni Twinkle mula sa labas ng kuwarto ni Red. Mula kasi ng umuwi siya kanina mula sa school. Hindi pa niya ito nakakausap. Problema kaya nito?
"What do you want?!" Sigaw naman nito mula sa loob.
Ayy? Bakit parang galit ang amo niya? May ginawa na naman ba siya? Hayy! Bakit badtrip na naman ang amo niya? Jusmio naman! Pula kong amo!
"Ahmmmm.... I want to talk to you! H-hehe!" Kumatok siya. "Open this na, Pula! Please na o! 'Di ako titigil dito. Pula, Pula, Pulaaaaaa ----" Bumukas bigla iyong pinto. At galit na mukha ni Pula ang nabungaran niya. Napatitig siya dito. God! Why so handsome?! Kahit messy hair ang amo niya! Shocks! Naramdaman na naman niya ang nagtatakbuhang kabayo sa dibdib niya. Para 'san ba 'to? Buwisit. Pagkaraa'y ngumiti na lang siya, sabay kaway. "H-hi, Pula!"
"Ano na naman ba 'yon?!"
"Ow? Bakit ka galit, Pula? Ikaw ha. May dalaw ka ba?"
"Anong dalaw?" Kumunot bigla ang noo nito.
Umiling siya. "Hehehe. Wala. Ahmmm, anyway, sasama ka ba sa ----"
"NO." Matigas na sabi nito, sabay pinagsaraduhan siya ng pinto.
Napakurap siya. Ano bang problema 'non? Hinampas niya ang pinto nito. "Hoy, Rainbow! Lumabas ka naman diyan! Kinakausap kita! Lumabas ka diyan!" Sunod-sunod niyang hinampas ang pinto nito. "Pulaaaaaaaaaaaa!" Sigaw niya. Nagulat siya nang biglang bumukas iyong pinto at higitin siya nito paloob. "Aray ko!" Malakas na binitawan siya nito kaya napaupo siya sa kama. "Ang oa mo naman! Sakit, e." Sabi niya habang hinihimas niya ang palapulsuhan niya.
"Bakit ba ang ingay mo? Natutulog 'yong tao."
"Eh bakit ba kasi hindi mo ako kinakausap? May itatanong lang naman ako sa'yo, e. Sungit mo talaga!" Inirapan niya ito.
"Ano bang itatanong mo?"
"A-ahh, hehe." Tumayo siya at lumapit rito. "Sasama ka ba sa ----"
"I already answered you." He look at her directly. "NO."
She pouts. "Eh bakit? Ang arte mo Pula! Masaya 'yon! Sumama ka na please!" Napakunot-noo siya nang ilapit ni Pula ang mukha nito sa mukha niya. Napaurong siya. "H-hey, w-what are you doing?" Napaurong siya muli. But now, nakasandal na siya sa pader. Shit! Napatingin siya sa braso ni Pula na kasalukuyang nasa pader. Pagkatapos ang isang kamay nito ay nasa bulsa nito. Tumingin siya sa mukha nito. "H-hoy.... P-pula... A-anong ginagawa mo?"
Inilapit pa nito ng husto ang mukha nito sa mukha niya. Iyong feeling na, parang sasabog na iyong puso niya sa lakas tibok niyon. Kahit gusto niyang huminga, hindi niya magawa dahil napakalapit ng mukha nito sa kanya.
Ngumisi ito. "Why do you want to me join to that field trip?"
Bigla siyang napakurap. Bakit nga ba gusto niyang sumama ito? Iniwas niya ang tingin rito. "W-wala! K-kung ayaw mo naman, e 'di wag!"
Inalis na nito iyong kamay nito sa pader at umalis na ito sa harap niya. Nananatili lamang siyang nakasandal doon. Huminga siya ng malalim. Bakit pakiramdam niya, sasabog ang puso niya sa kaba? Tumingin siya kay Pula na kasalukuyang nakaupo sa kama nito.

BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?