*
Shine's.
Napabuntong hininga ako habang nakahiga lang ako dito sa kama ko. Miss na miss ko na sila. Lalo na si Harold. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Hindi naman kasi ako makalabas ng bahay namin dito sa London dahil ang lamig. Siguro, bukas na lang. Tatlong araw na ako dito pero feeling ko, isang taon na akong nandito. Sobrang miss ko na sila! Si Twinkybaby! Hindi naman ako makatawag sa skype niya dahil tinatamad pa ako.
Siguro, mamayang gabi na lang ako tatawag sa kanya. Gusto ko silang makita except kay Harold. Hindi ko alam kung galit ba ang nararamdaman ko sa kanya.
Nung dumating siya para pigilan ako. Ayaw kong umalis talaga nung nakita ko siya. Pero nang maalala ko yung nakita ko, yung nakikipaghalikan siya sa bar habang ako, gutom na gutom na hinihintay siya. Nasaktan na naman ako.
"Shine. Please, don't leave...." sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Umiling ako. "No, ayoko. Aalis ako para makalimutan ka. Babalik lang ako rito kapag sigurado na ako na nakalimutan na kita... Pero tingin ko, hindi ko kayang gawin yun. But.... hindi naman masama ang subukan ko diba?" Tumitig ako sa mga mata niya. "Bye Harold. See you when I see you. Ingatan mo ang sarili mo..."
Yun na ang huling sinabi ko. Tapos iniwan ko na siya. Sa airport na niya ako naabutan. Kahahatid lang sa akin ni papa nung time na yun. Sobrang hirap ng ginawa ko. Dito sa bahay, si nanny lang ang kasama ko tapos yung pinsan ko.
Nahiga ako sa kama ko.
"Ano ba 'yan! Feeling ko mamamatay ako sa bored dito! Paano ko makakalimutan si Harold kung nandito lang ako at iniisip siya?" Sabi ko sa sarili ko. Lagi siya ang nasa isip ko tuwing tutulog ako. Ni hindi nga yata absent si Harold sa utak ko.
Napailing na lang ako.
Promise, kakalimutan ko na talaga siya!
*
"Ano ba?! Kulit mo ha! Hindi ko nga alam kung kailan diba? Tuktukan na kita diyan e!" Sabi ko kay Harold. Kanina pa kasi niya ako kinukulit. Tinatanong niya sa akin kung lagi ko daw bang kausap si Shine at kung kailan daw uuwi. Eh hindi ko naman talaga alam dahil wala siyang sinabi sa akin bago siya umalis!
"Hindi mo talaga alam? O baka naman ayaw mo lang sabihin sa akin?"
Tiningnan ko siya ng masama tapos dinuro ko siya. "Hoy! Oo, sinaktan mo ang bestfriend ko! Pero hindi naman ganoon kasama ang ugali ko para 'di ko sabihin sa'yo no. Kaibigan pa din kita. Pero alam mo?" Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa kanya tapos, binatukan ko siya. "Gago ka kasi!"
"Aray ko naman Twinkle!" Reklamo niya.
Iningusan ko lang siya tapos tinalikuran ko na siya. Naabutan ko kasi siya sa labas ng classroom ko. Eh saktong dismissal na. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko naman si Justine sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?