Twinkle's Pov.
Katatapos lang namin mag-celebrate. Umalis na silang lahat. Kami na lang ni Red ang natira dito sa bahay. Katatapos ko lang linisin ang pinag-inuman nila. Nang lumabas ako sa kusina, naabutan ko si Red na nakaupo sa couch. Nakatitig lang siya sa kawalan. Medyo malalim na din kasi ang gabi.
Naglakad ako palapit sa kanya at naupo ako sa tabi niya. "Huy. Okay ka lang ba?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Oo naman. Bakit?"
"Eh bakit ka tulala?"
Inakbayan niya ako. "Iniisip ko lang kung ano ang magiging itsura ng anak natin. Sana naman hindi mo kamukha. Mukha ko sana ang makuha."
Tiningnan ko siya ng masama tapos hinampas ko siya. "Grabe ka naman. Hindi kita bibigyan ng anak!" Tatayo sana ako pero pinigilan niya ako. "Ano?" Napanguso ako.
"I was just kidding. Siyempre, gusto ko kamukha mo at kamukha ko."
"Red. Ano ba talaga ang iniisip mo ha?" Tanong ko uli.
"Yung kasal natin."
"Kasal natin?"
"Yes. Aren't you excited?"
Inirapan ko siya. "Excited siyempre. Natutuwa nga ako kasi graduated na tayo. Mangyayari na yung pag-sagot ko ng 'yes' sa'yo."
Hinalikan niya ako sa pisngi. "I want to see you wearing a beautiful wedding dress."
"Bagay kaya sa akin? Liit ko kaya."
"Hahanap tayo ng ka-size mo."
Nag-pout ako. "Paano na lang kung hindi ako maganda sa kasal natin?"
"Ofcourse not. Bakit mo naman iniisip na hindi ka magiging maganda sa kasal natin?"
"Wala lang."
Marahan niya akong sinapok sa noo. "Stupid."
Niyakap ko siya. "I love you, Pula."
"I love you too, Yuri."
**
5 months after.
Ipinikit ko ang mata ko. Pinakiramdaman ko ang hangin na humahampas sa balat ko. Yes. Finally, Red and I got married. Dito sa beach resort kami dumiretsyo after ng reception ng kasal namin. Naka-kotse kami nung pumunta dito. Napangiti ako. Sobrang daming dumalo sa kasal namin. High school friends and college friends.
Sobrang saya ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil itong araw na ito ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Para akong prinsesa na lumulutang kanina habang naglalakad ako sa aisle palapit sa prinsipe ko. Hindi ko talaga akalain na magiging maganda ako kanina. Like Red said, naging maganda ako. Kidding.
Alam mo yung feeling na natupad na lahat ng pangarap at inaasam-asam mo? Yung feeling na nakatuluyan mo yung taong mahal mo tapos nagpakasal kayo. Hay! Heaven diba?!
"Hey..." Niyakap niya ako sa waist ko at hinalikan ang leeg ko.
Humarap ako sa kanya. "Hi husband." I smiled at him. "Do you feel happy?"
"Ako yata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo sa mga oras na 'to. And it's because I am married to the woman I love." Kinintilan niya ng halik ang labi ko.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?