HCHM 49

4.5K 64 4
                                        

~~~

Justine's. 

KANINA ko pa hinahanap si Twinky pero hindi ko siya makita. Pumunta na ako sa room nila, pero sabi naman ng kaklase niya, hindi pa daw napasok si Twinky mula nong first subject. Tapos pumunta din ako sa canteen pero wala din siya dun. Nakita pa nga ako ni Red, eh. 

Pumunta na din ako sa field pero wala din siya dun. Nasaan naman kaya yun? Ang last choice ko dito sa school ay sa likod ng main campus, eh. Naglakad ako patungo sa likod ng main campus. 

Nagulat pa ako nang biglang may bumunggo sa akin. 

"Aray ko!" 

Nagulat pa ako nang makita ko si Twinky. And the fuck! She's crying! "Twinky, why the hell are you crying?!" 

Nagtaka ako nang bigla na lamang niya akong yakapin at sa balikat ko siya humagulgol. The eff! What the hell happened?! Hinawakan ko ang balikat niya at inilayo siya sa akin. Tiningnan ko ang mukha niya ngunit umiwas lang siya. 

"What happened?" Mariin kong tanong sa kanya. Kapag nalaman ko na may kinalaman ito sa gagong boss niya. Humanda sa akin ang Red na yun. Ako na ang nagpahid ng luha sa mga mata niya. Kung titingnan siya ngayon, parang nanghihina siya, eh. 

"H-h-ha? W-wala." Umiiling pa na sabi niya. 

"Twinky." Mariing bigkas ko sa pangalan niya. 

Tumingin siya sa akin, sabay umiling. "A-Ahhmm." Mabilis na pinalis niya yung luha sa mga mata niya. "W-w-wala nga.." 

"If you're not going to tell me the truth, then I am going to punch his face." Sabi ko uli. Buwisit! I love Twinky! He don't have right to hurt her. Nagparaya ako kasi mahal siya ni Twinky, pero ganito lang? Gago ba siya? 

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kasi napatigil siya sa pagsinghot at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin. 

I am not lying. I can do that. Just for her. 

**

Twinkle's. 

ANO DAW? Kapag hindi daw ako nagsabi ng totoo, susuntukin niya si Pula? Ay go! Para matauhan siya. Pinahid ko ang luha na naglandas sa pisngi ko. Shet lang. Kaya ayokong may makakakita na naiyak ako, eh. Magtatanong ng magtatanong. Tss. 

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Singkit. "W-wala. Nadapa lang ako dun." Sabi ko sabay itinuro ko yung pinang-galingan ko. 

Umiling siya. "Ano ang nangyari sayo? Bakit hindi mo sabihin sa akin ang totoo? Best friend mo ako tapos magsi-secret ka sa akin?" 

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Oo na. Sasabihin ko na! Pero...." I pouted. "Samahan mo naman ako sa canteen. Gutom na ako, eh. H-hehe." I shly smile at him. 

"Ipangako mo muna na sasabihin mo sa akin. Ayokong nakikita kang nasasaktan." Seryosong sabi niya. 

Tumango ako sa kanya. "P-promise." 

Napaigtad ako nang akbayan niya ako. Tipid na lang akong ngumiti sa kanya at naglakad na kami patungo sa canteen. Nakatungo lang ako habang naglalakad kasi bawat nadadaanan namin, nakatingin sa amin. Siguro nagtataka sila kasi ang pula ng mukha ko, paga pa ang mata ko siguro. O baka naman, kasi naka-akbay sa akin ang crush nila. Paki ko? Best friend ko 'to. 

Nang nasa entrance door na kami ng canteen, napatigil ako bigla. Nakita ko kasi si Red, kasama ang mga barkada niya at nandon na rin si... Sheena at si Bella. Umalis kaagad ako sa entrance door ng canteen. Sumunod naman sa akin si Singkit. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon