HCHM 84

3.2K 57 1
                                    

~*~ 

Twinkle's. 

Nagtaka ako bigla nang lumayo sa akin si Justine at sinabi niya na may kakausapin lang daw siya sa phone. Hindi ko naman alam kung sino yun, eh. 

Ilang sandali pa ay bumalik na siya. 

"Sino yun?" Tanong ko. 

"Twinky, I need to go. Pero, dito ka lang ha? Wag kang aalis," sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero kaagad na umalis na siya. 

Napakunot-noo ako habang nakatingin ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Eh ano pa ang gagawin ko dito? Eh wala na naman akong kasama? Tss, aalis na sana ako pero napatigil ako nang makita ko si Red na natakbo papunta sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ah, grabe. Miss na miss ko na talaga siya. 

"Anong gina --" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang kabigin niya ako at yakapin ng mahigpit. Nagtaka ako sa ginawa niya. Palagi na lang bang ganito kapag magkikita kami? 

Ilang sandali pa ay kumawala na siya sa akin, nakangiti siya habang nakatingin sa akin. "Yuri, I love you." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Okay na ang kompanya namin at kinakausap na ngayon ni mama ang mommy ni Mae para matapos na ang kung anong meron sa amin ni Mae. Pero, kakausapin ko pa si Mae para maayos tong lahat." 

Nakaramdam ako ng saya dahil sa sinabi niya. Ilang weeks din ang nakalipas simula nang mangyari ang tungkol sa engaged thingy na yun. "Anong gusto mong gawin ko?" Kahit kinikilig ako, pinipigilan ko pa din ang sarili ko. 

"Come back to me," seryosong sabi niya. 

"And why would I do that?" 

"Because I know you still love me. Hindi naman nawala ang pagmamahal mo sa akin diba? Alam kong mahal mo pa ako. Wag ka ng pakipot." 

"Wow, yabang mo ha. Ikaw na nga tong nakikipag-balikan." Inirapan ko siya. "Talk to Mae first. Kapag tapos na kayo, saka mo ako kausapin," sabi ko then iniwan ko na siya. 

~*~ 

Two days after pero hindi pa din ako kinakausap ni Red. Siguro hindi siya nagtagumpay sa ginawa niya. Siguro hindi nakipag-hiwalay si Mae. Eh sa sama ba naman ng ugali ng babaeng yun! Ugh, masaya ako kasi feeling ko, maayos na kami ni Red, eh. Pakiramdam ko, magiging kami na uli pero hindi naman ako naasa ng sobra. Kapag iniisip ko pa nga lang na hindi mangyayari yung gusto niya nasasaktan na ako. 

Nung nag-usap kami, hindi ako nakatulog nun. Oo, masaya ako ng araw na yun. Pinigilan ang sarili ko. Gusto ko munang hiwalayan niya ng maayos si Mae bago kaming dalawa. Hindi naman ako tatanggi kung makikipag-balikan siya. Mahal ko si Red. Hindi naman ako papayag na hindi kami magkabalikan no. Tanga ko kapag pinakawalan ko ang chance. Ilang taon din kami. Ugh. 

"Huy, what's your problem?" 

Oo nga pala, kasama ko nga pala si Bella ngayon at narito siya sa bahay. Siya ang nagkusang pumunta dito. Nag-tour pa nga siya sa loob ng bahay. Dapat daw kasama niya si Jayvee pero niyaya daw ng barkada. 

Naikuwento ko na sa kanya yung tungkol sa amin ni Red. Na napatawad ko na si Red, sabi naman niya tama naman daw ang ginawa ko. 

Umiling ako. "W-wala," 

"You know, you just need to follow your heart para hindi ka mahirapan. If you still love him, makikipagbalikan ka. Pero, kung hindi mo na naman mahal eh di wag na. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo sa kakaisip, eh. Duh, maid ka lang niya dati pero lucky you, minahal ka ni Red. I admit, at first I was shocked because na-in love siya sa sariling maid niya. Eh magkaaway pa tayo noon, kaya napapangitan ako sa'yo," 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon