HCHM 26

6.1K 103 3
                                    

~~~

 "ANO bang nangyari sa'yo? Bakit may juice ang damit mo? Nabubuan ka ba o may nagtapon sa'yo?" Tanong ni Justine kay Twinky. 

The heck! Ano ba ang nangyari sa babaeng ito? Kanina pa lang tanaw na niya na umiiyak ito. She asked her many times nang nasa banyo pa lang sila. Hindi man lang nito sinagot iyon. Nananatiling tahimik lang ito. 

She looked at him. She smiled sadly. "W-wala. Natapunan lang ako ng juice. Okay lang ako! Don't worry, Singkit." 

Hindi siya satisfied sa sagot nito. Pakiramdam niya may itinatago ang babaeng ito. Pero, hindi na din niya ito pinilit. Tumango na lang siya bilang sagot. 

Napatingin siya kay Twinky na nakatungo lang sa tabi niya. Kanina, ang ayos nito ay nakalugay pa ang buhok na magulo dahil na rin sa lagkit ng juice na nabubo. Napaisip siya kanina, nabubo iyong juice? Pero, sa ulo nito? Hindi niya kayang maniwala. 

Ngayon, ang ayos nito ay basta na lamang naka-pony ang buhok nito. Naka t-shirt na white. Pagkatapos, iyong face towel na dala nito kanina ay nasa balikat na lamang nito. 

"Twinky." 

Napaigtad ito at tumingin sa kanya. "Ha? Tawag mo ba ako?" 

Hindi siya nagsalita. Tumitig lang siya sa mga mata nito. Mukhang may problema talaga itong dinadala. He wanna know what it is. Ngunit, hindi na siya nagtanong. Umiling na lang siya. Kumunot naman ang noo niya. 

"Okay ka lang ba, Singkit?" She asked. 

Ngumiti na lang siya. "I'm fine. Kasama kita, e. So, san na ang punta mo ngayon? Uuwi ka na ba?" 

Naupo sila sa wooden bench under the mango tree. Sa tapat iyon ng canteen. Kanina pa si Twinkle bumubuntong hininga. Hindi na lang siya nagsasalita. Baka kasi malaki ang problema nito. 

Umiling ito. "Hindi. Tinatamad pa ako, e. Pati hindi ako maka-get over sa ----" Biglang natigilan ito. 

Napatingin siya rito. "Are you hiding something?" 

Biglang  napatingin ito sa kanya. "H-ha? A-ako? Wala, a. Ano naman ang itatago ko? Ballpen ko?" Tumawa ito ng pagak, sabay umiling. "Wala akong tinatago." 

Tumango na lang siya. He wants to ask her. Gusto niyang malaman kung ano ang problema nito. He wants to help her. I like her, really. She's too amazing and cute. Ugh. 

Si Twinkle na yata ang kakaibang babae na nakilala niya. Ito iyong babae na hindi maaaring saktan. Para sa kanya, iingatan niya si Twinkle kahit walang chance sa kanilang dalawa. Kahit boy bestfriend lang, okay na sa kanya. She's too kind and she's too innocent. 

Shit. Am I really in love with her? 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon