****
"PULA naman! Bakit ba kasi hindi na lang next saturday?" Pangungulit ni Twinkle kay Pula. Nakasakay na sila sa kotse nito. Ayaw naman niya kasi talagang sumama. Makikita na naman niya si Bella na mas maganda pa kay Marian Rivera. Hmp!Tatarayan na naman ako 'non!
Asar na tumingin ito sa kanya. "Just shut up, Yuri. Kanina ka pa."
"Pula naman kasi! Inaaway kasi ako 'nong Bella na 'yon, e." Reklamo niya.
"Don't mind her. 'Wag mo na lang pansinin, okay?"
"Oo na!" Humalukipkip siya.
Nang makarating sila sa Max Bar ay ganoon pa din. Kay Pula pa din nakatingin ang mga babae. 'Tapos sa kanya naman, parang gusto na siyang itapon na ilang babae roon dahil sa sama ng tingin sa kanya.
As usal, VIP room na naman ang place nila. Pagkapasok nila doon ay kaagad siyang naupo. Nandoon na din si Bella. Masama na naman ang tingin nito sa kanya. E ano ba ang bago?! Hmp!
"So, you're here again. 'Bat lagi kang kasama ni Red?"
Lumabas kasi si Pula. May bibilhin lang daw ito.
"Maid nga 'di ba? Hindi mo ba alam ang maid? Mag-apply ka din para malaman mo. 'Dami mong tanong." Sagot niya nang hindi tumitingin dito.
Tumaas ang kilay nito. "Ganiyan ka ba talaga makipag-usap ha? Muchacha ka!"
This time, tumingin na siya rito. "Hoy, babaeng mas maganda kay Marian Rivera! Fyi lang ha? E ano naman kung muchacha ako? Pati 'wag mo na lang akong kausapin, okay?"
"You, woman! Shut your mouth!" Galit na sabi nito sa kanya. "Kinakalaban mo talaga ako, 'no?"
"Ng ano ba? Boxing? Badminton? Volleyball? Sorry, I'm not into sports." Plastik siyang ngumiti rito.
"You ----"
Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok si Pula. May bitbit itong dalawang sisig.
"Are you guys fighting?"
Magsasalita sana siya ngunit naunahan siya ni Bella. "Iyang maid mo, inaaway ako." Sumbong ni Bella kay Pula. Kumapit pa ito sa braso ni Pula.
Napa-angat ang kilay niya. "Hindi ko inaaway 'yang girlfriend mo. Siya ang unang kumausap sa akin. Nananahimik ako rito," she pouts.
"Stop it, guys." Tumingin sa kanya si Pula. "Iinom ka ba?" Tanong nito.
Umiling siya. "Hindi. Sa labas na lang muna ako. Alam niyo na, baka maka-abala pa ako sa gagawin niyo." She smiled sweetly to these two. "Okay lang ba na lu ----"
"No. Diyan ka lang." Sabi ni Pula sa kanya.
"But why, Red? Much better kapag nasa labas siya." Maarteng sabi ni Bella rito.
Napanguso siya. "Iyong boss ko na ang nagsabi na dito ako. Okay lang kahit mag-landian kayo sa harap ko. Ipipikit ko ang mata ko." Ngumiti pa siya. "Go ahead. Basta akin 'tong isang sisig," aniya, sabay kinuha iyong isang sisig na nakapatong sa table. Nakatingin lang sa kanya ang dalawa. Kumain na lang siya kaysa pansinin pa ang mga ito. Pero deep inside, naaasar talaga siya. Hindi niya alam kung bakit! Ugh!
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomantizmWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?