*
Jayvee's.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa couch. Si Bella. Bakit nandito ang isang 'to? Pinsan ko siya. Akala ko ba nasa ibang bansa 'to?
"What are you doing here? Akala ko ba nasa America ka?" Naglakad ako palapit sa kanya.
"Why? Hindi ba puwedeng umuwi ako dito? Huh? Dear cousin?" Ngumiti pa siya sa akin.
Inismiran ko lang siya. Naglakad na ako papunta sa taas. Ngunit tumigil muna ako sandali at nilingon ko siya. "I saw your ex. With Twinkle."
Nagtaas siya ng kilay. "So? What do you want me to do?"
"Hindi mo na ba talaga mahal si Red?"
Napakunot-noo siya. "What the hell are you saying? Its been two years, you idiot!"
Nag-shrug ako. "Well, baka mahal mo pa, eh. Puwede bang agawin mo si Red?"
"What the?" Bulalas ni Bella.
Marahang tumawa ako. "Joke lang! Pero shit lang Bella. Ang cute pala ni Twinkle 'no? Mas cute siya kaysa noon. Nung nakita namin siya ni Sheena."
Tumango si Bella. "I know."
"I thought you hate her?"
"Dati. Nung boyfriend ko pa si Red. Pero ngayon, hindi na. Okay na kami. Pati bakit parang interesado ka kay Twinkle?"
I smiled. "Uhmm, I don't know." Tumango lang ako sa kanya at pumanhik na ako sa kuwarto ko. Napangiti ako nang maalala ko si Twinkle. Cute naman talaga siya, eh. Kaya ko siya nilapitan kanina dahil namukhaan ko siya.
Hindi ko alam kung bakit hate ni Sheena si Twinkle eh mukha namang mabait. Pero, mataray din pala yun. Sus! Pasalamat nga siya at pinansin ko siya, eh. Joke!
Si Red? Matagal ko ng kilala ang kumag na yun. Chickboy pa siya that time.
About Sheena, sa London siya nag-aaral. Nakaka-skype ko siya. Sinabi niya sa akin na hindi na daw siya babalik. Hindi ko din alam kung bakit. Pero, sinabi na niya sa akin na naka-move on na daw siya kay Red. Ang tawag pa nga niya kay Twinkle ay cheap girl.
Actually, si Bella ang nagsabi sa akin na magpa-transfer ako Anderson College University. At first, hindi ako pumayag. Pero, napilit niya ako eh. Kung titingnan naman ang pinsan kong yun, mataray at maarte talaga. But she's quite funny and cute.
Hindi ko alam kung bakit niya ako pinalipat.
![](https://img.wattpad.com/cover/6240919-288-k981114.jpg)
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?