*
Tatlong araw na ang nakalipas mula ng mangyari yun. Okay na kami ni Red. Ginagawa naman niya yung sinabi niya sa akin na iiwasan na daw niya si Mae. Nung sunday, magkasama pa din kami. Bumabawi daw siya sa akin dahil hindi daw kasi kami nagkakasama sa school.
Ayun, okay naman ang nangyayari. Sana nga hindi na uli kami mag-away ni Red, eh. Sana masaya na lang kami palagi. Yung wala na bang epal sa mundo. Joke!
"Anyare sa inyo? Okay na ba kayo?"
Napatingin ako kay Shine. Naglalakad kami papunta sa cafeteria. Break time na namin. Hihintayin ko pa si Red dun. Sasabay daw kasi siya. He texted me awhile ago.
Tumango ako. "Oo, okay na kami." Ngumiti ako sa kanya. "Eh kayo ba ni Harold? Kayo na 'no?" Sinundot ko ang tagiliran niya. "Asus, aminin."
Inirapan niya ako. "Wala pa 'no. Ewan ko nga dun sa lalaking yun. Hindi ko maintindihan, eh."
"Akala ko ba hindi mo na siya gusto dahil na-busted ka last yea ----" Tinakpan niya bigla ang bibig ko.
"Ano ka ba? Wag kang maingay. Dito mo pa iniimik, eh."
Pinalis ko ang kamay niya. "So? Hindi naman malakas ang boses ko, ah. Ang oa mo."
"Ah basta! Hindi ko alam. Pero feeling ko, nagugustuhan ko na uli siya, eh. Nagiging nice na uli siya sa akin."
"Eh? Paano kung katulad din nung dati? Paano pag nag-confess ka tapos busted ka uli?" Sabi ko sa kanya.
She glared at me. "Bakit ang nega mo? Sapakin kaya kita?"
"Okay lang. Babalik yun sa'yo, gusto mo?"
Kaagad na ngumiti siya sa akin. Kinapitan niya ang kamay ko. "Siyempre, joke lang yun Twinkybaby. Ikaw, saktan ko? Naku, di ko kaya."
Pinalis ko ang kamay niya at sinapok ko siya ng mahina. "Pangit mo."
"Aray!"
*
"Uuwi ka na ba o sa bahay ka muna?" Tanong sa akin ni Red. Naglalakad na kami palabas ng school. Kumapit ako sa kamay niya. "What? I'm asking you, Yuri. And please, don't hold my hand. Nakakahiya."
Tiningnan ko siya ng masama at kaagad na binitawan ko ang kamay niya. "Eh di wag! Hindi ko na hahawakan ang kamay mo kahit kailan!"
"Joke lang. Bakit ka nasigaw?" Tumingin kasi yung iba ka-schoolmates namin sa amin. Malakas ba ang boses ko? Hindi naman diba?
Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo. Sungit mo."
Bigla niya akong inakbayan. Tapos maya-maya, hinawakan na din niya ang kamay ko. Medyo nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya. "What? You want this right?" Tapos inangat niya yung kamay naming dalawa.
Aalisin ko sana ang kamay ko pero mas lalo lamang niyang hinigpitan yun. Napatingin ako sa kanya. "Ano ba? Akala ko ba ayaw ---"
"Hawak ko na ang kamay mo. You don't need to whin."
Bakit ba ang seryoso ng mukha ng kumag na to?! Inirapan ko na lang siya at naglakad na lang kami. Sasama na lang muna ako sa kanila. Maaga pa naman. Ihahatid naman niya ako, eh.

BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?