HCHM 16

6.8K 130 5
                                    

****** 

"ANONG cellphone ang gusto mo?" Tanong kay Twinkle ni Tita Lea. 

Naroon na sila sa Mall. Katulad ng sinabi nito, ibibili nga siya ng cellphone. Sabi niya, okay lang kahit mura. Ngunit ayaw pumayag nito. Gusto nito na nasa uso na daw ang cellphone niya. Hindi niya batid kung bakit ginagawa nito ang lahat ng iyon. 

"Kayo na lang po ang bahala, Tita. Okay lang po sa'kin kahit ano." Nakangiting saad niya rito habang naglalakad sila. 

"Samsung Galaxy S4? Okay na 'yon sa'yo?" 

"S-samsung galaxy S4 po?" Nanlaki ang mata niya. "Ahmm... H-hindi po ba mahal 'yon?" 

Pinisil nito ang pisngi niya. "Its okay. So, 'yon na lang ha?" 

Wala na siyang nagawa kundi tumango na lang. Wala naman siyang magagawa. Kapag kagustuhan nito, ito na ang masusunod. Hindi naman kasi niya pera iyon e. 

Pumasok sila sa Samsung. 

"What can I do for you 'Mam?" Nakangiting tanong ng mag-aasist sa kanila. 

"Samsung Galaxy S4..." Bumaling sa kanya si Tita Lea. "What color do you want?" 

"Available po sa'min ang pink." Sabi noong nag-a-assist. 

She smiled. "Ahmmm, s-sige. 'Yon na lang po," 

Nang matapos silang bumili ay binigay na sa kanya iyon ni Tita Lea. "Take good care of it, okay?" 

Mabilis na tumango siya. "Of course, tita. Thank you very much! Iingatan ko po talaga, 'to. Ngayon lang po ako nagka-ganitong cellphone," sabi niya habang tinititigan ang Samsung Galaxy S4 na hawak niya. 

Pinabuksan na kasi ni tita iyon kanina. Binili na din nito ng sim card iyon. Binigay na rin ito iyong number nito at number ni Pula. 

"Good." 

Ngumiti na lang siya. 

"Are you hungry, Twinkle?" 

Umiling siya. "Hindi po. Kumain naman po ako bago po tayo umalis sa bahay." 

"Ganito na lang. May pupuntahan pa kasi ako. May kakausapin ako na tao para sa gagawin ko na trabaho. Bumili ka ng kahit anong pagkain. Dalhin mo sa boss mo, okay?" 

Tumango siya. "Opo, Tita." Nagtaka siya nang five thousand ang iabot nito sa kanya. "F-f-five thousand? B-bakit ang ----" 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon