~~~
Twinkle's.
"HAPPY BIRTHDAY TWINKYBABY!"
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Shine. "W-what the?! Why are you shouting?!"
Imbis na mag-sorry ay lumapit pa siya sa akin at ngumiti. "Happy birthday, best friend! I love you!" Mabilis na hinalikan niya ako sa pisngi.
Birthday? Tiningnan ko yung clock sa bedside table niya. May date na din kasi na kasama yun. Napakurap ako nang makita ko ay September 10. OmyG. Birthday ko pala. Tumingin ako kay Shine. "Anong oras na? Hindi ba tayo papasok?" Tanong ko sa kanya.
Nakangiting umiling siya. "Nope. Excuse tayong dalawa sa school dahil magse-celebrate tayong dalawa!"
How sweet of her. Pero mas masaya sana kung kasama sila. Haha! Pero, hindi naman nila alam na birthday ko, eh. They don't have to know, anyway. Inayos ko yung buhok ko at bumangon na ako sa kama.
Maaga akong nakatulog kagabi. Sa kakaisip at dahil... Namimiss ko si Pula. Masama ba yun? Aba! Kahit masama ang loob ko sa kanya. Miss ko na siya!
"Twinkybaby! Maligo ka na dali. Pupunta tayo sa mall! May bibilhin ako sayo!" Nagulat na lang ako nang bigla akong ipagtulakan ni Shine sa banyo. Magsasalita pa sana ako ngunit siya na ang nagsarado ng pinto. Napakurap na lang ako dahil sa lakas ng tunog ng pinto. Oh hell.
Binuksan ko uli yung pinto. Napakunot-noo ako nang makita ko si Shine na naghahanap ng damit sa walk in closet niya. I forgot, mansyon talaga ang bahay nila. Inggit ako! Joke!
"Maligo ka na! Naghahanap na ako ng damit para sayo! Shuuu!" Napairap na lang ako at pumasok na uli sa banyo upang maligo.
Nang matapos akong maligo, lumabas na uli ako ng banyo. Napakunot noo ako nang wala na si Shine sa loob ng kuwarto niya. Napatingin ako sa kama.
May shorts doon at simpleng sando na may kasamang chaleko. Black yung damit at white na see through yung chaleko.
Nagkibit-balikat na lang ako at sinuot ko yun. Inayos ko na din yung buhok ko. As always, yung bangs ko lang palagi ang iniipit ko. Hehe. Sinuot ko na din yung white sandals na nasa sahig. Pagkatapos ko, lumabas na ako ng kuwarto ni Shine.
"Nasaan na kaya yung babae na yun?" Tanong ko sa sarili ko. Bumaba na ako ng hagdan. Nakita ko si Shine na nakaupo sa sofa. Tumayo na siya nang makita ako.
"Finally! You're done. So let's go?" Nakangiting lumapit siya sa akin at um-abrisete sa akin.
Napakunot-noo ako. "Saan ba tayo pupunta?"
"Kahit saan! Basta, gusto ko maging masaya ka ngayon." She smiled. "Happy birthday best friend!" Then, niyakap niya ako.
**
Red's.
"RED! Anak! Gumising ka na! Tulungan mo ako sa ibaba!" Napaungol ako nang marinig ko ang boses ng mama ko. Bumalikwas ako ng bangon at tumingin sa kanya. Nakapamewang siya habang nakatingin naman sa akin. "Ano na? Tulungan mo ako! Letse kang bata ka!" Naglakad siya palapit sa akin at kumuha ng unan sa kama ko saka inihampas sa akin.
"Aray ko! Bakit po ba?" Hinimas ko yung mukha ko na nahampas niya.
"Birthday ng maid mo 'di ba? Sinabi ko na sayo kagabi na tutulungan mo ako! Pero tulog ka pa din hanggang ngayon! Ni hindi ka pa nga nakakabili ng regalo para sa maid mo!"

BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomantizmWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?