HCHM 64

3.9K 65 2
                                    

~~

Twinkle's. 

"HOY! Ano ba 'yan ha?!" Sigaw ko kay Shine. Kanina pa kasi niya tinitingnan ang cellphone niya. Ni hindi man lang ako pinapansin. Kanina pa ako nagsasalita dito. Para akong tanga! 

Sa wakas! Tumingin na siya sa akin. "Ha? May sinasabi ka?" 

"Pushet ka! Kanina pa ako nagsasalita dito tapos 'yan lang ang sasabihin mo? Aba! Ayos ka din 'no?" Inirapan ko siya. 

"Eh ano nga kasi yun? Naglalaro kasi ako ng candy crush, e." Nakangiwing sabi niya. 

"Ah, nevermind! Maglaro ka na lang uli diyan. Buwisit 'to." 

"Hoy! Ano na naman 'yan?" 

Sabay na napalingon kami ni Shine sa nagsalita sa likod namin. Napangiti ako nang makita ko si Singkit. Friday ngayon. Wala na kaming pasok sa Lunes kasi sembreak na namin! 

Umiling ako. "Wala naman. 'Di ko lang makausap ng maayos 'tong babae na to. Naglalaro daw siya." Sumulyap ako kay Shine na naglalaro pa din habang nakasandal sa pader. "Oh, tamo. Busy ang baliw na 'yan." 

Tumawa si Singkit at inakbayan ako. "Tapos na ba ang klase niyo? Kumain ka ----" 

Hindi naituloy ni Singkit ang sasabihin nang biglang may tumikhim sa likod namin. Napalingon kaming dalawa. 

"Am I disturbing you, guys?" 

Kaagad na inalis ko yung braso ni Singkit sa balikat ko. Lumapit ako kay Red at kumapit ako sa braso niya. "H-hi, Pula!" Masiglang bati ko sa kanya. "Uuwi na ba tayo?" 

Ngunit hindi siya natinag. Nakatingin lang siya kay Singkit. 

"What?" Natatawang tanong ni Singkit na tila inaasar pa niya si Red. Nang mapasulyap sa akin si Singkit, nagsenyas ako sa kanya na wag na niyang asarin pa. "Okay fine! Ililibre ko lang naman sana 'yang girlfriend mo ng dessert sa cafeteria. Ay kaso, dumating ka kaya wag na lang. Nalaki na yang ilong mo sa asar e." He chuckle. "Ge, alis na ako." Pagkasabi niya niyon, natatawang kumaway siya sa amin then umalis na siya. 

"Aalis na din ako. Hindi kasi ako makaalis sa level 95 e. Papalaro ko muna kay daddy. Sige bye!" Sabi ni Shine at dire-diretsyong umalis. 

Napanguso ako. "Letseng babae 'yun. Ni hindi na ako sinamahan sa canteen," 

"Bakit? Ayaw mo ba akong kasamang kumain?" 

Napatingala ako kay Red. "H-hehe. Joke lang, Pula. Ikaw na nga ang isasama ko 'di ba? Pati, bakit ba badtrip ka?!" 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon