HCHM 32

5.3K 98 2
                                    

~~~

"OH? Bakit tulala ka?" Napakurap si Twinkle nang bigla na lamang sumulpot sa harapan niya ang kabigan niyang si Shine. 

Nasa room sila. Hanggang ngayon kasi, hindi pa din niya makalimutan ang sinabi ni Pula sa kanya kahapon. 

"No. Why would I be jealous?" 

Of course! Nasaktan siya! Nang makauwi sila kahapon, dumiretsiyo kaagad siya sa kuwarto niya at doon siya umiyak. Nakatulugan na nga niya iyon, e. Pero, hindi niya pinahalata kay Pula na nasaktan siya, natatakot siya na baka kasi tanungin siya nito na bakit nga ba interesado siya na malaman kung nagseselos nga ito?

Sumulyap siya sa kaibigan na nakaupo na sa tabi niya. "Ah, wala. May iniisip lang ako," sagot niya rito. 

"Lokohin mo lelang mo, wag ako." Tinapik siya nito sa noo. "Ano nga? Bakit ka tulala? Do you have a problem?" 

Huminga siya ng malalim. "Nasasaktan ako." 

"Bakit? May sugat ka?" 

Tiningnan niya ito ng masama. "Sira ka!" 

"Oh! Don't tell me na----" 

Kaagad na tinakpan niya ang bibig nito. Nakatingin lang ito sa kanya kaya siya tumango. "Yes. Because of him, okay? Lower your voice, Shine!" Inalis na niya ang kamay sa bibig nito. 

"Shit. What happened?" 

"W-wala. Tinanong ko siya kung nagseselos siya sa amin ni Justine, hindi naman daw. Seryoso pa siya nang sinabi niya 'yon. Eh kung hindi siya nagseselos, bakit ganon siya maka-react?! Parang laging galit kapag magkasama kami ni Singkit. Siraulo pala siya, e." Napairap siya. 

"Gago pala 'yong boss mo, e. Pektus, he want? Wag mo pansinin yang amo mo! Pansinin mo lang kapag uutusan ka, okay?!" 

Hindi na lang siya sumagot. Sa labas ng bintana na lang siya tumingin. Napabuntong hininga siya. Bakit pa nga ba niya natanong iyon? Saan siya kumuha ng lakas ng loob? O dahil, interesado na din siyang malaman ang totoo? O baka naman, umasa lang siya na nagseselos nga ito? 

Hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko na umasa na baka ng nagseselos siya. Nang dumating ang teacher nila ay hindi din naman siya nakinig. Masiyado siguro siyang naapektuhan. 

Maya-maya ay nakinig na lang niya na sinigaw ni Shine ang pangalan niya. Napakurap siya at tumingin rito. "What?" 

"Labasan na po. Tatayo ka diyan o maiiwan ka rito?" 

Inirapan niya ito saka siya tumayo. Nang makalabas sila ng room, nakita nila si Singkit. Ngumiti ito nang makita siya. Oo, she missed him. 

Bumulong sa kanya si Shine. "Uuna na ako, best friend." 

Tumango na lang siya rito. Nang makaalis si Shine ay lumapit siya kay Justine. "Singkit, kumusta ka na?" 

"Okay lang ako. Ikaw ba?" 

Nagkibit-balikat siya. "Hmmm, medyo okay pa. H-hehe." 

Naglakad na sila palabas ng building. 

"Ha? What do you mean? May problema ka ba? Sinaktan ka ba ng boss mo?" Sunod-sunod na tanong nito. 

Sasagutin sana niya ito pero umiling na lang siya. Baka kasi kung ano pa ang mangyari kapag sinabi niya rito ang tunay na dahilan. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon