HCHM 9

7.5K 124 3
                                    

(Harold at the multimedia) 

** 

KASALUKUYAN na siyang naglalakad patungo sa labas ng paaralan. Umalis na si Shine sapagka't sinundo ito ng daddy nito. Pinasasabay siya ngunit tumanggi siya. She used to be alone, anyway. 

"Yuri!" 

Napalingon siya sa tumawag na iyon. ------ Its Red. Naglakad ito palapit sa kanya. Hinintay naman niya ito. 

"Bakit?" Tanong niya nang makalapit ito sa kanya. 

"Where are you going? Maid kita 'di ba? Dapat hinihintay mo ako. Paano na lang pala kung may iuutos ako sa'yo?" 

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Anong silbi ng cellphone mo? Maaari mo naman akong itext. Nasaan ba talaga ang utak mo? Napapansin ko na ----" 

"Bakit ba napakadami mo laging sinasabi, ha? Katulong lang kita. Wala kang karapatan na sagutin ako." Iritadong sabi nito. 

Nagkibit-balikat siya. "Sorry," Bat ko ba nasabi 'yon? E wala nga akong cellphone! Hahahaha. 

Bahagyang nagulat ito sa sinabi niya. Siguro hindi ito sanay na nag-so-sorry siya. Wala kasi talaga siya sa mood magtaray dito ngayon. Depende na lang kung aawayin siya nito. Hindi naman siya papatalo 'no! 

Naglakad na muli sila. 

"Sumama ka sa'kin mamaya." Sabi nito. 

Napatingin siya rito. "Saan naman?" 

"Sa bar na pinun ----"

"Doon?! Sa bar na kung saan ako nilait-lait ng girlfriend mong mas maganda pa kay Marian Rivera?!" Mabilis na umiling siya. "No way!" 

"Nagre-reklamo ka ba? Maid kita, boss mo ako. You ----"

"Have to follow all my commands." Siya na ang nagtuloy sa sinabi nito. Alam niya iyon, e. Hahaha! 

"Paano mo nalaman ang sasabihin ko?" 

"May kaibigan akong duwende. Binulong sa'kin," bale-walang sabi niya. 

"What the hell are you saying?!" Naaasar na tanong nito. 

"Wala naman akong sinasabi, a." Tumango siya. "Oo na! Sasama na ako! Maid mo ako. Boss kita. Ilang beses mo na bang pina-alala sa'kin iyan?" 

"Akala ko nakakalimutan mo na," 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon