(Blake at the multimedia)
**
"YAN lang ang bibilhin mo?!" Bulalas ni Twinkle nang makita ang librong binili ni Pula. Isa siyang maliit na libro na hindi niya maintindihan kung ano. Humalukipkip siya. "Nice ha! Ang laki 'nan. 'Di iyan kasya sa bag ko." Naiiling na sabi niya. Siyempre, nag-joke ako. Hahaha.
Tumingin ito sa kanya. "Palibhasa kasi 'di mo alam ang mga ganitong bagay," sabi nito.
Naglakad na sila patungo sa counter. Kanina pa madami ang natingin sa amo niyang si Pula. Asus! E 'di siya na ang guwapo. Hmp!
"Hindi a. Slight lang. Marunong akong mag-basa, mag-sulat. Tap ----" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang tingnan siya nito ng masama. Nag peace sign siya rito. "Biro lang, Pula."
"Shit! Don't call me that name!" He said irritated.
Nagkibit-balikat siya. "E 'di green na lang."
"I'm warning you,"
"Thanks," sabi niya na lang.
Nang mabayaran nito iyong small book thing na binili nito ay lumabas na sila ng National Book Store. Mukhang nagalit si Pula dahil na-irita sa kanya. Paki ko? Hahahaha!
"Hoy, Pula! Wait lang!" Tumakbo siya palapit dito. Ngumiti lamang siya nang tiningnan siya nito ng masama. "May sa demonyo yata ang mata mo, a. Gutom na ba ang mata mo? Kakainin na ako sa sama ng tingin 'nan." sabi niya, sabay inirapan ito.
"Shut up, Yuri. Ihahagis na kita sa bangin. Ang ingay mo." Sabi nito nang hindi nakatingin sa kanya.
"E kaysa naman tahimik ako! Boring kapag tahimik. Kailangan happy!" Pasigaw na sabi niya. "Woo!" Nagulat siya nang bigla siyang batukan nito. "Aray ko! Balak mo ba akong pugutan ng ulo?! Tiningnan niya ito ng masama.
"Masakit 'di ba? Gusto mong ulitin ko pa?" Sabi pa nito.
Umayos na siya ng tayo, sabay ngiti ng matamis dito. "Wow ha? Try ko sa'yo gusto mo? Hindi siya masakit. Masarap nga, e. Lasang Caramel." Naglaho na ang ngiti sa labi niya at inirapan ito.
"Just ----" Hindi na nito itinuloy ang sasabihin. Sa asar nito ay nagpatiuna na lang ito sa paglalakad.
Hahahahahahaha! Bat kaya ang pikunin ni Pula ano?! Pero shet lang ha. Ang lakas ng batok niya. Sana kutsilyo na lang gamitin niya kung balak niya pugutin ang ulo ko. Hmp!
Tumakbo na siya para maabutan si Pula. Kinulbit niya ito nang maabutan niya. Ngunit hindi siya nito nililingon. Muli niyang kinulbit. Hindi pa rin ito nalingon. Kukulbitin na sana niya uli nang makita niyang nakatingin na ito sa kanya ng masama.
Nahihiyang ngumiti siya. "H-hehe. May dumi kasi ang damit mo. Maid mo ako, kaya inalis ko lang." Pinagpag pa niya ang damit nito. Nag-peace sign siya at iniwas na lang ang tingin rito. Nakakahiya naman 'yon.
"Tumahimik ka na lang, puwede? Nakaka-irita ka na, e."
"Ows? Kailan ba hindi?"
"Shut up."
"You shut up," balik niya rito.
"Shut up, Yuri."

BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?