HCHM 77

3.1K 54 2
                                    

"Hi." 

Napakurap ako habang nakatitig ako kay Mae. "A-anong ginagawa mo dito?" Maya-maya, sumulpot si Red sa likod ko. 

"Hi, Redbaby! Missed me?" Baling naman ni Mae kay Red. 

Hindi ko maiwasan na mapa-angat ng kilay habang nakatingin ako kay Mae. Makapal din pala talaga ang mukha ng isang 'to no? Epal na, kontrabida pa. Batukan ko kaya ng isa? Isa lang oh. Puwede ba? 

"What are you doing here? Gabi na, ah?" Sabi naman ni Red. 

"Hindi mo ba ako papapasukin sa loob ng bahay mo?" Tumingin naman siya sa akin tapos tumango siya habang nakangiti. "Padaan ako, okay lang?" 

Hindi ako nagsalita. Naglakad lang ako ng kaunti para makadaan siya. Nakasunod lang ang tingin ko sa bawat ginagawa niya. Ipinatong niya yung dala niyang cake sa center table tapos naupo siya sa kinauupuan namin ni Red kanina sa sofa. Feel at home ang babaeng 'to ah? Nakapunta na ba siya dito? 

"Twinkle!" Tawag sa akin ni Mae kaya tumingin ako sa kanya. Nandito pa din ako sa tagiliran ng pinto. "Sorry kung hindi ko nasabi sayo kung bakit alam ko ang bahay ng boyfriend mo. Sinama na niya ako dito dati nung nagawa kami ng activity. Ang bait ng mom niya 'di ba?" Nakangiting sabi niya sa akin. 

Tipid na ngumiti lang ako at naglakad palapit sa sofa at naupo ako sa tapat ni Mae. Naupo naman sa tabi ko si Red. 

"Where's tita, anyway?" Tanong ni Mae habang nagbabasa siya ng magazine. Maya-maya tumingin siya kay Red. 

"May binibili lang." Sagot ko. 

Tinapunan ako ni Mae ng tingin. "Ikaw na ba ang anak ngayon?" 

"Hindi. Girlfriend ako nung anak. Eh ikaw? Ano ka ba? Kabute na biglang nasulpot?" Excuse me? Papatalo ba ako sa kanya? Heck no. 

"Yuri." Pigil sa akin ni Red. Inirapan ko lang siya at tumahimik na lang din ako. Buwisit! Hindi ko alam pero gusto kong sabunutan ang babaeng to kahit kaharap pa ang boyfriend kong 'to! 

"Well, maid ka lang naman dati 'di ba? Bakit hindi ka na lang uli maging maid ngayon? Mas bagay sa'yo yun." Sabi pa niya. 

Magsasalita sana ako kaso naunahan na ako ni Red. 

"Mae, stop it. What do you need?" 

Tumitig si Mae kay Red tapos ngumiti siya. "I need you." Tapos, tumingin naman siya na nakakaloko sa akin. Nakatingin naman ako ng masama sa kanya. "Jealous much?" Sabay tumawa siya. 

Umiling na lang ako at pinilit kong kumalma. Letse lang talaga! Hindi ba puwedeng sabunutan ko muna? Kahit isa lang. Nakakaasar na e! Kapal ng mukha! Landiin ba naman ang boyfriend ko sa harap ko?! As if naman na hindi ko alam na totoo ang sinabi niya! Alam kong totoo yun! Remember sa library?! Sinabi niyang gusto niya ang boyfriend ko! Kapal pa ng mukhang halikan si Red! Ugh! Kapag naaalala ko yun, nag-iinit ang dugo ko! 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon