~~
Twinkle's.
"PAANO ba yan? Babalik ka na uli sa bahay ng boss mo. Yeee! Kayo na ba ha? Baka naman may hindi ka sinasabi sa akin, ha? Asus!" Sabi sa akin ni Shine, sabay sinundot ako sa tagiliran.
Iningusan ko lang siya at nagpatuloy na ako sa pag-aayos ng gamit ko. Oo, babalik na ako sa bahay nina Pula! Payag naman talaga ako, eh. Miss ko na kasi si tita. Tinawagan na nga ako ni Pula dahil susunduin daw niya ako. O diba?
Nang matapos ko ng maayos ang gamit ko. Naupo ako sa kama. Tumingin ako kay Shine na nakaupo sa tabi ko. Napakunot-noo ako nang makita ko siyang nakangiti. "Bakit ka nakangiti ng ganyan? Problema mo?"
Nag-isod pa siya palapit sa akin kaya naman bahagya din akong umisod. "Hoy! Boyfriend mo na si Red, ano? Bakit hindi mo ---"
Tumayo ako. "Hindi 'no!" Iniwas ko ang tingin ko kay Shine. Hindi naman talaga kami ni Red, eh. Sinabi ko sa kanya na ligawan muna niya ako. Akala ko pa nga nung una, tatanggi siya eh. Pero, pumayag siya na liligawan daw niya ako.
"Sa lahat ng babaeng nakilala ko. Ikaw yung pinaka-hard to get. Pero, okay lang. Mahal kita, eh. Kaya liligawan kita!" Yan yung sinasabi niya na hustong nagpakilig sa akin. Kyaa! Ang sweet niya no? Kinikilig na naman tuloy ako.
"Oh tamo! Bakit nangiti ka diyan?!"
Napakurap ako. Saka ko lang namalayan na nakangiti na pala ako. Inirapan ko si Shine. "Hindi nga sabi, eh." Nagulat ako nang hilahin niya ako paupo. "Shine! Ano ka ---"
"Pero, nililigawan ka niya? Sabihin mo na kasi sa akin dahil hindi ---"
"Okay fine! Nililigawan na niya ako! Happy now? Buwisit to!" Sabi ko at tumayo uli ako. Kilala ko yan! Hindi yan titigil hangga't hindi ako naamin.
Napatakip ako sa tainga ko nang impit na tumili si Shine. "Omo! Kinikilig naman ako sa inyo." Suddenly, her face became serious. "Eh paano si Sheena?"
I shrugged. "From now on, lalaban na ako sa kanya."
"Aren't you scared?"
Umiling ako. "No. Dahil alam kong nandiyan si Pula para sa akin. He promised to me. Naniwala ako sa kanya."
"What if he broke his promise?"
I shrugged again. "Then, I will break his neck." I said calmly.
See? Napagisip-isip ko kasi na kailangan lumaban na ako sa Sheena na yun. Eh ano naman kasi ang magagawa niya diba? Ako ang mahal ni Red, hindi siya. So, ano pa ang ipinaglalaban niya? Yung ganda niya? Eh ano ang gagawin niya dun kung mas masama pa sa mukha ng unggoy ang ugali niya? Hindi na ako papayag na ipahiya niya ako. Lalabanan ko na siya. Crazy hired maid nga diba? Hindi coward maid.

BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?